Araw-araw kaming magkasama ni Leisarus kaya siguro nasanay ako sa presensya niya. Minsan, kakailanganin ko pa si Leisarus para mawala ang hiya ko kapag may mga event sa school. Leisarus became my comfort zone and my only bestfriend so, I sometimes wonder if I'm allowed to say something about the things he wants. Alam kong wala akong karapatang diktahan siya sa kung anong gusto niya pero, nag-aalala ako para sa kaniya. Oo, kaibigan niya sila Melvin at Arnold pero, hindi mawala sa akin ang pag-aalala. Hindi ko na alam.
"Nasaan na 'yong iba? Kailangan na nating mag-practice," sabi ng class president namin habang nakapamewang. Hawak ko ang script ng role play namin habang naghihintay sa mga kasama namin.
Kanina pa kaming alas otso dito sa meeting place namin pero, ang ilang kaklase namin ay wala pa. Alas otso ang usapan pero, alas nuebe y medya na kaya naiintindihan ko kung bakit mainit na ang ulo ng ilan.
Leisarus taps my shoulder. "Gusto mong buko juice?" tanong niya saka tinuro ang nagtitinda ng buko sa may malapit sa amin.
"Libre mo?" nakangising tanong ko.
Sarus chuckled and puts his arm around my shoulder. "Matik nang libre ko kapag tinanong kita. Alam ko naman na kada magtatanong ako kung anong gusto mo, tatanungin mo rin ako kung libre ba eh," aniya habang tumatawa kaya napailing na lang din ako.
"Siyempre, masaya kapag libre, 'no!"
Leisarus ended up buying us foods while waiting. Binigyan din niya ang iba naming kasama dahil mainit na ang ulo ng ilan gawa ng mga late na kaklase.
"Sinabi ko nang alas otso tayo lahat eh! Maga-alas dyis na!"
"Nandito naman na 'yong mga main characters natin, pres. Mag-start na kaya tayo?" tanong ng vice president namin.
"Oo nga, pres. Asikasuhin na muna natin 'yong daloy ng role play para at least, may magawa na tayo," suhestiyon ni Sarus at uminom ng buko juice niya. Inisang lagok niya 'yon saka tinapon sa basurahan sa tabi niya.
Our class president sighed. "Sige, doon tayo sa may covered court. Mainit dito eh," sabi niya. Naglakad kami patungo sa malapit na covered court. May mga naglalaro pa ng basketball doon na napatingin sa amin.
"Dito tayo," sabi ng isa naming kaklase at tinuro ang bakanteng bleachers sa may gilid. Inilapag namin ang gamit namin doon para makapagsimula.
"Saan 'yong script?" tanong ng vice president namin. Inabot ko ang hawak na script sa kanila. Hinintay ko kung may ipapabago sa script na gawa namin pero, tumango lang din ang president namin kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Ayos daw?" Tumango ako kay Sarus.
"Lara at Sarus, paki-explain sa mga gaganap 'yong gagawin nila. 'Yong ibang naka-assign sa props na nandito, magsimula na rin kayo."
Lumapit kami sa mga gaganap sa role play namin. Matiyaga kong pinaliwanag ang mga nasa script para maliwanagan sila. Si Sarus ay pinasubok din sa kanila ang bawat linya para ma-practice na rin nila at makabisado ang mga linya.
"P're, subukan mong mas bagalan 'yong pagsasalita, ha? Para mas malinaw tapos, tumitig ka sa mata ng partner mo para pareho niyong dama 'yong eksena," paliwanag ni Sarus sa kanila.
"Kapag nakalimutan niyo 'yong linya niyo, p'wede kayong mag-adlib, ha? Kapag sa tingin niyo, magkakamali kayo, 'wag niyong ipahalata, adlib lang kayo," dagdag ko.
Pinanood namin ang pag-eensayo ng mga gaganap. Wala na ring pumuntang kaklase kaya tumulong na lang kaming mga scriptwriters sa paggawa ng props habang ang president at vice president namin ay inaasikaso ang acting ng mga gaganap.
Tumunog ang phone ni Sarus kaya natigilan ako dahil nagulat ako sa pagtunog no'n. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti dahil ringtone pa mula sa mga kanta ng Atlantis ang gamit niya.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
Любовные романыSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...
