40.

124 4 0
                                    

Maluwag na ulit ang schedule ko kaya nagpasya akong mag-stay sa hospital. Ilang buwan ang nakakalipas nang magsimula si Leisarus sa therapy niya. Naroon ako sa mga panahong naiiyak siya dahil sa patuloy niyang pagtumba. I'm always cheering him and he would always try to stand up again.

Sarus' family never fail to support him. Kapag wala ako sa hospital, sila ang naroon at sinusuportahan si Leisarus. Ate Vanessa would send me photos of Sarus trying to walk and I would always encourage him through Ate Vanessa since I can't message him directly.

"Ma'am, pinapatawag tayo sa office ng principal." Inalis ko ang tingin sa phone ko nang pumasok si Ma'am Yna.

"Bakit daw?"

She shrugged. "Ewan? Baka may biglaang meeting. Hindi ko alam kung para saan," aniya. "Tara, baka hinihintay na tayo."

I turned off my phone and put it inside my bag before standing up. Inayos ko ang skirt ko at ang uniporme bago ako sumunod sa kaibigan.

"Goodmorning po, Miss Lara, Miss Yna!" Students greets us as we walk towards the office.

"Goodmorning!" we greeted back.

Nang makarating sa tapat ng opisina, si Ma'am Yna ang kumatok at nagbukas ng pinto. Nakita namin ang iilang gurong naroon na bumati sa amin. Agad kaming naupo sa bakanteng upuan at napatingin nang tumayo ang principal namin.

"Kumpleto na tayo kaya sisimulan ko na ang pagsasalita," sabi ng principal. Ipinagsalikop niya ang kamay bago kami hinarap. "Pinatawag ko kayo rito dahil kayo ang napiling guro para sa taunang pagdalaw sa mga batang hindi makapag-aral. Tradisyon ng paaralan na magsagawa ng gano'n at ngayong taon ay kayo ang napili para maging guro sa mga batang natukoy," paliwanag niya.

"Sir, saang lugar po?" Ma'am Yna asked. Tumingin sa amin ang principal at inayos ang kaniyang salamin.

Unfortunately, the location's outside San Pedro. Isang maliit na barangay raw 'yon at maraming bata ang hindi makapag-aral dahil sa hirap ng buhay sa lugar na 'yon. It would take two hours when riding a bus to get there.

"You'll be staying there for an entire month."

My ears perked up. Agad akong napatingin sa principal namin na seryoso at walang halong biro ang mga sinasabi. I gulped and tried to speak. Their attention turned to me immediately.

"Sir, uhm... hindi ako p'wedeng mawala ng isang buwan. Nasa hospital pa rin ang boyfriend ko, kailangan ko siyang bantayan dahil nagte-therapy siya," sabi ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Ma'am Yna sa kamay ko na parang kinakalma ako.

The principal stared and later on, sighed. "I'm sorry, Ma'am Lara. Hindi p'wede ang gusto mo. I can't just pull you out and replace you because, you'll be leaving tomorrow," sabi ng principal kaya nanlumo ako. "I know your situation, Ma'am Lara but, I'm sorry. I have to involve you with this."

Sa huli ay wala rin akong nagawa. Pag-uwi ko sa bahay, agad akong nag-impake ng damit at tumutulong pa si mama. Nakasimangot ako habang nag-aayos ng gamit at nagrereklamo kay mama.

"Ganiyan talaga ang may sinumpaang tungkulin, anak," sabi ni mama pero napanguso lang ako. "Mabilis lang ang isang buwan. Tingnan mo, pagmulat mo, pauwi na kayo agad. Parang timelar— ano ulit 'yon?" nalilitong tanong ni mama kaya bahagya akong natawa.

"Timelapse po," sabi ko.

"Ayon! Timelapse! Parang timelapse na lang 'yan, 'nak kaya huwag ka nang malungkot. Paniguradong kapag kay Sarus mo sinabi 'yan, kukumbinsihin ka rin niyang tumuloy."

Again, I have no choice. Nagpaalam ako kina Tita Leisheen at sinabi ko ang tungkol sa gawain ko. Sila na raw ang bahala kay Sarus kaya pumayag na rin ako. Bago ako matulog, nakita ko ang pagtawag sa akin ni Sarus kaya mabilis akong nahiga at kinuha ang phone ko bago sinagot ang tawag.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon