It's been another day of studying. Wala kaming ginawa ni Sarus kung hindi ang makinig sa discussion sa bawat subject. Nagtutulungan kaming dalawa kapag may activity pero, hindi nagkokopyahan.
Sabay kaming nag-lunch ni Leisarus at nang matapos kumain ay pareho naming ginagawa ang report namin para sa mga susunod na subject. Sa kalagitnaan ay lumapit ang dalawang asungot na kaibigan ni Sarus.
"Uy, pare! Buti nakita ka namin," sabi ni Arnold at umakbay kay Leisarus na napatigil sa pagsusulat.
"Bakit?" Nanatili akong tahimik at nagawa ng activity.
"Nahihirapan kami sa science, p're! Patulong naman!" reklamo ni Melvin at doon ko lang napansin na may dala silang notebook.
"Anong topic?" tanong ni Leisarus. Inabot sa kaniya ang notebook. Agad niyang itinuro sa mga kaibigan ang dapat gawin. Nanatili akong tahimik, walang balak makisabat sa kanila.
"Hirap naman, pare! Ikaw nga magsagot tapos papag-aralan na lang namin sa room," sabi ni Arnold kaya napatingin akong muli sa kanila.
"Oo nga, pare. Pasagot na lang, wala na rin kaming oras eh," sabat ni Melvin. Tinapik pa ni Arnold si Leisarus sa balikat.
"Swerte talaga natin dahil kaibigan natin itong si Leisarus eh!"
Napairap ako pero, hindi na nagreklamo. Baka maaway ko lang ang dalawang 'yan. Pasalamat sila at abala ako sa ginagawa ko. Ayoko pa namang naantala ang paggawa ko.
Mabilis lang na sinagutan ni Sarus ang task nila at ibinalik kay Melvin ang notebook. Masayang-masaya naman ang dalawang nagpasalamat kay Sarus at basta na lang tumakbo palayo.
"Maggawa ka na. Malapit nang matapos ang lunch," sabi ko sa kaniya.
"Oh shoot," he whispered, realizing that he's already out of time. Napabuntonghininga ako at tinapos ang akin bago ko siya tinulungan.
"Humindi ka rin kasi minsan. Tingnan mo, nawawalan ka ng oras sa sarili mong gawa," sermon ko sa kaniya pero, sinimangutan niya ako.
"Kaibigan ko sila, Lara. Siyempre, tutulong ako kung kaya ko naman," sabi niya kaya napairap ako.
"Oo na lang. Tutulungan na kita diyan," sabi ko, walang balak na makipagtalo sa kaniya. Ang importante ngayon ay matapos ni Leisarus ang report para sa susunod naming subject.
Exactly 12:30 pm when we returned to our class. Naroon na rin karamihan ang mga kaklase namin at tatlumpu't minuto ang nakalipas nang pumasok na ang guro namin. Nauna ako sa individual report namin at sumunod si Sarus. Nawala na rin ang inis ko sa nangyari kanina dahil pareho naman kami ni Sarus na nakakuha ng mataas na marka.
While walking towards the gate, I suddenly felt uncomfortable. Napatigil ako sa paglalakad lalo nang maramdamang kumikirot ang puson ko. I think, it's time.
"Lara? Bakit?" tanong ni Sarus nang mapansin ang pagtigil ko. Magsasalita pa sana ako pero, may tumawag sa kaniya.
"Leisarus! Pare, salamat sa sagot kanina! Ma-perfect namin 'yong task! Talino mo talaga!" sabi ni Melvin.
"Oo nga, ito kasi talaga si Leisarus ang pag-asa natin eh. Buti at may source tayong matalino," sabi naman ni Arnold.
This is one of the reasons why I don't like them. They're treating Leisarus as "source" of their answers when it should be them answering on their own. Nakakainis lang isipin na inaasa nila kay Sarus ang pagsagot sa mga activities nila kapag nahihirapan sila. I get it, they need help, okay? Leisarus is helping them. Teaching them how to do it to let them learn the process but instead of trying it themselves, they'll ask Sarus to answer it for them. Ipinapasagot pa rin nila kahit simpleng true or false.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...