10.

101 6 0
                                        

It's been a week of being busy with school. Ang naging routine ko buong linggo ay gigising, papasok, at uuwi. Inabala ko ang sarili ko sa mga gawain sa bahay at schoolworks para lang ma-distract ko ang sarili ko sa mga nangyayari.

Sa isang linggong nakalipas, ilang beses kong nakikita si Sarus kasama ang mga kaibigan niya. Mukha namang masaya siya kaya hindi na ako nakikialam. Iiwas na lang ako agad at babalik sa classroom kapag nakikita ko sila.

It hurts, yes. It feels lonely but, I think I can manage. Kung tutuusin nga, mas nauna niyang naging kaibigan 'yong dalawa kaysa sa akin at isa 'yon sa dahilan kaya iniiwas ko na ang sarili ko kay Leisarus.

Isa pang dahilan ng pagiging lonely ko ay dahil sa kadahilanang hindi pumasok si Joven at halos mag-iisang linggo na 'yon. Pumasok siya no'ng lunes pero, sa mga sumunod na araw ay hindi na. Hindi ko alam kung anong problema. Sinubukan ko siyang i-chat pero, hindi siya nag-online. I only saw his sister giving an excuse letter to our adviser but, I don't know the reason. Hindi ako naglalakas loob na magtanong.

Nang mag-uwian, mag-isa akong bumaba at tumawid para maghintay ng jeep na masasakyan pauwi. Muling nahuli ng mga mata ko si Sarus at mga kaibigan niya na palabas ng building. Napaiwas agad ako ng tingin nang dumako ang tingin ni Sarus sa direksyon ko.

"Oh, Pacita! 'Ne, sakay na!" I heard the driver called when a jeep stopped in front of me. Agad akong sumakay sa tabi ng driver at nagbayad. I hugged my bag and stare outside. Ilang sandali ay naisipan kong mag-online para mai-chat ang nanay ko na pauwi na ako.

My fingers stopped on working when I saw a chat from him, just now.

sarusthegreat: Sa unahan ka na naman umupo, ang kulit. Umusog ka paloob para hindi ka mahulog o kaya madanggi ng mga sasakyang dadaan. Ingat sa pag-uwi :)

I sighed and just reacted a heart on his message. Gustuhin ko mang iwanan lang na seen pero, hindi ko ugali 'yon. Dapat bang hindi ko na binasa? Wala eh, napindot ko na agad eh.

I exited the convo and chatted my mother. Nang ma-send ko ang chat, nag-off na ako ng data at saktong pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na ang hospital, ibig sabihin ay nasa pacita na ako.

Bumaba ako ng jeep ilang sandali ang nakalipas. Naglakad pa ako bago umakyat sa overpass para makatawid sa kabila. Natawa ako nang maalalang dati ay takot akong umakyat sa overpass na ito dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako pero, nalabanan ko ang takot ko. Una ay dahil araw-araw na akong nadaan doon kaya nasanay ako at pangalawa ay dahil may kasama ako pero, ngayon ako na lang mag-isa.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Kadramahan mo, Lara.

Gaya ng nakagawian sa araw-araw, nagpatuloy ako sa routine na unti-unti ko nang nakakasanayan. Aaminin ko na malungkot pero, sinasanay ko ang sarili ko na mag-isa. Wala pa ring ideya ang mga magulang ko sa nangyayari.

A week and three days since I last talked to him. Unti-unti ko na ring tinatanggap na baka hindi na maayos. Sinusubukan naming mag-usap pero, laging may hadlang. Kapag magdedesisyon akong kausapin na siya para maayos na, hindi natutuloy.

Sign na ba 'yon na hindi na maaayos ang pagkakaibigan namin?

Baka nga.

Habang nakahiga sa kama ko, muli kong naalala ang mga salitang binitawan ni Leisarus no'ng gabing 'yon. Naisip ko rin kung all this time, mali ba ako ng pagkakakilala sa mga kaibigan niya? Pero, paano maipapaliwanag 'yong gabing 'yon? Naninigarilyo sila at nasa bar kahit ang alam ko ay sa bahay lang nila Arnold ang celebration ng birthday ng tatay niya. Masiyado ba akong nanghusga? Normal sa mga kaedaran ko ang mag-inom o manigarilyo pero, mali 'yon, 'di ba? Mali ba ako dahil pinipigilan ko sila?

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon