I decided to stay with Sarus when his family got home. Nag-text ako sa mama ko tungkol sa nangyari kay Sarus ag nasabi ko rin na mag-uusap kami kahit hindi ako sigurado kung matutuloy 'yon. Determinado akong kausapin si Leisarus habang may pagkakataon.
Lumabas ako ng kwarto ni Sarus habang natutulog pa siya. Hindi ko na nakita sina Tita Leisheen at Tito Victorious, siguro ay nasa kwarto na at nagpapahinga. Paglabas ko ng kwarto ni Sarus, si Ate Vanessa ang naabutan ko sa may sala nila. Nakaupo siya roon at nakasandal habang nakapikit at halatang pagod na.
Sarus' sister is an aspiring model. Marami akong nakikitang endorsement ni Ate Vanessa at naa-amaze ako dahil karamihan sa ine-endorse niya ay sold out o mataas ang ratings. She's still a rookie in modelling but, her endorsements already going sold out.
Nagdesisyon akong hayaan na lang si Ate Vanessa na magpahinga pero, nakita niya ako. Umayos siya ng tayo at tinawag ako.
"Uuwi ka na?" tanong ni Ate Vanessa.
"Hindi po, magpapahangin lang sana sa labas," sagot ko. She sighed and ran her fingers through her hair before patting the space beside her.
"Upo ka, Lara. Ang tagal na nating hindi nakakapag-usap!" she said that with a cheerful tone yet, I sensed that she wants a serious talk with me. Hindi ako nag-atubiling maupo sa tabi niya. Kaagad niya akong hinarap at nginitian.
"Kumusta ka, Lara? Ang tagal mong hindi bumisita dito sa bahay, mag-iisang buwan na," aniya. Sinubukan kong alamin kung ano ang nasa idip ni Ate Vanessa pero, tanging pagod at pagngigi lang niya ang nakikita ko. Hindi ko nga alam kung alam ba niya ang tungkol sa naging sagutan namin ni Leisarus o hindi.
"Naging busy lang po sa school, ate," sagot ko. Ate Vanessa nodded and later on, stared at me with a serious expression in her face.
"May naging problema ba sa inyo ni Sarus? Ilang linggo ko nang napapansin na hindi kayo magkasama at iba ang sinasamahan ng kapatid ko. Nag-away ba kayo?" Ate Vanessa asked me. I was ready to answer her but, we heard a sound. Napalingon kami at agad akong napatayo nang makita si Sarus na nasa sahig.
"Sarus!" Ate Vanessa and I shouted in unison. Mabilis kaming lumapit kay Sarus na nasa sahig.
"Sarus naman! Hindi ka nag-iingat! Bakit ka lumabas sa kwarto mo, ha?!" Ate Vanessa scolded him. Mahina ang boses ni ate pero, halata ang inis.
"Sorry na, ate..." Sarus whispered before glancing at me. "Sorry, Lara," he said. Inalalayan namin siya ni Ate Vanessa pabalik sa kwarto niya pero, pinigilan niya kami.
"Dito na lang muna tayo sa sala..." aniya. "Gusto kong makipag-usap," dagdag niya. Nagkatinginan kami ni Ate Vanessa bago parehong inalalayan si Sarus patungo sa sofa ng sala nila.
Sarus sat in the middle of ate and I. Nakayuko lang siya roon at wala ring nagsalita sa amin ni Ate Vanessa. My heart is thumping in nervousness as I watch Sarus trying to form words to say.
"May sasabihin ka ba, Leisarus?" Ate Vanessa's soft yet serious voice made Sarus looks up. "Nag-away ba kayo ni Lara?" tanong niya.
Leisarus didn't hesitate to nod. "Kasalanan ko, ate. Nasabihan ko siya ng salitang hindi dapat," sabi niya at sumulyap sa akin. "Ipinaalala ko sa kaniya 'yong mga kaibigan niya noon na... sinaktan siya. N-nasabi ko na hindi ako... hindi ako tulad niyang nagpapagamit. Mali ang nasabi ko, hindi dapat gano'n."
Ate Vanessa's eyes went to me. "Sinabi ni Sarus 'yon sa 'yo, Lara?" tanong niya. Natahimik ako at hindi alam kung anong isasagot ko pero, nang tumango sa akin si Sarus ay agad na rin akong napatango bilang sagot sa tanong ni Ate Vanessa.
"P'wede ko bang malaman kung anong dahilan at bakit kayo nauwi sa away niyo?"
Sarus spoke quickly. "Ate, kilala mo 'yong mga kaibigan ko, 'di ba? Sina Arnold at Melvin..." he stated, his sister nodded. "Una pa lang, ayaw na ni Lara sa kanila at pansin ko na gano'n din 'yong dalawa. Hindi nila alam pero, pansin ko na ayaw nila sa isa't isa. Isang araw, nagpaalam ako sa inyo na pupunta ako sa bahay nila Arnold dahil birthday ng tatay niya, 'di ba?" Ate Vanessa nodded again.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...