34.

72 5 0
                                    

Waking up with Sarus beside me felt heartwarming. Ang maamo niyang mukha ang unang bumungad sa akin nang imulat ko ang mata ko nang umagang 'yon. Naalala ko kagabi na bago kami matulog, sobrang higpit ng yakap niya at panay ang paghinga nang malalim. Tahimik lang kami no'n at magkayakap hanggang sa makatulog kaming dalawa.

I lifted my hand towards his cheeks before planting a soft kiss on his forehead. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap nang mahigpit.

Lord, give us strength to overcome these obstacles. Give my love, Sarus, the hope and determination to fight with us against the darkness in our life.

Sinilip ko ang orasan na nakasabit sa may pader. Alas syete na ng umaga at kailangan ko pang pumasok. Dahan-dahan ang naging pagkilos ko habang inaalis ang braso ni Sarus sa bewang ko.

I stood up and went to my bag that's currently lying on the small sofa inside his room. Binuksan ko ang cellphone ko at napansin ang message na agad nagpalaki sa mata ko.

Ma'am Yna: Ma'am, saan ka na? Maaga tayo ngayon! Kailangan kumpleto ang lahat ng teachers dahil darating si Madame, 'yong may-ari ng school!

"Fudge..." I whispered before I ran towards the bathroom. Nagmadali ako sa pagkilos at halos hindi na ako nakaligo. Good thing, I have clothes in Sarus' cabinet so, I wouldn't have to go home to change.

"Love?" I heard Sarus called me while I'm trying my hair in front of is mirror. Tiningnan ko siya gamit ang repleksyon ng salamin. Sinusubukan niyang umupo hanggang sa nagawa niyang sumandal sa headboard ng kama niya.

"Good morning," bati ko bago ngumiti sa kaniya. He yawned and ran his palm on his face.

"Good morning. Why the sudden rush? Akala ko alas otso ang oras ng first subject mo?" tanong niya. Nasabi ko nga pala sa kaniya kagabi kung anong oras ako papasok pero, nakalimutan kong sabihin na kailangang maaga akong umalis. Bakit kasi ngayon ko lang naalala?

"Darating ang may-ari ng school kaya kailangan kami roon nang maaga. Nakalimutan ko kagabi kaya ito, nagmamadali na ako. Baka mapagalitan ako," sabi ko at humarap sa kaniya matapis maayos ang buhok ko. I went to him and kissed his lips.

"Mag-almusal ka na sa baba, okay? Ihahatid kita, tara," sabi ko at hindi na nagdalawang-isip na alalayan siya patungo sa wheelchair niya. Wala siyang imik hanggang sa makaupo siya roon at agad kong minaniobra ang wheelchair niya patungo sa hagdan.

"Sandali, paano kita ibaba pala sa hagdan?" bulong ko. Naglakad ako palapit sa harap niya at bahagyang yumuko.

"Anong ginagawa mo?" he asked. I glanced at him before smiling and patting my back.

"Sakay ka sa likod ko, bubuhatin kita pababa," I told him but, he stared at me with disbelief. I scoffed and sighed. "Pinagdududahan mo 'yong lakas ko?"

Sarus shook his head. "No, it's not that.. uhm, just..." he gulped and looked away. "Nakaayos ka na at ayaw kong magulo ang ayos mo kapag binuhat mo ako. Isa pa, mabigat ako kaya mahihirapan ka lang," aniya.

Makikipagtalo pa sana ako nang muling tumunog ang phone ko at nang silipin ko ay napamura na ako dahil sa sunod-sunod na mensahe. I stood up and tried to think of a way when we heard a voice.

"Mga anak, bakit nandiyan kayo sa tapat ng hagdan?" It's Tito Victorious' voice.

Sarus glanced at me and back at his father. "Pa..." he called Tito Victorious. "Can you carry me? Lara needs to go to school. Baka mapagalitan siya kapag na-late siya," Sarus asked his father who only nodded and smiled at me.

"Balak ko ngang sunduin kayo para makapag-almusal," ani Tito Victorious bago nakatalikod na lumuhod sa tapat ni Sarus. "Sakay na, p're," Tito said, patting his own back.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon