I swear, Sarus is freaking confusing! O baka masiyado lang akong assuming? Wow, that rhymed. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa nagkaroon ako ng nararamdaman ko para kay Sarus kaya napapansin ko ang maliliit na bagay. Miski ang paghawak niya sa kamay ko, pag-akbay, pag-aayos ng buhok ko, pagngiti, lahat 'yon napapansin ko at lahat 'yon sapat para patibukin nang mabilis ang puso ko.
I sighed helplessly. Ganito pala ang magkagusto sa isang tao. Nakakalito lalo na kung hindi ka sigurado sa nararamdaman niya. Does Sarus know that I like him that's why he's doing those things? O baka gano'n na siya dati pa at binibigyan ko lang ng malisya ngayon kasi umaasa ako baka gusto niya rin ako?
"Anak, kakain na! Tumulong ka na sa paghahain at nagluto kami ni Tita Vicky mo!" Narinig kong tawag ni mama sa akin. Inalis ko ang mga iniisip bago ako tumayo at nagsuot ng tsinelas.
Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko ang ilang pinsan ko na nasa sala at may kaniya-kaniyang mundo. Ang papa ko naman ay nasa labas kasama ang mga tito ko at si mama ay nasa kusina at nagluluto.
"Ate Lara!" One of my younger cousin called me.
"Hi, Ariel! Ang ganda-ganda mo na ah, para kang princess!" sabi ko na nagpangiti sa kaniya. Humawak sa kamay ko ang pinsan ko at sabay kaming tumungo sa kusina.
Gaya ng utos ni mama, tumulong ako sa paghahain habang si Ariel na limang taong gulang pa lang ay bumalik sa mga kaedad niyang pinsan namin para makipaglaro. Tumulong na rin ang mga pinsan ko sa paghahain dahil marami kaming kakain.
Narito kami sa probinsya namin para mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Tradisyon na namin na magsama-sama sa bahay ng lolo at lola namin. Sinisigurado nila na kumpleto kami tuwing pasko ay bagong taon kaya kahit nasa ibang lugar ang ibang kapatid ni mama, uuwi talaga sila para maki-celebrate. Ang side ni papa naman ay may kaniya-kaniyang buhay na pero, hindi rin nakakalimot na bumati sa papa ko.
Inilapag nina mama at Tita Vicky ang niluto nilang ulam para sa amin. Tuwang-tuwa naman ang mga pinsan ko at maging ako dahil ang daming nakahaing ulam.
"Magdasal muna, mamaya tayo kakain," ani Tita Vicky na panganay sa magkakapatid. Nagsisunuran naman kami lahat at pumikit para magdasal gaya ng sabi niya.
A minute of silence surrounds us as we thanked Him for the blessing and for bringing us all together to celebrate His birth. Matapos no'n, ang cute na boses ni Ariel ang tanging narinig sa hapag kaya napangiti kami.
"Amen!" she exclaimed and we began eating.
Nagkukwentuhan sila pero, ako ay tuloy sa pagkain. Wala rin naman kumakausap sa akin kaya payapa akong nakakakain. Puro nga tito at tita rin namin ang nag-uusap kaya hindi talaga ako sumasabat.
Matapos ang tanghalian namin, nagtulong-tulong kami sa paglilinis. Ang mga pinsan kong babae ay inaya akong lumabas para tumungo sa dagat na malapit sa bahay namin.
"Lara, anong grade ka na ulit?" tanong ng isa kong pinsan na si Ate Demi. Nagtatampisaw na sa tubig ang iba kong pinsan habang ako ay hinayaan lang na mabasa ang paa ko.
"Grade 11 na, ate," sagot ko. Tumabi sa akin si Ate Demi at pareho kaming tumanaw sa dagat.
"May boyfriend ka na ba? Nako, alam mo ba 'yang kapatid ko, grade 7 pa lang, humaharot na!" Ate Demi exclaimed and shook her head. Hindi ko naiwasan ang pagtawa bago dumako ang tingin ko sa kapatid niyang si Dulce.
"Maganda naman si Dulce, 'te kaya hindi imposibleng magka-boyfriend," komento ko. "Baka mas ma-stress ka pa, 'te kapag lumaki na siya. Kapag nagkolehiyo na, mas marami 'yan," natatawang sabi ko.
Ate Demi rolled her eyes and she groaned. "Bakit kasi biniyayaan ng ganiyang mukha ang kapatid ko?" tanong niya bago lumingon sa akin.
"Hindi mo sinagot 'yong tanong ko kanina. May boyfriend ka na ba, Lara?" Kumabog ang dibdib ko dahil sa tanong at sa pagpasok ng isang tao sa isip ko. Hindi ko naman siya iniisip pero, otomatikong nag-flash ang mukha niya sa utak ko.
"Wala, 'te..." sagot ko at itinuwid ang binti ko. Hinayaan kong mabasa ng tubig-dagat ang binti ko. "Wala akong boyfriend," dagdag ko habang ang mga mata ay nakatuon sa binti kong unti-unting nababasa.
"Wala kang boyfriend pero... may nagugustuhan ka?" Napalingon ako nang may bagong boses na nagsalita. Nakita ko ang isa ko pang pinsan na anak ni Tita Vicky, si Via na ngumiti bago naupo sa tabi ko.
"Sorry, nakisabat ako. Hinahanap kita kasi itong cellphone mo, naiwan mo sa kwarto natin. Tunog nang tunog, may messages yata," sabi niya at inabot sa akin ang cellphone ko na pinlano kong hindi muna galawin habang nasa holiday break pero, nang makita ang pangalang naka-flash sa screen, nabasag ang plano ko.
sarusthegreat: Laraaaa, musta ang probinsya?
sarusthegreat: pasalubong cutie 🤞
sarusthegreat: biro lang hahahahaha! basta mag-enjoy ka lang d'yan, oks na oks na ako
sarusthegreat: Merry Christmas and Happy New Year, Lara! To more christmas and new year with you!
A soft smile immediately formed on my lips as I read his multiple messages. Tila nawala sa isip ko na may mga kasama pala ako habang nagre-reply at may ngiti sa labi.
laracutie: Merry Christmas and Happy New Year, Sarus! Saan pamasko ko?
I saw him reading the chat until he replied.
sarusthegreat: uwi ka dito tapos bigay ko pamasko ko ;)
"Ay, ano kayang pamasko 'yan?" Halos mabato ko ang cellphone ko dahil sa gulat nang marinig ang pagsasalita ni Via sa tabi ko. Agad kong napatay ang phone ko at lumingon sa kanila.
"N-nandiyan pala kayo... hehe," wala sa sariling sabi ko na nagpahagalpak ng tawa kina Ate Demi at Via. Napapikit naman ako at natawa na lang din dahil sa kalutangan ko.
"Kapag talaga kausap ang bebe, nakakalimot sa paligid," komento ni Ate Demi bago ako ngisian na may halong panunukso.
"Hala, ate. Hindi ko bebe 'yon, kaibigan ko lang 'yon," depensa ko pero, si Via naman ang ngumisi sa akin.
"Gasgas na 'yang linya na 'yan, Lara May," sabi niya at nag-apir pa sila ni Ate Demi habang ako ay nakanguso lang. Pinagtutulungan ako, hmp.
"Seryoso na..." Ate Demi stated. "Wala kang boyfriend pero, may nagugustuhan ka ba?" tanong ni Ate Demi habang seryosong nakatingin sa akin.
I gulped, thinking what would be the consequences if I tell them. Kapag ba sinabi ko, matutulungan nila ako kung paano haharapin ang nararamdaman ko? Mas maliliwanagan ba ako kapag ipinaalam ko sa kanila? It feels weird to say the I like Leisarus, not just as a friend but, more than that.
Alam kong may mga tao na pagtatawanan ako dahil nagkagusto ako sa kaibigan ko. May mga taong kukuda dahil sa nagustuhan ko ang kaibigan ko pero, may magagawa ba ako? May magagawa ba ako kung gano'n ang nararamdaman ko sa kaniya? Itatago ko ba o pipigilan ko dahil kaibigan ko siya?
"Lara, ayos lang kung hindi ka magsabi sa amin. Naiintindihan naman namin pero, kapag kailangan mo ng tulong, chat mo kami, ha? Hindi porket magkakalayo tayong magpipinsan, hindi ka na namin tutulungan," ani Via na tinapik ang balikat ko. Tumango ako sa sinabi niya at nagpasalamat.
"Kung may nagugustuhan ka man ngayon, hiling ko na sana hindi dumating ang araw na ikaw ang magiging kawawa. Kung kaya mo, umamin ka na para mabawasan ang alalahanin mo pero, kung nag-iipon ka pa ng lakas ng loob, sige lang pero, 'wag mong tagalan dahil baka kapag hindi ka kumilos, magsisi ka," Ate Demi said with a smile on her face.
"Yes! Si Lara pa ba? Sinong tatanggi sa kaniya? Mixture ng cutie at beauty! Itong buhok mo na kulot sa dulo tapos natural ang pagka-brown, 'yang chubby cheeks mo, 'yong mata mong bilugan, at 'yang red lips mo, sobrang bagay sa 'yo lahat. Ang ganda-ganda mo, Lara May," Via praised me and my heart softened at that.
Instead of drowning myself with thoughts, I chose to enjoy my whole holiday break. May mga oras na ka-chat ko si Sarus pero, mas pinipili kong mag-enjoy dahil isang beses sa isang taon lang kami kung umuwi ng probinsya.
Pag-uwi ko sa Laguna, saka ko na iisipin si Leisarus. Kukunin ko pa pala 'yong pamasko ko na sinasabi niya. Ano kaya 'yon?

BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...