Quarrels in friendships are normal, I know. It's not all about happiness and laughters. Ilang beses na rin kaming nag-away ni Sarus bilang magkaibigan. Nagkatampuhan pero, hindi umabot sa punto na ganito. Hindi umabot sa puntong sobrang sama ng loob ko sa kaniya. Hindi umabot sa puntong iniyakan ko ang naging away namin.
Leisarus is the only person I trust and lean on but, seeing his attitude after hanging out with those two, I don't know anymore. Hindi ko alam kung maayos ba namin ito nang madalian o ito na ang sisira sa pagkakaibigan namin.
It's Monday and I went outside earlier than the usual. Ayokong magkation ng posibilidad na makasalubong siya o makasabay. Gano'n kasama ang loob ko sa kaniya.
Wala pang 6:30, nasa classroom na ako. Mabuti na lang at nagpapapasok na ang guard kaya dumito na ako kaagad. I busied myself writing unfinished notes and reading modules. Hindi ko in-open ang data ng phone ko at hinintay na lang ang klase.
I managed to focus until the first teacher came. I focus and focus to make myself pre-occupied. Every words coming out from my teacher's mouth is written on my notes. Gano'n ako ka-focus sa klase ngayon.
"Ang sama yata ng mood mo," pabulong na puna ni Joven sa akin. I just took a glance at him for a brief moment before going back to listening. I still see Joven observing me until minutes later, he turned his attention to the front.
Nang dumating ang break time, nanatili ako sa classroom at kinain ang snack na binili ko kanina bago ako sumakay ng jeep. Habang kumakain ay nakasalpak ang earphone ko sa tenga ko habang nanonood ako ng random videos sa facebook.
"Ang bagal ng hotspot mo!" Rinig kong reklamo ng isa kong kaklase nang biglang tumigil ang pinapanood ko at nag-loading.
"Ang dami niyong naka-connect, paanong hindi hihina?"
Hinayaan kong naglo-loading ang video ko at tumayo muna ako para magtapon at makapaghugas ng kamay sa labas ng classroom. Malapit lang naman ang lababo kaya mabilis lang akong nakapaghugas saka ako bumalik sa classroom pero, bago ko pa mabuksan ang pinto ng classroom namin, natanaw ko na siya na naglalakad palapit. Mukhang galing sa canteen dahil may dala pa siyang pagkain at inumin. Dumako ang tingin ko doon nang mapansin na paboritong pagkain ko ang hawak niya pero, nang makita ko ang pagtigil niya ay umangat ang tingin ko sa mga mata niya. I found him staring back at me with unknown emotions in his eyes.
Nang magtama ang tingin namin, naramdaman kong muli ang kirot at tampo sa kaniya. Aaminin kong nalulungkot ako dahil hindi kami nag-uusap ni Sarus pero, masakit pa rin para sa akin ang mga salita niya. Hindi ko alam kung kailan ko siya kakausapin o kung may balak din ba siyang kausapin pa ako.
I noticed him stepping forward and he's walking towards me. Only a few more steps until he reached me when I suddenly stumbled sidewards. Nang lingunin ko ay nakita kong binuksan ng kaklase ko ang pinto na hawak ko. Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang lagay namin. Doon ko rin napagtanto na nasa tabi ko na si Sarus.
"Ay, Lara! Sorry! Hindi kita napansin! Sorry!" sabi ng kaklase ko. Tumango ako at ngumiti sa kaniya saka ako naglakad patungo sa loob ng classroom at iniwan si Sarus sa labas.
Naupo ako sa upuan ko at nanood muli ng videos.
Joven volunteered to buy me food when lunch time came so, I didn't bother going out. Napansin ko rin na may chat si Sarus. Hindi ko binuksan ang convo namin pero, mula sa notifcation bar ay nabasa ko ang chat niya.
sarusthegreat: alam kong galit ka sa akin pero, 'wag kang magpalipas ng gutom dahil lang ayaw mo akong makasalubong, kain ka, ha?
My lips pursed and a sudden emotions got into me. Mula junior high school, lagi akong pinapagalitan ni Sarus kapag nakakaligtaan kong kumain. Sisiguraduhin niyang kakain ako at minsan sasabayan pa niya ako para makitang kumakain din ako. He would always take care of me and I'll do the same to him. Now, having the two of us distant made me feel kinda emotional knowing that my bestfriend is the one I'm fighting with.

BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...