05.

95 6 0
                                    

Exams day came and I could already see some students roaming around the campus. May hawak silang notebook, ang iba ay nakatutok sa papel na hawak, ang iba ay nagkukwentuhan, at ang iba ang parang maiiyak na sa kaba. I feel the same as them. Kinakabahan din ako pero, hindi sobra. Nag-review naman kami ni Sarus kaya kakayanin naman sigurong makapasa.

Siyempre, makakapasa ka, Lara. Think positive.

Dumiretso ako sa classroom namin para makapaghanda ako bago ang mismong exam. It's a two day exams and for today, may apat na subject kaming ite-take. Bukas ang natitirang apat.

When I entered the classroom, I saw my classmates reading their notes. Kaunti pa lang ang tao sa classroom at hindi pa umaabot sa sampu. Si Sarus din ay wala pa pero, hinayaan ko muna. Maaga lang kasi talaga akong pumasok para makapaghanda pa. Bubuklatin ko ulit ang notes ko bago ang exam para manumbalik sa utak ko lahat.

I sat down on my chair and grab the reviewer I made. Summarization ng mga lessons sa bawat subject ang laman ng reviewer ko. Important terms and its definition. Ang sa math naman ay mga formulas lang at terms din. Isinantabi ko muna ang mga subject na hindi pa ite-take ngayon. I focused on the four subjects of the day, Filipino being the first subject.

I roam my eyes from top to the bottom, absorbing every informations. Bawat terminolohiya ay may isang salita akong ginagawang palatandaan para madali kong matandaan ang mga terms. Leisarus came five minutes after I start reviewing.

Naupo siya sa tabi ko at sumilip sa reviewer ko bago niya inilabas ang papel na pagsasagutan namin at inihanda ang ballpen niya. Matapos niyang isara ang bag niya ay muli siyang bumaling sa akin.

"Ang aga mong pumasok," aniya at sumilip sa relo niya. "Six-thirty pa lang," sabi niya.

"Mas mabuti nang maaga," sabi ko habang nakatuon pa rin ang mata sa reviewer ko. I flipped the page and continue reviewing. Sarus remain watching me.

"Kumain ka na?" tanong niya sa akin. Tahimik akong tumango at hindi na siya muling nagtanong pa dahil alam niyang ayaw kong naiistorbo kapag nagre-review.

Ganiyan kami tuwing nag-aaral. Kapag oras ng pag-aaral, mag-aaral lang talaga. He'll not disturb me and I will do the same. Kapag break naman, saka lang kami magkukwentuhan o mag-uusap tungkol sa mga bagay na hindi konektado sa paaralan. Kapag nakapagpahinga na ang utak namin, balik kami sa pag-aaral at paulit-ulit lang na gano'n ang gawain namin.

Back then, I always study alone before exams or quizzes. Pinangarap ko dati na maranasan ang tinatawag nilang group study. Gusto kong maranasan 'yon kasama ang mga kaibigan ko. I always try to persuade them to join me but I guess, you really couldn't force people to do what you like. Tinigilan ko na ang pagkumbinse sa kanila na mag-aral kapag dadating ang exam day namin. I've been a fool to let them steal my answers back then. Kapag exam day na, sa akin nila iaasa ang sagot. Isa daw sa rason nila kung bakit hindi sila nagre-review.

'Nandiyan ka naman, eh. Ikaw ang source namin!'

Desperate to feel like I belong, I foolishly agreed and it's one of the things I never want to happen again. Letting them go is one of the choices I think I did right.

Exactly seven am when our proctor entered the classroom. Itinago ko kaagad ang reviewer ko at inilabas ang papel ko at ballpen. Our proctor instructed us to stand up and knowing what will happen, I sighed. Sumilip din ako sa hallway kung saan may mga nakahilerang upuan. May mage-exam sa labas at sana isa ako roon.

"I'll be the one to arrange your seats. Random ang gagawin ko kaya makinig nang mabuti. Isang beses ko lang uulitin ang pagtawag," sabi ng lalaking protctor namin. Inilapag niya ang questionaires sa desk at kinuha ang attendance sheet namin.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon