It feels like a dream. Posible pa lang mangyari sa totoong buhay 'yong mga nangyayari sa libro at telenovela. Akala ko, eme lang ng mga tao para mas maging benta ang mga romance stories pero, ito ngayon at nangyayari sa akin.
Leisarus liked me too. The guy I like, said that he likes me. Matagal na raw at natatakot lang siya. Hindi ko maiwasang hindi matawa. Mahinang tawa lang 'yon no'ng una pero, unti-unti ay napahagalpak ako.
"Lara?" Sarus called me, confused with the sudden laughter. Hinarap niya ako sa kaniya habang kunot na kunot ang noo niya. "Pinagtatawanan mo ba 'yong... 'yong pag-amin ko?" tanong niya at nahalata ko ang lungkot sa mata niya.
Natigilan ako bago mabilis na umiling. "Huy, gagi! Hindi, Sarus!" depensa ko bago humawak sa balikat niya. "Promise, hindi ko tinatawanan 'yong confession mo," sabi ko. Sarus' sad and defeated eyes bore into me.
"Then, why the sudden laughter? Right after I confessed how I like you?"
That question hit me and my heart began thumping abnormally again but, I calmed myself. Kinalma ko ang sarili ko kahit mahirap at nagpaliwanag. Huminga muna ako nang malalim bago matapang na hinarap ang mata niya.
"Hindi ko tinatawanan 'yong ano... 'yong pag-amin mo. Promise, hindi..." Lumunok muna ako bago nagpatuloy. "Natatawa ako sa sitwasyon kasi naisip ko na para tayong nasa telenovela. Ang cliché ng bestfriends to lovers trope pero, ito at nangyayari sa atin. Sabi mo nga rin kanina, ang cliché pero, wala tayong magagawa. Tinamaan tayo," masyado yata akong nadala sa pagpapaliwanag ko kaya hindi ko napansin ang ilang nabitawang salita pero, si Sarus ay mukhang 'yon lang ang napansin.
Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ang kamay kong nasa balikat niya ay hinawakan niya at saka siya mas lumapit pa sa akin.
"Bestfriends to... lovers? So..." he gulped and quickly licked his lower lip. "Kini-consider mo na akong lover? You said that what's happening to us is like a bestfriend to lover trope so, you're considering me as a lover?"
Muli akong kinabahan pero, agad akong natawa para alisin ang kaba. "Bakit ka ba nagi-english? Parang ewan ito," sabi ko at umiwas ng tingin.
"Hoy, kayong dalawa! Ganap na ganap naman kayo sa telenovela niyo! Hindi niyo alam na nasa hallway kayo ng school!"
Napahiwalay ako kay Sarus nang marinig ang pamilyar na boses ni Joven. Nakatayo siya sa may tapat ng pinto ng classroom nila Sarus at nakangisi. Doon unti-unting umikot ang tingin ko at... shuta! Ang dami pa lang nakatingin! Ang iba ay teachers pa namin!
"'Yong bote ng softdrinks, ibalik mo na sa canteen, Lara!" I heard one of my girl classmate said. Doon ko naalala na may hawak pala akong pagkain.
Ano ito? Hawak ko pa rin 'yong sandwich at softdrinks habang umaamin si Sarus?
Sa hiya ko ay mabilis kong ininom ang softdrinks. Sumipsip ako nang sunod-sunod hanggang sa maubos ko 'yon. Walang sabi akong tumakbo papunta sa canteen at ibinalik ang bote bago ako tumakbo pabalik sa classroom. Nakayuko ako dahil sa hiya at hindi ko na nakausap si Sarus dahil diretso na ako sa pagpasok sa classroom.
Pagkaupo ko pa lang ay tumunog ang phone ko sa chat ni Sarus. Nakabukas pala ang data ko.
sarusthegreat: hindi ka makakatakas sa usapan namin, uusap tayo mamaya
sarusthegreat: also, that card you're holding is for me, right? mamaya ko kukunin :)
sarusthegreat: eat well, Lara cutie!
"Shuta," bulong ko at napahawak sa dibdib ko dahil sa mabilis na pagkabog nito. Agad kong inalis ang balot ng sandwich at kumain. Ang card ay itinago ko muna sa bag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/336199146-288-k652714.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...