13.

84 4 0
                                    

Itinago ko na ang cellphone ko nang magsalita na ang host ng event. They started the event from letting the Principal deliver his speech up to saying the oath of players. One player from STEM brought torch and jog around the place and it officially started the event.

"Our first game will be basketball! ABM vs. GAS," the host stated. Naupo na kaming lahat habang ang mga nasabing manlalaro ay naghahanda sa gitna. HUMSS' players sat near us. Ako ang nasa gilid na upuan kaya tumabi kaagad si Joven sa akin at bumulong.

"Kausapin mo na nga si Leisarus," bulong niya. Agad naman akong tumingin sa kaniya, nagtataka. He just glanced at me and slightly shook his head. "Ang init ng ulo lagi. Kausapin mo na tapos, lambingin mo," naatawang sabi niya.

"Baliw ka ba?" nakataas kilay na tanong ko.

Joven just chuckled. "Alam ko namang nag-away kayo ng bestfriend mo pero, halata naman sa inyong dalawa na gusto niyong mag-usap kaya bakit hindi niyo gawin?" tanong niya at agad akong natahimik. Bumaling ako sa court bago huminga nang malalim.

"Kasama niya ang mga kaibigan niya, bakit pa niya ako kakausapin?" tanong ko bago sumandal. Joven went silent before he sighed.

"Sigurado ka bang masaya siya sa mga sinasabi mong kaibigan niya?" tanong niya bago tuluyang nanahimik. That left me confused but, I didn't bother asking for it.

I watched the game and silently cheered everytime the one of the team scored. Wala akong kinakampihan, basta kung sino lang ang maka-shoot ay pinapalakpakan ko. That's what I've been doing for the past hours of the game.

"Lara, bibili ka ng pagkain mo? Magtatanghalian na." Tumingin ako sa kaklase kong tumapik sa akin. Nakatayo na sila at napansin kong nagsisitayuan na rin ang iba at ang iba naman ay lumabas na.

I pulled my wallet and checked the money I have. May pambili naman ako pero, hindi ako gutom kaya itinago ko kaagad ang wallet ko bago sila tiningala.

"Hindi na, busog pa ako. Salamat," sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Okay! P'wedeng pabantay ng seats? Baka kasi may maupo tapos, mawalan kami ng upuan. Okay lang ba?" she politely asked which I immediately responded with a nod.

Naiwan ako roon habang inaabala ang sarili ko sa cellphone ko. The whole court is playing a loud music. Ang ibang schoolmate ko ay naglalaro sa gitna habang nagpapalipas ng break time.

"Lara, hindi ka kakain?" I heard Joven's voice. Nakita kong nakasukbit ang bag niya sa balikat niya at nasa likod niya ang dalawang kamyembro niya.

"Hmm? Hindi ako gutom," sagot ko. "Ikaw, kumain ka na. Maglalaro na kayo mamaya, 'di ba?" tanong ko sa kanila.

"Oo, mag-cheer ka, ha?" Joven smiled which I did back. Nagtaas pa ako ng dalawang thumbs up at nag-goodluck sa kanila. Hindi na rin ako napilit ni Joven na bumili kaya nagpaalam na siya kasama ang mga kamyembro na kakain daw muna sila.

Sumandal ako sa upuan at inilabas ang earphone ko. I played my favorite soft musics to kill time. Pumikit ako para panandaliang matulog nang maramdaman kong may naupo sa tabi ko.

I remain seated with my eyes closed. Hindi ko kailangang magmulat para malaman kung sino ang tumabi sa akin. The feeling is familliar.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-alis ng isang earphone sa kaliwang tenga ko na nagpamulat sa mata ko. The first thing I saw is his shoulders. He's sitting straightly and still not able to see me.

Napalingon siya nang tanggalin ko ang earphone sa tenga ko at pati sa kaniya. Itinago ko ang earphone at binulsa ang cellphone ko bago ako umayos sa pag-upo.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon