33.

72 3 0
                                    

For the following days, I stayed beside Sarus after he got discharged from the hospital despite my work. May ilang araw na hindi ako papasok nang sunod-sunod para alagaan si Sarus. Ngayon ay nasa bahay niya siya at doon ako bumibisita kapag uuwi ako galing sa school. I want to file a leave but, the hectic schedule at school is stopping me.

"Ma'am Lara, hindi ka pa uuwi?" Lumingon ako sa co-teacher ko na kasing-edad ko lang rin. Nag-aayos na siya ng gamit niya habang ako ay naroon pa rin sa table at tinatapos ang paggawa ng lesson plan.

"Maya-maya pa, Ma'am Yna. Ikaw ba? Pauwi ka na?"

"Pauwi na ako, magpahinga ka na rin, Ma'am. Mukhang pagod na pagod ka nitong nakaraang araw. Nakakapagpahinga ka pa ba?" Napahinto ako sa pagsusulat bago napabuntonghininga.

I've been going back and forth from my house, school, and Sarus' house. Minsan ay doon na ako makakatulog sa bahay nila sa sobrang pagod at antok. Tinutulungan pa ako minsan ni Sarus sa pag-check ng papers, pag-record ng scores, at paggawa ng lesson plan dahil nakakatulugan ko na minsan. It's tiring but, I'm getting used to it. My body is getting used to the schedule and routine.

"Nagpapahinga naman ako, Ma'am," sagot ko bago nagdesisyong tapusin na lang muna ang ginagawa. I closed the notebook where I am writing. Nagsimula na rin akong magligpit hanggang sa marinig ko ang pagsasalita ni Ma'am Yna.

"Your boyfriend is texting you, Ma'am Lara," sabi niya kaya napalingon aki sa cellphone ko na nakapatong katabi ng lagayan ko ng pens. Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko narinig ang pagtunog.

Kinuha ko 'yon at nakakita ng text message mula kay Sarus. Halos hindi na rin kami active sa social media kaya ngayon, sa number na lang kami nagte-text.

Love: Pauwi ka na? Dadaan ka ba rito?

Love: baka mapagod ka :(

Love: Gusto kong makita ka ulit pero, pansin kong lagi ka na lang pagod at nakakatulog. Go home and rest, mahal ko, please?

A soft smile formed in my lips as I feel his concern and worry for me.

Me: Don't worry, I'm fine!

Me: pauwi na ako, puntahan kita diyan, anong gusto mong pasalubong?

Me: I wanna see you too, love. Huwag kang mag-alala, nakapagpahinga naman ako kanina habang break time. Ayos na ayos ako, salamat sa concern. I love you!

"It must be hard, Ma'am..." I heard my co-teacher said. Namalayan kong nandito pa pala siya at pinapanood akong ngumingiti. When our eyes met, she showed me a smile.

"Hmm?" I hummed, asking about what she meant.

"Mahirap siguro 'yong sitwasyon niyo ng boyfriend mo. You once told us about what happened on the day you suddenly left. It must be hard for the both you," aniya at hindi ko naiwasang mapahinga nang malalim.

"Mahirap, Ma'am pero, hindi ko susukuan ang boyfriend ko. Makakalakad ulit siya," sabi ko. I saw Ma'am Yna's encouraging smile and she patted my shoulder.

Sabay kaming lumabas ng school ni Ma'am Yna. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan din kami tungkol sa mga estudyante namin. Ma'am Yna has a lot of rants but, I can see how genuinely she loves her students.

"Dito na ako, Ma'am Lara. Mag-iingat ka!" she waved at me before riding a tricycle. Nang makaandar ang tricycle ay kumakaway pa rin siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

I walk towards a store to buy food for Leisarus. He texted me that he's craving for dumplings so, I went to a store where dumplings are available. Bumili rin ako ng inumin mula sa vending machine at saka ako sumakay papunta sa bahay nila Sarus.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon