Leisarus and his family went to Manila for the week to visit Ate Vanessa who's now working on one of the famous and biggest entertainment agency in the country. Sa mga araw na wala si Sarus, inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. I tried my best to do well and avoid getting scolded.
"Ma'am, nasaan na raw 'yong nagawa mong exam? Nai-print na ba?" I heard one of the teachers asked me as she entered the faculty. Agad akong kumilos at sinakop ang mga papel na nakatabi sa mesa ko.
"Ito po, Ma'am," sabi ko sabay abot ng mga papel.
"Anong subject ito?"
"English po. 'Yong Science, nasa may printer pa po," sagot ko sabay turo sa may printer na patuloy sa paglabas ng mga papel.
The teacher nodded. "Salamat, Ma'am. Babalikan ko itong Science test papers. P'wede ka nang pumunta sa classroom mo," sabi niya bago ako tinapik sa balikat.
Sinakop ko ang mga gagamitin ko bago ako lumabas ng faculty. Binati ako ng ilang estudyanteng nakasalubong ko. Ang iba ay nakita kong nagre-review pa habang nakaupo sa hilera ng mga bench sa may grounds.
Naabutan ko ang mga estudyante ko na nagre-review pagpasok ko. Napangiti ako at inilapag nag gamit ko sa unahan.
"Ma'am, start na po?" one of my student asked. Sumilip ako sa wristwatch ko bago ngumiti sa kanila.
"Five minutes then, we 'll start. Mag-review muna kayo."
I remain seated as they continue reviewing for the upcoming exam. I watch them as memories slowly rush in my head. I remember myself in their place. Years ago, I was also like them, nervous and anxious when our exams come. Halos hindi rin ako magkandaugaga sa pag-review ilang minuto bago ang exam.
I smile as I remember those times where Sarus and I would study all night for the finals. Sarus was always the one leading our review. Hindi naman maikakaila na mas matalino sa akin si Sarus at kung hindi dahil sa tulong niya, baka naloka ako no'n.
As five minutes passed, I stood up and began distributing the papers. I instructed them about what to do and let them answer their test papers. Nagbantay ako ng isang oras sa bawat subject na tine-take nila at nang matapos ang lahat ng exam, nagpaalam ang mga estudyante ko at maging ako ay bumalik na sa faculty.
Habang nag-aayos ako ng gamit, tumunog ang phone ko kaya agad kong kinuha 'yon. My heart softened as I saw my boyfriend's name.
"Hello!" I greeted him. I heard him chuckle.
"Hi, love. How are you?"
Naupo muna ako sa upuan at niyakap ang bag ko. "Kakatapos lang ng exams ng mga bata. Pauwi na ako. Kumusa kayo diyan? How's your sister?"
I heard him scoffed. "Lasing na lasing si Ate Vanessa. Pagdating namin, nalaman naming nasa bar pala tapos, hinatid ng manager niya," reklamo niya.
I smile at his rants. "Hayaan mo na. Nag-celebrate lang siguro kasi 'di ba, ambassador na si Ate Vanessa ng isang cosmetic brand?"
"Right. Anyway, I miss you so much. Sana kasama kita ngayon," he told me. Napapikit naman ako at napangiti bago huminga nang malalim.
"I miss you too, Sarus..." I trailed. "Mag-iingat kayo nila tito at tita, ha? Ikumusta mo na rin ako kay Ate Vanessa," I muttered. I heard him hummed.
"Will do. Ingat ka rin, I love you," he answered.
"I love you too! Pag-uwi mo, ipagluluto kita, promise!" I promised him and I heard him chuckling.
Sa mga sumunod na araw, nakabalik na rin sina Sarus at pagbalik pa lang nila, agad akong bumisita sa bahay nila. Pagpasok ko pa lang ay agad bumungad sa akin ang mga magulang ni Leisarus na seryosong nag-uusap.
![](https://img.wattpad.com/cover/336199146-288-k652714.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...