25.

73 3 0
                                    

Valentine's Day.

Isa sa araw na hinihintay ng  mga taong nagmamahalan. Paniguradong maraming magkakalat na magkarelasyon sa daan ngayon at baka marami rin sa school pero, hindi ko na sila papakialaman. Kung gusto nilang mag-celebrate ngayong araw, edi okay.

I woke up and prepared for school. Nagsuot ako ng kulay blue na shirt dahil ayon sa Valentine's color coding, Blue shirt means self-love. Well, may pula roon at ang ibig sabihin ay "in-love" pero, nag-aalangan naman akong magsuot ng gano'n dahil siguradong uusisain ako ni Sarus at ng ilang kaklase ko. Baka mapaamin pa ako bigla na si Leisarus ang gusto ko kaya ito ako, nagpapanggap na self-love. Playing safe, yes.

Nakapantalon ako dahil bawal ang P.E ngayon. Kapag nagsuot ka raw ng P.E ngayon, ibig sabihin ay takot ka sa guard. Natawa at napailing na lang ako sa trip ng mga SSC officers sa school namin. Nagsuklay ako ng buhok at lumabas ng kwarto.

"Happy Valentine's Day po, Mama and Papa!" bati ko sa mga magulang ko nang makita ko sila sa kusina. Yumakap ako sa mga magulang ko bago ko inilapag ang bag ko sa upuan at binuksan 'yon.

"Para sa inyo po," sabi ko sabay abot ng cards sa kanila. Napangiti ako nang makitang gumuhit ang ngiti sa labi ni mama at papa.

"Ang cute naman nito, 'nak. Maraming salamat," sabi ni mama at humalik sa pisngi ko.

"Thank you, anak kong maganda," my father said and caresses my hair.

After having a happy breakfast with my family and greeting them again, I stood up and went out. Nag-chat ako kay Sarus kung nasaan na siya at kaka-reply niya lang na papunta na raw. Habang naghihintay, hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Anong kulay kaya ng shirt ang suot ni Sarus ngayon? Naka-blue rin kaya siya? Black? Pero, hindi naman siguro bitter si Sarus, bakit magi-itim? Green kaya? Study first, gano'n?

"Bulaga!" someone suddenly appeared in front of me and it made me jump in shock. Napahawak pa ako sa dibdib ko at natauhan nang makita si Leisarus na malawak ang ngisi. Umayos siya ng tayo at inayos ang buhok niyang ginugulo ng hangin.

"Tulala si anteh. Antok ka pa ba?" tanong niya. Napanguso ako bago umiling at unti-unti ay bumaba ang tingin ko sa kulay ng shirt niya. Parang may tumapak sa puso ko nang makita ang kulay ng damit niya.

Pula... in-love siya? Kanino?

Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay napawi. Napasimangot ako bago umiwas ng tingin. Huminga ako nang malalim at palihim na minura ang sarili ko.

Shuta, akala ko ba masaya ang ma-inlove? Sasakalin ko ang nagsabi no'n.

"Tara, baka ma-late tayo," sabi ko bago nauna sa paglalakad. Mabilis na sumunod si Leisarus sa akin patungo sa may sakayan ng jeep. Hanggang sa nasa jeep na ay wala pa rin akong imik habang si Sarus ay mukhang good mood ngayon dahil sa daldal niya.

"Tapos, muntik ko nang hindi matapos kasi inaantok na ako kasi nga ang soft ng playlist na sina-suggest mo pero, bigla ba namang may ads na ang ingay-ingay. Literal na napatalon ako nang may sumigaw sa ads na 'yon. Gising diwa ko, eh!" aniya bago natawa.

Napanguso ako habang nakatitig sa labas. Kanino kaya in-love si Sarus? Bakit wala akong babaeng napapansin na nilalapitan niya? Totoo kayang in-love siya o trip niya lang magsuot ng pula ngayon? Napaayos ako ng upo nang may sumagi sa isip ko. Hindi kaya in-love siya tapos, sa akin?

"Pft, asa," bulong ko bago napailing. "'Wag umasa, Lara," sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na napansin na nasa jeep nga pala kami at nang huminto 'yon ay saka lang ako natauhan. Nasalubong ko ang nagtatakang tingin ni Sarus pero, umiwas ako ng tingin at nakitang nasa tapat na kami ng school.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon