"May baon ka?" Napalingon ako kay Sarus na nagtanong sa akin. Hawak niya ang isang lunchbox at mukhang pupunta sa canteen para kumain habang ako ay nanatili sa upuan ko.
Hindi kasi ako napabaunan ni mama gawa ng tanghali na siya nagising. Hindi na rin nakapagluto dahil nagmamadali na ako.
Napanguso ako. "Wala pero, hindi naman ako gutom. Sige na, kumain ka na doon. Naghihintay 'yong mga kaibigan mo, oh." Tinuro ko ang dalawang kaibigan ni Sarus na kasama rin niya noong enrollment.
Sarus looked back at them and signalled something I didn't catch. Lumingon siya pabalik sa akin at naupo sa tabi ko. Binuksan niya ang lunchbox na dala at agad akong napaiwas ng tingin dahil ayaw kong matakam.
"Ginagawa mo?" tanong ko nang binuksan niya ang tupperware. Hindi niya ako sinagot kaya nilingon ko siya at napansin na nagsisimula na siyang kumain kaya sumama ang tingin ko. "Iniinggit mo ba ako?" tanong ko. Napaangat siya ng tingin, ngumunguya pa bago siya umiling.
"Hindi, kumakain lang ako," sabi niya at sunod-sunod na sumubo.
"Bakit dito pa? Maghihintay nga 'yong mga kaibigan mo sa labas oh," sabi ko. Leisarus continued eating until he stood up and suddenly gave me the spoon and fork.
"Ubusin mo na, sa 'yo na."
Napataas ang kilay ko sa pagtataka. "Huh?"
Sarus chewed his food and swallowed it before answering me. "Lara, itinira ko 'yan para sa 'yo kasi sabi mo, wala kang baon kaya kumain ka na. Busog na ako, ubusin mo 'yan."
After telling me that, he went to his friends and left me there with his food. Natunganga ako ng ilang sandali bago ko naramdaman ang gutom. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang kainin ang binihay ni Sarus. Hindi ko na ginawang big deal ang paggamit namin ng parehong kubyertos, gutom na kasi ako.
"Lara, p'wedeng pakopya na lang ng assignment mo sa math? Tawag kasi ako ng boyfriend ko na nasa kabilang building, may ibibigay yata." Natigil ako sa pagkain at napaangat ng tingin sa kaklase kong babae.
Napakagat ako ng labi bago umiling. "Sorry, wala rin akong gawa sa math eh," sabi ko at inubos ang pagkain ni Leisarus.
"Weh? Hindi ako naniniwala, beh. Dali na! Pakopya ako, naghihintay na 'yong boyfriend ko eh. Sige na, Lara!" pagpupumilit niya. Iniligpit ko ang baunan ni Leisarus at inilagay sa ilalim ng upuan niya. Muli akong humarap sa kaklase ko.
"Pasensya na, wala talaga akong sagot," sabi ko pero, nagulat ako nang ibato niya ang notebook niya sa akin.
"Ang damot mo naman! Kokopya lang naman eh, damot mo! Panget ng ugali," aniya at nagmartsa paalis. Naiwan akong nakatanga doon at maya-maya ay unti-unting natawa saka napailing.
"Hala, 'yong ugali talaga no'n ni Paula," bulong ng isa naming kaklase pero, hindi ko na pinansin. Inilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro habang naghihintay na matapos ang lunchbreak.
Ilang minuto ang lumipas, bumalik na si Sarus at naupong muli sa tabi ko. Nakita niya ang notebook na nasa sahig at pinulot 'yon.
"P're, kay Paula," aniya at inabot sa katabi ni Paula ang notebook saka siya bumalik sa tabi ko. "Lara," aniya at kinalabit ako.
"Hm?"
"Naubos mo?"
"Oo, nandyan sa ilalim ng upuan mo 'yong baunan mo."
Tumango si Leisarus. "Tama 'yan, ubusin mo 'yong mga pagkaing binibigay ko sa 'yo. 'Wag mong gutumin ang sarili mo," aniya at ginulo ang buhok ko kaya nahampas ko ang kamay niya at napapikit nang matalo ako sa nilalaro ko.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...