Exactly January 3 when we went back to Laguna. Ang balik namin sa klase ay January 26 pa kaya mahaba-haba pa ang break namin. Mahaba-habang oras para matulog at magpahinga sa bahay.
Three days after we arrived back when Sarus and I met. Sa museum kami nagkita kung saan may bagong display na mga artworks. Kailanman ay hindi ako magsasawa sa pagtingin ng artworks sa museum na ito. Bawat obra, damang-dama at napakaganda.
Halos dalawang oras kaming nanatili sa museum hanggang sa magyaya si Sarus na kumain. Ngayon, hindi na lang siya ang nagbayad dahil nag-ambag na rin ako. May pinamasko sa akin nag mga tito at tita ko no'n kaya may pera ako.
Naupo kami sa second floor ng fast food chain. Agad kong napansin ang bagong itsura ni Sarus. Kung attractive na siya noon, mas naging attractive siya ngayon.
Bagong gupit ang buhok niya at may kulay 'yon na itim. It looks sexy on him especially that right now, he's wearing a black polo shirt tucked in his black pants. Ako naman ay nakasuot ng puting top at beige-colored na trousers. Ang buhok ko ay nakatirintas sa dalawang side, at may dala rin akong tote bag dahil sinabi ni Sarus na magdala ako ng kahit anong bag dahil nga ibibigay niya ang pamasko niya.
"Kumusta ang holiday sa probinsya?" tanong niya at kumagat ng fries. Humigop muna ako sa coke float na in-order namin bago ako sumagot.
"Masaya kasi marami kami. Nakausap ko ulit 'yong mga pinsan ko na matagal-tagal ko ring hindi nakita. Kayo ba? Kumusta ang holiday niyo?" tanong ko pabalik.
Sarus' lips formed a smile. "Masaya rin. Kasama namin sa celebration sina Tito Jin pati 'yong mga kaibigan nila papa at mama. Si Tito Louie, naroon din at umuwi," pagkukwento niya. "Tuwang-tuwa nga si Mama Sheen kasi umuwi si Tito Louie. Matagal 'yong hindi nakauwi dahil palayag-layag sa dagat," ani Sarus.
"Hindi ba sabi mo nagdadrama si Tita Sheen dahil hanggang ngayon, wala pa ring girlfriend 'yong Tito Louie mo?" natatawang tanong ko. Sarus nodded and clapped his hand once.
"Oo, tama! Ang sabi pa ni mama, natatakot daw siya na baka 'yong little bro niya raw ay tumandang binata. Si Tito Louie naman, ang laging sagot ay wlaa raw siyang oras. Hindi ko alam," naiiling na sabi ni Sarus.
Nagpatuloy kami sa kuwentuhan hanggang sa sumagi sa isip ko ang isang bagay. Umayos ako ng upo at ngumisi kay Sarus. 'Yong pa-cute na ngisi. Agad niyang napansin ang ekspresyon ng mukha ko kaya kumunot ang noo niya.
"Sarus, baka may nakakalimutan ka..." I raised my brows with a cheeky smile on my face. Unti-unti kong inangat ang dalawang kamay ko hanggang sa inilahad ko ang dalawang palad ko sa kaniya. Bumaba ang tingin niya roon at nagulat ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Ito ba gusto mo?" tanong niya. Agad akong napapiksi at binawi ang kamay ko. Tumikhim ako bago muling naglakas-loob ma tumingin sa mata niya.
"May nakakalimutan ka yata! Akala mo, ha! Mauubos na itong pagkain natin tapos, hindi mo pa binibigay 'yong dahilan kaya tayo nagkita," sabi ko. Sarus' confused face turned into an amused one. Sumandal siya sa upuan at ngumisi.
"'Yon ba? As you see, wala akong bitbit..." aniya kaya nanlaki ang mata ko at halos singhalan na siya pero, inangat niya ang kamay niya at tinapat sa akin ang palad niya. "Kaya nagmamadali akong kumain kasi gusto ko nang ibigay sa 'yo 'yong pamasko ko. Hindi ko dala ngayon, nasa bahay kaya bilisan mong kumain."
Gaya ng sabi niya, binilisan ko ang pagkain at halos sabay lang kaming natapos. Bago umalis ay hindi namin nakalimutang linisin ang table namin at iligpit ang pinagkainan para kapag may lumapit na staff ay kukunin na lang nila ang ginamit namin.
"Bakit iniwan mo sa bahay niyo? Malaki ba 'yang regalo mo?" nangingiting tanong ko.
"Hindi naman pero, pinaghirapan ko kaya dapat matuwa ka," sagot niya. Masaya akong tumango. Basta ikaw ang nagbigay, matutuwa ako.
Nang matanaw namin ang bahay nila, tumakbo kaagad si Sarus papasok at naiwan akong nagtataka. Hindi pa ako nakakapasok sa gate nila nang muli siyang lumabas at may bitbit na shopping bag na kulay puti.
"Ano 'yan?" turo ko sa dala niya. Nakangiti niya 'yong inabot sa akin at sinenyasan akong tingnan ko ang nasa loob. Agad kong sinilip ang laman at napasinghap ako nang makita may teddy bear doon na kulay brown. May malaking puso sa gitna na parang hawak ng kamay ng teddy bear at may nakasulat doon.
Lara cutie <3
Napaawang ang labi ko at agad napaangat ang tingin sa kaniya. "Pinagawa mo itong pangalan ko sa may teddy bear, Sarus?" manghang tanong ko. Leisarus flashed me a soft smile before he fixed my hair and tucked it behind my hair.
"Hindi ko pinagawa 'yan kasi ako mismo ang gumawa niyan," aniya na tuluyang nagpanganga sa akin.
"Paano..."
Sarus giggled and held the teddy bear. Iniharap niya 'yon sa akin at tinuro ang nakatahing pangalan ko sa may hugis puso.
"Kung mapapansin mo, medyo makalat ang pagkakatahi. Hindi gaanong pantay ang linya pero, nababasa pa rin naman ang pangalan mo," aniya at ibinalik sa akin ang teddy bear. "Anim na araw kong tinapos 'yan. Sana nagustuhan mo," aniya at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla akong naluha.
Naluha dahil sa sayang nararamdaman ko. Naluha ako dahil hindi ako makapaniwalang gagawin ni Sarus 'yon.
"Uy, naiyak siya! Grabe, touched na touched ka naman sa regalo ko," aniya bago natatawang yumakap sa akin. Pabiro niyang hinigpitan ang yakap at ginulo ang buhok ko. "'Wag ka nang umiyak. Dapat nakangiti ka kasi kasing-cute mo 'yang teddy bear," aniya bago pinunasan ang luha ko.
"Paanong hindi maiiyak? Ang effort nitong ginawa mo, shuta ka," sabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Alam kong may natanggap ka nang stuffed toy no'ng year-end party pero, alam ko kasing natutuwa ka kapag may mga teddy bears sa kwarto mo kaya ayan ang naisip kong iregalo," aniya kaya muling nilukob ng kasiyahan ang puso ko. "Nakita ko kasi 'yan nang lumabas kami para bumili ng regalo. Nakita kong p'wedeng magpa-customize kaya binili ko pero, hindi ko sa store pinagawa," aniya at napahimas sa batok niya.
"Inaral ko 'yong pagtatahi tapos, ayan. Sana talaga nagustuhan mo. Sorry, makalat pa," aniya kaya hindi na naalis ang mawalak na ngiti ko.
"Maraming salamat, Sarus! Grabe, lume-level up ang regalo mo bawat taon, ah! Salamat dahil alam mo 'yong gusto ko at tinutupad mo 'yong wish kong magkaroon ng maraming teddy bears!" natatawang sabi ko. Napansin ko ang pagngiti ni Sarus at pagbulong niya na agad magpakabog sa dibdib ko.
"Sana ako rin mapagbigyan sa kaisa-isang hiling ko," nakangiting bulong niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Shuta talaga, Sarus! Bakit ka ganiyan?
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...