"Once, I heard them bodyshaming our girl classmate and then, they began sexualizing her, verbally. Nandoon ako at nakikinig. Hindi kao naging komportable kahit hindi naman ako ang pinag-uusapan. They're disrespecting the girl and I hate it..." pagkukwento niya tungkol sa napapansin niyang mali.
"May isang beses pa kung saan may long quiz kami tapos, nakita ko sila. Nakita ko sila, Lara. They have photos of a leaked answer from that quiz on their phones. Gustong-gusto kong magsumbong pero, naduduwag ako at isa rin 'yon sa kinaiinisan ko sa sarili ko."
Hearing my assumptions being correct, I couldn't help but worry for Sarus. Hindi ko siya magawang sabihan ng 'ayan kasi, hindi ka nakikinig sa akin' dahil alam kong na-attached na rin siya sa mga asungot na 'yon. Instead of pointing out my point, I let him realize everything. I remained silent.
"You're right, they're just using me and I slowly realize it when we had our try-outs for the intramurals."
"Anong nangyari no'n, Sarus?" tanong ko. Akmang magsasalita na siya nang makarinig kami ng pamilyar na boses ng doctor na sumuri kay Sarus.
Sinabihan kami nito na p'wede na raw kaming umuwi at may taong naghihintay sa amin sa labas. Inalalayan ng mga nurse si Sarus paupo sa wheelchair at ako na ang nagpresintang magtulak. Nagpasalamat kami sa mga nurse at doctor bago lumabas ng emergency room. Agad kong natanaw ang coach nila Sarus kasama ang mga teammates niya.
"Sarus, kumusta? Malala ba ang injury mo?" tanong agad ng coach nang makalapit.
"Ayos lang po, coach. Nagamot na po ng doctor," sagot ni Sarus.
"Leisarus Vincent!" Hindi man ako ang tinawag pero, kinabahan ako nang marinig ang seryosong boses ng nanay ni Sarus.
Si Tita Leisheen.
"Mama..." Sarus muttered. Parang dagat na hinati ni Moses ang mga teammates ni Sarus nang tumabi sila at binigyan ng daan si Tita Leisheen. Halos marinig ko ang paglunok ni Sarus dahil sa kaba nang mapagtantong hindi lang si Tita Leisheen ang naroon. Nandoon din si Tito Victorious at Ate Vanessa na parehong seryoso rin ang mukha.
Naglakad palapit si Tita Leisheen at huminto sa harap ni Sarus. Akala ko ay pagagalitan niya si Sarus pero, huminga si Tita Sheen nang malalim.
"Ang lampa mo naman, 'nak."
Ilang sandali pa ay humagalpak na ng tawa si Tito Victorious. Nanatili akong nagtataka roon lalo nang marinig silang inaasar si Sarus.
"P're! Bakit nagsi-swimming ka sa basketball court niyo, ha?" Tito Victorious teased. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Sarus bago siya tumingala sa akin.
"Lara, p'wedeng sa bahay niyo muna ako? Papaampon ko na itong pamilya ko," aniya kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa.
Nang makalabas kami sa hospital, kinausap ni Tito Victorious at Tita Leisheen ang coach nila Sarus. Si Ate Vanessa ay nagpaalam na bibili muna habang abala naman si Leisarus sa pakikipag-usap sa teammates niya. Napansin kong hindi niya kinakausap si Arnold at Melvin na parehong nasa gilid at abala sa cellphone nila.
Nag-away ba silang tatlo? Bakit hindi sila nagpapansinan?
"Bati na kayo?" Napatalon ako sa gulat nang may tumabi sa akin.
"Shemay ka naman, Joven! Nanggugulat ka," sabi ko at bahagya siyang hinampas sa braso. "Kumusta pala ang game? Panalo ba?" tanong ko.
Joven smirked. "Siyempre. Tinambakan namin nag kalaban kaya bukas, may game ulit. STEM naman ang kalaban namin pero, si Sarus... awit, hindi makakapaglaro," aniya at sumulyap kay Sarus.
Kumunot ang noo ko nang may maisip. "Teka, magkaklase ba kayo ni Sarus dati? Pansin ko kasi na parang kilala nito ang isa't isa. Hindi kayo masiyadong nag-uusap pero, parang pamilyar kayo sa isa't isa," sabi ko.
Lumingon sa akin si Joven bago bumuntonghininga. Unti-unti siyang tumingin sa mga mata ko bago niya hinawakan ang kamay ko. Agad akong kinabahan sa kung anong mangyayari. Hindi ko rin maialis ang tingin sa kaniya hanggang sa magsalita siya.
"Ex ko si Leisarus. Nagmamahalan kami no'n pero, mas pinili niyang pumunta sa matuwid na landas."
Literally, my jaw dropped at his words. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya na blangko lang ang ekspresyon. My whole system was in shock.
What the hell? Mag-ex si Joven at Sarus? What?!
Joven suddenly clapped and later on, his laughter roared. Tawang-tawa siya habang nakaturo pa sa akin. May pahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa at ako ay nakatulala pa rin. Iniisip kung nananaginip ba ako o hindi.
"Tangina, Lara! Nag-" hindi niya matuloy ang gustong sabihin dahil sa kakatawa niya. "Tangina, sandali! Wait, whoo!" he tried calming himself down but, he always ended up laughing. Ngayon, ako naman ang nakatingin sa kaniya nang blangko.
I looked at my watch and sighed. 2 minutes na siyang tumatawa. What the hell?
"Tangina, ayoko na..." hinihingal na aniya at tumayo mula sa lapag dahil nahulog siya dahil sa kakatawa niya kanina. Naupo siya ulit sa tabi ko at tumingin sa akin bago huminga nang malalim.
"Okay ka na?" I asked with my thumbs up. "Kalmado ka na ba?" tanong ko.
Joven sighed and nodded. "Kalmado na. Tangina, mamamatay yata ako sa kakatawa," aniya.
"Para ka kasing ewan! Nagtatanong ako nang maayos!" sabi ko.
Joven chuckled. "Tangek, hindi ko ex si Sarus! Joke lang 'yon. Straight ako, 'no! Magkaklase kami no'ng elementary kaya kilala ko siya," sabi niya.
"Nang-trip pa bago sagutin 'yong tanong ko eh," sabi ko na tinawanan niya. Nang lingunin ko sila Sarus ay nakita kong nagpapaalam na ang ibang players kaya nilingon ko si Joven.
"Hindi ka pa sasabay sa kanila?"
"Ikaw? Uuwi ka na? Sasabay ka kila Sarus?"
"Hindi ko alam," sagot ko. "Nakakahiyang sumabay. Baka may pupuntahan pa sila," sabi ko pero, inirapan lang ako ni Joven.
"Nahiya ka pa, kaibigan mo si Sarus, 'di ba?" tanong niya. "Ay, bati na nga kayo?" Tumango ako at doon ko napansin nag pagngisi niya. "Ayan, tama 'yan! Sabihan mo si Sarus na 'wag nang makipagkaibigan sa dalawang lason, ha?" aniya na ipinagtaka ko pero, bago pa ako makapagtanong, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ate Vanessa.
Bakit ba lagi akong nabibitin sa kwento ngayong araw? Kaiyak.
"Lara, sabay ka na raw sa amin!" Ate Vanessa said before turning to Joven. "Uy, Joven! Hindi ka pa nauwi. Umuwi na mga kasamahan mo," aniya.
Joven smiled. "Pauwi na rin ako, 'te. Nakipagkwentuhan lang kay Lara," aniya bago tumayo at sinukbit ang bag niya. "Una na ako, Lara, 'te Vanessa."
"Ingat ka, Joven!"
Joven waved at us before walking away. Humawak naman si Ate Vanessa sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan nila.
"Magandang gabi po, Tita Leisheen..." sabi ko at bumaling kay Tito Victorious. "Magandang gabi po, tito," bati ko.
"Lara, sabay ka na sa amin. Iuuwi na namin si Sarus dahil hindi na rin naman makakapaglaro. Sumabay ka na raw at baka wala kang makasabay mag-commute mamaya," sabi ni Tito Victorious kaya nilingon ko si Sarus na nakapikit na sa may backseat.
Wala na rin naman akong panonoorin doon kaya uuwi na rin ako. Wala si Sarus doon at wala akong kasabay kaya tumango ako sa kanila at tumabi kay Sarus na agad nagmulat nang maramdaman ang paggalaw ng upuan.
He looks sleepy when he pulled me close to him. Akala ko kung anong gagawin niya, 'yon pala ay sasandal lang sa balikat ko.
"Sorry," bulong niya ulit. Napahinga ako nang malalim at umayos ng upo.
Paggising ni Sarus, itutuloy namin ang pag-uusap.

BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...