11.

77 5 0
                                    

The moment the clock strikes 9:30 am, I immediately stood up and went straight to the canteen. I brought sopas and a bottle of water for Joven. I bought food for me also. After buying, I went straight to the clinic, knocked first then, went inside.

"Hija, nagising ang kaibigan mo kanina pero, nakatulog ulit dahil sa hilo," sabi sa akin ng nurse.

"Nakainom po ba siya ng gamot?"

"Hindi pa, hija. Wala pa siyang nakakain kaya hindi ko pa siya mabigyan ng gamot. Uminom lang siya ng tubig kanina bago matulog ulit," sabi ng nurse bago siya tumayo. "Babantayan mo ba ang kaibigan mo, hija? Pinapatawag kasi ako ng principal sa office, hindi ako makaalis dahil walang magbabantay sa kaibigan mo."

I didn't hesitate to nod, forming a relieved smile from the nurse. Binilin niya sa akin na pakainin si Joven paggising at may iniwan siyang gamot para inumin ng lalaki. Nang makalabas ang nurse, tahimik akong naghintay sa paggising ni Joven. I busied myself watching videos with its low volume to avoid disrupting his sleep.

Limang minuto akong nakaupo roon hanggang sa marinig ko ang paggalaw ni Joven at bahagyang pagdaing kaya agad akong tumungo sa kaniya. Nagmulat siya ng mata at ilang sandali pang natulala bago kumunot ang noo niya.

"Lara..." halos paos ang boses niya. Sinubukan niyang maupo kaya umalalay ako. "Anong oras na?" he asked.

I glanced at the clock above his bed. "9:40 am," sagot ko. "May dala akong sopas, kainin mo para makainom ka ng gamot. Hindi ka raw mapainom ng nurse ng gamot kanina kasi wala pang laman ang tiyan mo tapos, tulog ka," sabi ko at hinanda ang pagkain niya. He silently waits for me to give him his food. Akala ko ang unang sasabihin niya ay salamat pero, nagulat ako nang magtanong siya.

"Magkano ito?"

I frown and rolled my eyes. "Kumain ka na, hindi ko ipapabayad sa 'yo 'yan," sabi ko.

Joven had the audacity to roll his eyes back at me and later on, felt dizzy. "Baliw, nagke-crave kasi ako sa sopas, meron pala dito kaya tinatanong ko kung magkano. Alam kong libre mo ito kaya hindi ko babayaran, siyempre," aniya at humigop sa sabaw.

"Napakasama talaga ng ugali mo kahit may sakit ka," sabi ko at ang loko, nginisian lang ako.

"Umamin ka nga..." aniya pero, halata sa tono ang paagiging maloko. "Binili mo ito para sa akin tapos papabayaran mo rin, 'no?"

I almost smack him but, I thought about hin getting dizzy so, I just lifted my hands, attempting to jokingly choke him. "Sama ng ugali mo. Kung wala kang sakalin, baka nasakal na kita," sabi ko at muling umirap.

Joven chuckled instead of getting mad. "Kidding aside, thank you for this, Lara. Wala talaga akong kinain mula kanina," pag-amin niya kaya napatitig ako. Nagbago kasi bigla ang ekspresyon ng mukha niya. He suddenly looks sad.

"'Wag kang sumimangot, hindi bagay," sabi ko at sinabayan siyang kumain. I don't want Joven to feel sad. May sakit na nga 'yon tao tapos, malulungkot pa.

Tahimik niyang inubos ang sopas at nang natapos siya ay uminom siya ng tubig. Inabot ko ang gamot na iinumin niya. He drank the medicine before thanking me and laying down once again.

"Tapos na ang break, ayaw mo pang bumalik sa klase?" tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan. Napaangat ang tingin ko sa orasan at nakitang tapos na nga ang breaktime. Natahimik ako nang ilang sandali bago bumaling sa kaniya at inilapat ang palad sa noo niya.

"Medyo mataas pa rin ang lagnat mo..." panimula ko. "'Di bale, mamaya tatalab na 'yang gamot. Matulog ka muna para paggising mo, maayos na ang pakiramdam mo," sabi ko.

I was shocked when Joven suddenly chuckled bitterly with a tear coming out from his left eye. Nag-panic ako kaagad. May nagawa ba akong mali?

"Huy, bakit? May masakit ba?" tanong ko. "Joven, huy!"

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon