Months passed by so fast, last quarter na agad ng taon. Kailangan na naming mas magseryoso pa sa pag-aaral dahil ga-graduate na kami ng Junior High School. Ilang buwan na lang at tapos na kami sa grade 10. Grade 11 na at may napili na rin akong school na papasukan. Ewan ko lang kay Leisarus kung saan siya magsi-senior high school.
"Lara, ilalagay pa ba itong line na ito?" tanong sa akin ng isa kong kagrupo habang gumagawa kami ng report sa subject naming English. Ako ang leader nila at mabuti na lang lahat sila ay tumutulong.
"'Wag na, ito na lang hanggang dito," sabi ko at itinuro ang paragraph na isinusulat nila sa manila paper.
"Last 5 minutes, everyone!"
We all focused on making our visual aid. By group ang pag-upo namin at hindi ko kagrupo si Leisarus gawa ng alphabetical ang groupings. We presented our works and received questions from our classmates. I was relieved when we are all able to answer the questions and our teacher gave us 95.
Sumunod sila Leisarus sa pag-present. Sa unahan ako nakaupo pero, sa tabi ng bintana kaya ang lapit ko sa kanila. Siya ang nagsasalita sa klase habang ang mata ko at sinusundan ang bawat salitang binabasa niya mula sa manila paper nila.
"And, we have Tracy to further elaborate our report," Leisarus said and moved to the side, in front of me. Napatingin siya sa akin at ngumisi.
"Ayos ba report ko?" tanong niya. Nagtaas ako ng thumbs up sa kaniya.
"Ayos na ayos, par," sagot ko.
"Ang galing, mas naintindihan ko no'ng kayo na 'yong nag-report kaysa kay ma'am," bulong ng katabi ko na mukhang narinig ni Sarus kaya siya ngumiti.
It feels good after that as we all received a high points on our reports. Nang matapos ang english class, sumunod ang Filipino at nagpaalala ang guro namin sa nasabing role play na kailangang gawin.
Ang class president namin ang umasikaso noon at lahat kami ay may kaniya-kaniyang trabaho. I was part of the scriptwriting with Sarus. Ang loko kasi, gusto raw tumulong sa pagsusulat ng script kahit ang totoo ay ayaw lang niya tumulong sa paggawa ng props at mga susuotin.
The following days, we all focused on every lessons. May mga oras na naiinis pa rin ako dahil sa mga kaibigan ni Sarus pero, hindi ko na pinupuna dahil alam kong maaapektuhan si Leisarus. Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga gawain sa school.
Saturday morning when Leisarus told me that we'll stroll around the city. Ang sabi pa niya ay libre niya kaya hindi na ako tumanggi. Sumama na ako kaagad sa kaniya at pagsimangot kaagad ang bungad niya nang makitang malaki ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
"Punta tayo sa museum. May mga bagong artworks si Tito Victorious, 'di ba?"
Sarus nodded. "Yup, he donated it to the city's museum," aniya kaya napapalakpak ako. Ako na ang humila kay Sarus papunta sa museum na paborito naming puntahan.
Ang daming artworks na nakalagay doon. Minsan, kapag nahihirapan akong makaisip ng idea for MAPEH, especially, Art subject, nagpapasama ako kay Leisarus dito para makakuha ako ng inspirasyon. Ayoko naman kasing direktang magtanong kay Tito Victorious gawa ng abala rin ang papa ni Sarus. Kay Sarus naman, wala akong aasahan sa kaniya. He prefers reading than drawing.
"Uy, ito 'yong pinakapaborito kong artwork ng tatay mo," mahinang sabi ko bago siya hinila papunta sa isang painting na nakasabit sa pader.
"Where It All Started"
Artist: Victorious Khein Anderson"Ito 'yong painting ni Tito Victorious nang makabalik siya dito noon, 'di ba? Painting niya kung saan ipinapakita kung saan sila magsimula ni Tita Leisheen," sabi ko habang inaalala ang nakwento ni Sarus na love story ng parents niya.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...