Leisarus entered the room. Kasama niya si Ate Vanessa na mukhang natuwa rin nang makita ako at si mama. They greeted the teacher assisting us and Sarus went to sit beside me.
"Tapos ka na?" he asked me. Tumango ako sa sagot niya. Bahagya pa akong napangiti habang nakatingin kay Sarus.
"Dito ka rin pala mag-aaral, ah," sabi ko. Sarus jokingly rolled his eyes.
"Hindi kita sinundan dito, ito lang kasi 'yong school na na-check ko. Hindi na ako nakapag-check ng iba," katwiran niya kaya napatawa ako.
"Sarus, fill up ka raw ng form," sabi ni Ate Vanessa at inabot kay Sarus ang form na katulad ng sinagutan ko. Ate Vanessa and my mother are talking beside us while, I guide Leisarus on what he'll do.
"Anong schedule pinili mo?" tanong niya. I answered him and I watch as he put a check on the same tine I chose. Mahina akong napangiti at napailing.
"Strand mo?" tanong niya pero, hindi ako sumagot. I stared blankly at him. Nanatili rin siya nakatingin sa akin, nakataas pa ang kilay habang naghihintay ng sagot ko.
"Bakit mo tinatanong strand ko? Don't tell me, gagayahin mo?" tanong ko. Sarus pouted and lowered his haze towards the paper.
"Tatanong lang eh," bulong niya bago nilagyan ng check ang kahon na katabi ng word na Humss. He lifted up his gaze at me and rolled his eyes. "Bahala ka, sa Humss ako nag-enroll," sabi niya.
I stifled my chuckle and messes his hair. "Gaya-gaya ka," sabi ko. Natigilan siya sa pagsusulat at napaangat ng tingin sa akin.
"Luh, nag-Humss ka rin?"
I chuckled and nodded. Pabiro akong napasapo sa noo. "Hanggang senior high school, hindi mapaghiwalay," bulong ko habang may ngisi sa labi. I heard Sarus chuckled before continuing his task.
Habang nagsasagot siya ay pinakinggan ko ang sinasabi ng guro sa unahan na nago-orient ng tungkol sa school. Free uniforms, free ID, free tuition fee kapag Voucher recipient... that's what the teacher discussed. Katulad lang ng nakalagay sa brochure ng school.
After we finished filling up the forms, the teacher offered us a school tour. Lumabas kami mula sa classroom at itinuro nito sa amin ang bawat classroom. There's a small canteen with a long table and chairs at the same floor where we went. There's clinic, registrar, bathroom at the end of the hallway. Sa taas ay ang ibang classrooms, physics laboratory, chem room, and bathroom again. Sa third floor naman ay ang library at isa pang canteen then, there's classroom for college students and the faculty room.
Maliit ang school pero, maraming kwarto kaya maayos na para sa akin.
Matapos ang school tour, the teacher asked us to take a picture holding our enrollment form. Sarus immediately went beside me while some enrollees went beside him.
Matapos ang enrollment, hindi pa rin umuwi si Leisarus. Nagpaalam na si Ate Vanessa na uuwi na pero, si Sarus ay nanatili. Nagyayaya pa siyang mamasyal kami. Payag naman ako pero, si mama ay mukhang pagod na. Nang makababa kami ng building, hinarap ko muna si Sarus at sinenyasan na sandali lang.
"Mama..." tawag ko kay mama na naghihintay na ng jeep sa may tapat. Lumingon sa amin si mama at nagtanong kung bakit.
"Ah, tita, mamamsyal lang po kami ni Lara, okay lang po? Ihahatid ko po si Lara pauwi, promise po," si Sarus na ang nagsalita at nagtaas pa ng kamay na parang nanunumpa.
My mother's gaze shifts to me. "May allowance ka ba, 'nak? Saan ba kayo?" Tumingin ako kay Sarus dahil siya naman ang nagyaya at hindi ko rin masiyadong alam ang lugar.
"Sa may bayan po," sabi ni Sarus.
"Maghihintay pa kayo ng jeep papunta roon," sabi ni mama. Si Sarus na ang nakipag-usap habang ako ay inilibot na lang ang paningin ko sa bagong lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/336199146-288-k652714.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...