12.

90 4 0
                                    

Sorry for late updates! Busy lang kasi end of school year na. Wala ako sa bahay ngayon dahil nagpapapirma kami ng clearance.

Sa mga pupunta sa Philippine Book Fest, see you tomorrow po!

-

He's trying to talk to me. Leisarus wants to open his mouth to talk but, he hesitates and here I am, waiting for him to talk because I don't have the courage to start. No one inside the jeepney knew about the chaos in my head. Lahat ay nagpapatuloy sa pag-uusap at ang iba ay abala sa cellphone pero, ako ay hindi mapakali. Maging ang katabi ko, gano'n din.

My eyes caught the sight of the hospital. Isa sa palatandaan ko na nasa Pacita na ako ay ang hospital na 'yon kaya nang matanaw ko, inayos ko na ang bag ko. The jeepney went passed the hospital, Jollibee, Panda Express, and even Burger King. It stopped in front of Shopwise because of traffic. Dahil malapit na rin naman, bumaba na si Sarus at sumunod ako. Sinabayan niya ako sa paglalakad papunta sa overpass na siyang tatawiran namin.

I waited for him to talk but, to my disappointment, he never did. Hanggang sa nakauwi ako sa bahay ay hindi kami nag-usap. Hindi ko tuloy alam kung ano bang iisipin ko. Ang daming tanong sa utak ko pero, natigil 'yon nang makita ko ang mga magulang ko na masayang nakaupo sa sofa sa sala namin.

The love in their eyes were visible, making me soft and immediately forget about what bothers me. I put on a smile and went to them.

"Lara!" Napangiti ako nang batiin ako ng mama ko. Matapos kong magmano sa kanilang dalawa, naupo ako at itinabi muna ang bag ko.

"Hinihintay ka namin, 'nak para sabay-sabay tayong manananghalian. Sakto at paborito mo ang ulam ngayon," sabi ni mama kaya napangiti ako kaagad. My father stood up and went straight to the kitchen. I was about to stand up when my mother held my hand.

"'Nak, usap tayo, mamaya?" she reminded me of the promise this morning. Ngayon na lang ulit sumagi sa isip ko na kakausapin ko nga pala ang mama ko. Sasabihin ko lahat ng gumugulo sa akin. Baka matulungan ako ni mama kapag nagsabi ako.

"Opo, mama."

Our lunch seems normal. Nagtanong sila kung kumusta ang naging araw ko sa paaralan at kinuwento ko ang tungkol sa nangyari. I told them about me taking care of Joven. They didn't ask anything anymore. They just wished for Joven to get well and they told me how happy they are for what I did.

"Anak, 'yong intramurals niyo pala. Kailan ulit 'yon?" my father brought up. Right, intramurals. Sa isang buwan na pala 'yon.

"Sa susunod na buwan na po," sagot ko.

"Magkano ang babayaran ulit, 'nak? 250 pesos?" my mother asked.

"Opo, 250 pesos po..." I answered and later on, sighed. "Pasensya na po kung gagastos na naman," sabi ko. Sa totoo lang, nakokonsensya ako minsan kapag manghihingi ako sa kanila ng pera pambayad sa school. I could see my father working hard just for me to pay for a required activity. It aches me whenever my mother's face expression would fall everytime I'll mention about school-related finances.

"Ayos lang, 'nak. Para sa grades mo rin 'yan. 'Wag kang mag-alala dahil sasahod naman si papa bago 'yong intrams niyo kaya magtatabi na ako agad ng pambayad mo," sabi ni papa kaya napangiti ako at hindi nagdalawang isip na yakapin siya.

"Thank you po," I wholeheartedly spoke to my father. Niyakap ko rin ang nanay ko bago ako nagpasalamat.

That moment, I'm thanking God for giving me such wonderful and supportive parents.

When we finished eating lunch, my mother instructed me to go and change my uniform. Si papa ay lumabas dahil tinawag ng kumpare niya. Inayos ko ang gamit ko hanggang sa marinig ko si mama na tinatawag ako.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon