As we both promised, Sarus and I took it slow. Walang nagbago sa turingan namin. Asaran, damayan, tawanan, gano'n pa rin katulad ng dati. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi na maiiwasan ang kilig kapag malapit siya o hinahawakan niya ang kamay ko.
When our parents got to know about us, both sides are happy. Naikwento ko kay mama at papa na napag-usapan namin ni Leisarus na hindi kami magmamadali. My parents are undeniably happy with the news and told me that Sarus is a really good guy.
Sarus' told me his parents' and sister's reaction. Pareho na ang kaming napangiti dahil sa positibong reaksyon na natatanggap namin. Kahit si Joven, napakaingay pagdating sa panunukso sa amin. Akala mo, presidente ng fansclub kung makaakto.
"Gusto mong buhatin ko ang bag mo?" tanong sa akin ni Sarus nang pauwi kami galing sa klase. Patawid kami sa kalsada at mahigpit ang hawak ni Leisarus sa kamay ko.
Nang huminto ang isang jeep na bakante sa unahan, nauna na akong sumakay at umusog para makasakay si Leisarus. Bumunot kaagad siya ng bente pesos.
"Dalawang pacita po, kuya," aniya. Napapikit naman ako nang maamoy ang pabango niya dahil sa paglapit niya para abutin ang bayad. Matapos magbayad ay muling sumandal si Sarus sa upuan at lumingon sa akin.
"Pawis ka," aniya at gamit ang kaniyang sariling panyo, pinunasan niya ang pawis sa noo ko. Naamoy ko naman ang mabangong amoy ng panyo niya kaya napangiti ako. Kaamoy niya 'yong panyo.
Matapos niyang punasan ang pawis ko, sariling pawis naman niya ang pinunasan niya. Aaminin kong kinilig ako sa ginawa niya pero, ipapahalata ko ba 'yon? Sus, siyempre hindi.
"Nagpupunas ka ng pawis mo, gamit ang panyong pinangpunas mo sa pawis ko? Edi, nahalo sa pawis mo 'yong pawis ko," sabi ko at natawa nang mapagtantong ilang beses kong ako inulit ang salitang pawis.
Leisarus chuckled. "Wow, ano 'yan? Tongue twister?" aniya. Umirap ako pero, hindi naalis ang ngiti sa labi. "Kabilang side ng panyo ang pinangpunas ko, 'wag kang mag-alala," aniya at kinurot ang pisngi ko nang bahagya.
Lara, ang sabi 'wag ipahalata ang kilig, 'di ba? Bakit ngayon, ngumingiti ka at namumula? Akala ko ba maangas tayo dito?
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Pacita. Pagbaba ng jeep, agad hinawakan ni Sarus ang kamay ko at inilipat ako sa kaliwa niya habang siya ay nasa tabi ng kalsada, malapit sa mga sasakyan.
Sidewalk rule.
"Ate, Kuya, pangkain lang po." Napahinto kami nang may sumalubong sa aming dalawang bata na nakaupo sa hagdan ng overpass na dadaanan namin.
Agad lumukob ang lungkot sa puso ko nang makita ang itsura ng mga bata. Ang lalaki ay punit-punit ang damit at payat na payat habang ang mas nakababatang babae ay madungis ang mukha at madungis na rin ang damit. Parehas pa silang nakapaa.
Walang pagdadalawang-isip akong dumukot sa bulsa ko. Sakto at may natira pa akong singkwenta pesos sa pera ko. Inabot ko 'yon sa kanila at panandaliang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Sarus.
"Sorry, ito na lang ang mayroon ako. Sana magkasiya para sa pambili niyo ng pagkain," sabi ko. Hindi pinalampas ng mata ko ang pagngiti nilang dalawa.
"Ito rin, idagdag niyo na para hanggang bukas may pangkain kayo." Humawak sa likod ko si Sarus at ang isang kamay niya ay may inilalahad na singkwenta pesos.
"Ate, Kuya, maraming salamat po! Mabubusog na po kami ng kapatid ko dito! Salamat po talaga!" natutuwang sabi ng batang lalaki at lumingon sa kapatid niyang babae na nakakapit sa kaniya at halatang nahihiya pero, may maliit na ngiti sa labi.
"Magpakabusog kayo, ha?" Sarus softly smiled at them. Napangiti rin ako sa kanilang dalawa.
"Anong pangalan niyo pala?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomansaSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...