17.

73 3 0
                                    

"Sige na, papa! Sayang po 'yong bayad natin! Payagan niyo na ako, please?" For the nth time, Tito Victorious shook his head.

"Magpapahinga ka, Sarus. Hindi p'wede."

Leisarus sighed in defeat and looked at his mother with his crying face. "Mama, tulungan mo po akong kum-"

"Hindi, Leisarus Vincent. Hindi, 'wag mong utusan ang mama mo," sabat ni Tito Victorious kaya napaungol sa inis si Sarus at tumungo sa mesa. Ate Vanessa glanced at me and shook her head, looking frustrated with her brother. Bahagya akong natawa at tumayo nang matapos akong kumain.

"Tito, Tita, Ate Vanessa, lalabas po muna ako at kakausapin ang mga magulang ko," sabi ko bago lumingon kay Sarus na nakatungo pa rin sa mesa. Napailing ako bago lumabas nang tumango sila Tito.

Mula nang magising ako kanina at makapunta sa kusina nila, naririnig ko na si Leisarus na nakikiusap sa mga magulang niyang payagan siya na um-attend sa second day ng Intramurals namin. Ang sabi pa niya ay hindi naman siya maglalaro at manonood lang pero, hindi pumapayag ang mga magulang niya, lalo na si Tito Victorious.

Kahit naman ako ang nasa posisyon nila Tita at Tito, hindi rin ako papayag lalo pa't hindi pa magaling ang injury ni Sarus. Pinipilit lang niya kanina dahil sayang daw ang ibinayad namin na 250 pesos kung hindi kami pupunta.

Well, sayang nga pero, hindi rin naman p'wede ang gusto ni Leisarus. Babyahe pa kami at baka mabangga pa ng mga tao ang injury niya kaya kahit ako ay hindi rin pumapayag sa gusto niya.

Napailing na lang ako. Ang pasaway talaga ni Sarus!

Binuksan ko ang cellphone ko at ang data ko para mai-chat si mama pero, napangiti ako nang makitang may chat na si mama.

Mama: gudmrning nak, gsing ka na?

Mama: musta na si Sarus?

Nakita kong kaninang alas sais pa nag-chat si mama at ngayon ay maga-alas syete y medya na. Agad akong nag-reply sa bawat chat ni mama at ipinaalam na uuwi na ako maya-maya. Hindi na rin naman ako a-attend sa intramurals.

Mama: Sige nak ingat k sa paguwi mmaya! love youu 😘

I reacted a heart on my mother's message and replied an 'I love you too'. Matapos ng chat ko kay mamaya, tumayo ako at nag-unat. Napahikab pa ako dahil sa lamig ng hangin.

"Antok ka pa, 'nak?" Napatili ako nang makita sa likod ko si Tita Leisheen na nasa may pintuan nila. Natawa si Tita Sheen nang makita ang reaksyon ko bago lumapit sa akin. "Sorry, nagulat pa kita. Humihikab ka, inaantok ka pa, 'no?"

"Ah, hindi na po. Ang sarap lang po kasi sa balat ng hangin kaya nahihikab po ako pero, hindi na po ako inaantok," sagot ko. "Salamat po pala at pinagamit niyo ulit sa akin 'yong guestroom niyo po," dagdag ko. Tita Sheen smiled and patted my head.

"Para na rin kitang anak, Lara. Welcome na welcome ka sa bahay namin. Alam naman namin na kapag si Sarus ang nasa inyo, inaalagaan niyo siya kaya salamat din," Tita Sheen stated with a soft smile on her face.

When I first met Tita Leisheen, I was already struck by her beauty. May something kay tita na talagang mapapatitig ka. Maybe, it's the scar in her face that she's proudly showing off. One glance at the scar, I already senses that Tita Sheen is a brave woman for battling the battle that caused her the scar. Even my mother thought of the same thing as me.

They're like my second parents. Malaki ang tiwala ng mga magulang ko sa kanila at gano'n din sila sa mga magulang ko. I also found out that Tito Victorious is an investor on my father's workplace and that made them close. Tinutulungan din kasi ni papa si Tito Victorious minsan sa mga bagay na sila lang ang nagkakaintindihan kaya nagiging close ang pamilya ko at pamilya ni Sarus.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon