Ayaw ko mang bumalik sa klase, napilitan ako. Hindi rin ako makapag-focus dahil nalaman ko na isa si Leisarus sa pinapunta sa guidance office. Hindi ko alam kung anong nangyari pero, gusto kong pumunta roon. Gusto kong malaman kung anong rason at bakit sugatan ang mukha ni Leisarus. Bakit kasama niya na nagpunta sa guidance office sina Melvin at Arnold? Sila ba ang tinutukoy na nag-away kanina?
I was tapping my knees while looking up at the clock, waiting for it to reach 1pm. Gusto ko nang makalabas at mapuntahan si Leisarus.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali," puna ni Joven. Huminga ako nang malalim at humarap sa kaniya.
"Nasa guidance office si Leisarus," sabi ko na nagpalaki sa mata ni Joven.
"Anong nasa guidance office? Bakit?"
"Hindi ko alam! Nang lumabas ako kanina, nakita ko sila, apat sila. Dalawa roon ay sina Melvin at Arnold, 'yong isa pa nilang kaklase tapos, si Sarus. Sugatan 'yong mga mukha nila!" kabadong sabi ko. Halos yakapin ko na ang bag ko para kapag nag-ala una na ay ako ang unang makakalabas.
I need to know if Leisarus is fine! I'm hella worried!
"Malaki ang paniniwala ko na hindi si Sarus ang nagsimula ng gulo," sabi ni Joven kaya napalingon ako sa kaniya. "Siguradong hindi gagawa si Sarus ng ikakapahamak niya," dagdag niya pa.
"Pero, mapapahamak na si Sarus! Nasa guidance office siya." Hindi ko alam kung paano pa kami nagkakarinigan sa kabila ng mga boses sa classroom namin.
Joven stared at the door before looking back at me. "Hindi mapapahamak si Leisarus. Ipapagtanggol niya ang sarili niya kaya magtiwala ka," aniya at saktong narinig ko ang isa sa kaklase ko na nagsalita.
"Ala-una na! Guys, magligpit na kayo ng gamit Pakilinis ang mga pwesto niyo at siguraduhing walang kalat bago lumabas." It was our president. Agad akong kumilos at hindi na nagpaalam na lalabas. I heard them calling me but, I didn't look back. Agad akong nagtungo sa guidance office at sinubukang sumili pero, hindi ko pa man nagagawa ay nagbukas na ang pinto.
Unang lumabas ang kaklase nilang lalaki na nakayuko at nilagpasan ako. Natanaw ko si Leisarus sa likod kaya agad akong sumalubong.
"Leisarus, anong nangyari?!" tanong ko sa kaniya. Napasinghap ako nang makita ang sugat sa mukha niya. May sugat siya sa pisngi at gilid ng labi niya na nagdurugo pa. "Paano mo nakuha ito? Nakipag-away ka?" tanong ko at kinuha sa bulsa ko ang panyo bago dinampian ang sugat niya para alisin ang dugo.
"Lara, mamaya na tayo umuwi," aniya at hinila ako patungo sa classroom nila. Sinama niya na ako pagpasok at nakita ko ang tingin ng mga kaklase niya. Gusto nilang kausapin si Sarus pero, mabilis kinuha ni Sarus ang bag niya at hinila na ako palabas.
Sumabay kami sa ilang estudyanteng palabas. Pansin ko ang tingin nila pero, walang umimik sa amin ni Leisarus. Pati ang guard ay hinayaan kaming makalabas. Gusto ko sanang magtanong pero, mukhang wala sa mood si Leisarus.
Nagulat ako nang magtaas siya ng kamay at pinara ang jeep na papuntang bayan. Nilingon niya ako at sinenyasang sumakay na sa bakanteng upuan sa tabi ng driver. Hindi na ako nagtanong pa at basta na lang akong sumakay bago si Sarus.
"Kuya, dalawang bayan po," sabi ni Sarus at inabot ang bente pesos sa driver. Tahimik lang kami habang nasa jeep pero, agad akong napakapit sa braso ni Sarus nang akmang liliko na ang jeep papasok ng Biñan pero, may sasakyang dire-diretso at muntik nang mabangga ang side ni Sarus.
"Hoy! Kita mong liliko!" The driver beside me shouted. Nagmaneho siyang muli pero, ang kaba ko, hindi pa rin naalis.
Muntik na si Sarus!
![](https://img.wattpad.com/cover/336199146-288-k652714.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...