39.

84 3 0
                                    

Unfortunately, I couldn't be with Sarus 24/7. May mga estudyante pa akong inaasikaso pero, hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko tutuparin ang sinabi ko. Tita Sheen suggested that I can visit Sarus whenever I have free time. Siya ang nagsabi na may trabaho akong kailangang asikasuhin kaya hindi kao p'wedeng manatili sa tabi ni Sarus.

It's fine with me, as long as Sarus agreed to undergo therapy.

Two days ago, he was bought to the hospital for pre-check up. Hindi ako nakasama no'n dahil may event sa school pero, in-update naman ako ni Tita Leisheen. She said Sarus was eating well and I'm relieved.

I couldn't enjoy the event much because of my mind travelling back to Sarus. Kating-kati na akong i-text siya pero, sa pagkakaalam ko ay may check-up siya ngayon. Isa pa, baka sungitan lang ako no'n. Masiyadong nagmamatigas 'yon eh, halata namang nagsusungit-sungitan lang.

Kapag nagsungit, iki-kiss ko. Ayon ang aking life hack.

I know, the reason why Sarus tries to push me away is his insecurities, he's ashamed. Nahihiya siyang humarap sa akin nang gano'n ang kalagayan. Nahihiya siya dahil sinasakripisyo ko ang oras ko para sa kaniya. Nahihiya siya dahil naudlot ang pagtupad niya sa pangarap niya. I always tell him how much I'm willing to be with him. More than willing, actually. Naghihintay ako hanggang sa gumaling siya, hanggang sa makalakad siya, hanggang sa makatakbo siya ulit palapit sa akin.

For now, I'm giving him his own space. Pero, siyempre hindi ako lumalayo. Hindi ako lalayo sa kaniya dahil lang 'yon ang gusto niya. I'm just letting him think and reflect.

The event continued. Tinuon ko room ang atensyon ko at nag-cheer sa estudyante kong nasa stage at rumarampa. I chuckled as I hear some girl students giggling and screaming whenever a handsome classmate of them ramps.

Napailing ako dahil doon. I remember so many things.

I remember being a teenager who's thrilled with the sight of handsome boys on our school. Kapag nanonood kami ni Sarus no'n ng pageants ay halos batukan na niya ako sa sobrang ingay ko kakatili. Nakabusangot siya habang ako ay malaki ang ngiti. I remembered claiming that I have five crushes back then, all of them are handsome in my eyes.

But, of course. Iba na ngayon. Isa na lang ang crush ko at ang gwapo sa paningin ko. 'Yong masungit na ang sarap halikan. Si Sarus.

I excused myself when my phone vibrated from my pocket. Lumayo ako sa maingay na crowd at tumungo sa classroom ko at isinara ang pinto. I answered the call.

"Hello?"

"Lara, 'nak?" I heard my mother's voice.

"Mama! Napatawag po kayo?" Naupo ako sa upuan ko at sumandal sa blackboard. Pumikit ako habang hinihintay ang sasabihin ni mama.

"Dadalaw ka ba sa boyfriend mo mamayang pag-uwi mo?" I smile at the term my mother said. Huminga ako nang malalim para ibsan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Hmm, hindi po ako sigurado. Aabutin po ng alas-syete ng gabi 'yong event. May mga competition pa po saka awarding," sagot ko at napabuntonghininga.

"Ay gano'n ba? Nagluto kasi ako at gusto naming bisitahin si Leisarus pero, itong tatay mo ay biglang pinatawag sa trabaho kaya wala akong kasama. Hihintayin sana kita, 'nak."

"Susubukan ko pong makauwi nang maaga, mama. Gusto ko ring dalawin si Sarus," sabi ko. Natahimik si mama kaya akala ko ay magpapaalam na siya pero, hindi pa pala.

"Anak, malungkot ka pa rin ba?" tanong bigla ni mama sa akin. Hindi ako nakapagsalita at doon siya nagpatuloy. "Napapansin ko kasi na malungkot ka nitong mga nakaraan. Alam kong nag-aalala ka kay Sarus pero, iba ang lungkot mo ngayon. Gusto kitang tanungin kung anong problema at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon..." my mother deeply sighed. "Anong problema, anak?"

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon