The schoolyear is going smooth for me. I'm able to understand every lessons that we tackle, participate in class actively, and even do my quizzes right. Joven became my friend and I notice him sticking only to me. May kinakausap naman siyang ibang kaklase pero, sa akin siya mas komportableng dumikit. Kapag break time namin, may pagkakataon na sabay-sabay kami nila Sarus na kakain sa canteen pero, kadalasan ay kami lang ni Joven dahil may mga pagkakataon din na may klase pa sila Sarus kapag break time namin.
"Lara, may complete notes ka ba sa Philosophy?" tanong ng isa kong kaklase isang araw. She smiled at me, waiting for my answer. Natigil ako sa pagsusulat at tumango sa kaniya.
Surprisingly, I got to be comfortable around other people too. Dati, lagi akong nagdududa kung gagamitin lang ba ako ng mga tao para sa sarili nilang kapakanan pero, ngayon ay unti-unti kong napagtanto na hindi lahat ng tao ay katulad ng mga dating kaibigan. Ang iba ay kailangan lang talaga ang tulong ko.
"Ito oh," sabi ko at ibinigay ang notebook ko.
My classmate smiled. "Thank you! May quiz kasi mamaya, wala akong notes," she laughed shyly before telling me that she'll go back to her seat.
Tumango lang ako at bumalik sa ginagawa. Joven isn't here today. Ang sabi niya ay hindi siya makakapasok dahil may inaasikaso siya. I'm kinda sad right now. Siya lang kasi talaga ang nakakuwentuhan ko pero, wala siya ngayon kaya medyo tahimik ako.
Dumating ang break time namin, tumayo ako kaagad para makakain. Sinilip ko rin si Leisarus sa room nila at nakita kong may klase pa sila. I could see him listening intently and nodding to whatever the teacher is saying. Katabi niya si Arnold na may kung anong tinatanong sa kaniya. I pouted before deciding to go to the canteen alone.
Bumili na lang ako ng isang biskwit saka softdrinks. Hindi muna ako bumalik sa classroom at inubos ko ang pagkain ko.
Going back to my class, I saw the door from Sarus' class opened. Mukhang tapos na ang lesson nila. I stood there, watching them saying goodbye to their teacher. Leisarus caught my eye and he immediately went out, walking to me.
"Uy, kanina ka pa d'yan?" tanong niya sa akin. He even opened his mouth so, I gave him one of my biscuit.
"Hindi..." sagot ko sa kaniya. I walked towards one of the empty seats in the canteen and Leisarus followed me. Nagpaalam siyang bibili muna ng makakain niya habang ako ay inabala ang sarili sa phone ko.
Habang inuubos ko ang pagkain ko, naupo si Sarus sa tabi ko at kinain ang binili niya. Pareho kaming nakaupo lang at hindi nag-uusap pero, maya-maya lang ay dumating ang mga kaibigan ni Sarus at naupo sa harap namin.
Katulad ng lagi kong ginagawa kapag nariyan sila, hindi ko sila kinausap at nagpatuloy sa pagkain.
"P're, birthday ng tatay ni Arnold. Tara sa bahay nila," sabi ni Melvin. Nanatili akong walang imik at hinahayaan silang mag-usap.
"Kailan ulit birthday ng tatay mo?" Sarus asked.
"Bukas, par. Ano? Tara?"
I remain silent, letting them converse. As much as I want to butt in and say something, I know that I shouldn't. Kahit gusto kong barahin ang dalawa, nanahimik na lang ako.
"Titingnan ko kung makakapunta ako. Magsusulat pa akong notes," sabi ni Sarus.
"Sabado naman bukas, p're! Tara! Sa bahay lang naman nila Arnold," pamimilit ni Melvin at isa 'yon sa kinaiinisan ko sa ugali nila.
"Papaalam pa ako. Kapag nakapagpaalam ako, sasabihan ko kayo," sagot naman ni Leisarus. Nahagip ng mata ko ang pag-iling ni Melvin at bahagyang pagsimangot.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...