18.

102 6 0
                                        

For the past days, I've been going back to Sarus and my house. Natapos ang intramurals at hindi na ako naka-attend no'ng awarding. Nalaman ko lang na overall champion ang HUMSS dahil sa facebook post ni Joven. Kahit wala si Sarus ay naka-tag pa rin siya sa post ni Joven kaya napangiti ako.

I congratulated them and shared the post. After that, I went to Sarus' house to visit him. Sabado naman ngayon kaya nagdesisyon akong bumisita. Nang dumating ako sa kanila ng mga 10am at naabutan ko si Sarus sa kwarto niya na natutulog pa.

Inilapag ko ang bag ko at naupo sa sahig ng kwarto niya. Sumandal ako sa kama niya at inilabas ang phone ko. Naki-connect na rin ako sa internet nila para malibang ko ang sarili ko habang hinihintay na magising si Sarus.

I watch funny videos for several minutes. Hindi mapigil ang tawa ko kahit tinatakpan ko na ang bibig ko.

"Ano ba 'yan, parang sinasakal na manok 'yong tawa eh." I heard a sleepy voice from behind. Nai-pause ko ang pinapanood ko at nakitang gising na si Sarus. Nakakunot pa ang noo niya at nakatingin sa akin.

"Good morning, senyorito..." sarkastikong sabi ko bago ko siya hinampas. "Anong sabi mo? 'Yong tawa ko, parang sinasakal na manok? Gago ka ba? Suntukan na lang oh!"

Sarus laughed as I began throwing light punches at him. Nag-ingat din ako at siniguro na hindi ko matatamaan ang injury niya. Sa braso niya lang ako sumusuntok at ang loko ay tawa nang tawa.

"Parang sinakal na manok pala, ha!" sabi ko at bahagyang sinabunutan siya. Sarus, instead of complaining, continued to laugh. Hinawakan niya ang kamay kong nasa buhok niya at ang isa ay nasa bewang ko na.

"Totoo naman! Parang sinakal na man-" he couldn't finish what he was saying as I grip his hair a bit tight. "Lara! Oo na, hindi na! Bitaw na," aniya pero, hindi ko pinakinggan. I stare at him while laughing. Nagmulat naman siya ng mata at nasalubong ang tingin ko.

For the third time, there's this weird feeling again as I stare at his eyes. Hala, gagi! Ano ito? Wala namang ganito dati ah! Bakit may nararamdaman akong ganito?

Sarus' hands remained on my wrist and I found my grip on his hair loosing. Akmang dudulas pababa ang kamay ko mula sa buhok niya nang pigilan niya 'yon. I almost gasp when his hands slips to my palm.

What the hell is this? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Normal pa ba talaga ito?

"Lara... do you know that 1+9+8 is equals to 1?" bigla niyang tanong kaya napakurap ako at agad umalis sa kaninang posisyon ko para umayos ng upo.

I let out a sighed as I felt my chest continuesly thumping. It's fast and loud. Nang lingunin ko si Leisarus, nakatulala lang siya sa kamay niyang magkasalikop. He licked his lips before glancing at me.

"H-hindi mo alam?" tanong niya bago tumikhim. Umayos siya ng upo dahil para siyang hindi mapakali. Huminga pa siya nang malalim bago humarap sa akin.

"H-huh?" I stuttered. "Anong... ano nga ulit 'yong tanong mo?" tanong ko. Sarus' lips parted but, he shook his head and muttered something to himself.

"Ah! 'Yong tanong ko... ano... sabi ko, alam mo ba na ang 1+9+8 ay equals sa 1," aniya. Napalitan ng pagkunot ng noo ko ang kaninang tulalang ekspresyon.

"What? 1+9+8? Equal sa 1? Pinagloloko mo ba ako?" tanong ko at humarap sa kaniya. Sarus smirked and nodded at me. Hindi naman mawala ang pagtataka sa mukha ko.

"Kapag sinulat mo 'yong 1+9+8 as letters, magiging ano..." he raised his fingers and act like writing something in the air. "One plus nine tapos, plus eight. Hulaan mo paano naging equal to 1," sabi niya. I mentally listed his words but, I still couldn't understand.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon