31.

81 4 0
                                        

It didn't take a second for me to jump out of my seat and run towards the school gates. Halos hindi na ako nakapagpaalam sa mga teachers na kasama ko dahil sa pagmamadali ko. I didn't even glance at them. Basta ko lang kinuha ang gamit ko at umalis ng paaralan.

Parang lalabas ang puso ko dahil sa kaba habang nasa tricycle ako. I began calling my parents and Sarus' parents. Nanginginig ang kamay ko at nagbabadya ang pagluha.

"Kuya... kuya, pakibilisan po. Kailangan ko na talagang makarating sa hospital," I plead the tricycle driver. Hindi ko alam kung bakit mabagal pa rin para sa akin ang pagtakbo ng tricycle. Basta ang gusto ko lang ay makita si Sarus.

Pagkaabot ko ng bayad, hindi ako nag-aksaya ng oras. Mabilis akong tumakbo patungo sa nurse station para magtanong.

"Nurse! Nasaan 'yong lalaking naaksidente? Saan siya dinala?" hinihingal na tanong ko. The nurse immediately checked their computers.

"Nasa may emergency room po, Miss. Ongoing ang treatment kaya hindi po kayo p'wedeng pumasok," sabi ng nurse. Labag man sa kalooban ko ang sinabi niya, hindi na ako nakipagtalo.

At least, Sarus is being treated.

Nanghihina akong tumungo sa upuan sa labas ng ER. Pinagsalikop ko ang kamay ko at idinikit sa labi kong nanginginig. Ang mga luha ko ay hindi ko na pinigil.

"Please, just please... let Leisarus be fine. Please, I don't wanna lose him," I whispered and began sobbing. My heart is clenching and my tears are unstoppable.

Takot na takot ako no'ng mga oras na 'yon. Ayaw kong mawala sa akin si Leisarus kaya paulit-ulit akong nagdasal. Paulit-ulit akong nakikiusap na sana maging maayos si Sarus.

"Lara May, anak!" Hindi ko magawang iangat ang ulo ko para tingnan ang dumating pero, hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa akin at narinig ko ang boses ng nanay ko.

"Anak, nandito na kami. Nandito na si mama," bulong ni mama kaya lalo akong naiyak. Yumakap ako sa nanay ko.

"Magiging maayos si Leisarus, anak. Magiging maayos siya," sabi ni papa na nakatabi na rin sa akin. Pareho kong niyakap ang mga magulang ko. Kailangan ko lang ng makakapitan dahil ayaw maalis ng takot sa puso ko.

Dalawang minuto matapos dumating ng mga magulang ko, sina Tita Leisheen, Tito Victorious, at Ate Vanessa naman ang dumating. Nang magkatinginan kami ni Tita Sheen, kaagad siyang lumapit at yumakap sa akin.

"Tita..." I cried. Tita Sheen began sobbing with me. I could feel the fast beating of her heart. I could feel how afraid she is. I could already assume that her painful memories starts coming back. Naaksidente rin sina Tita Leisheen at Tito Victorious no'n at ngayon, nangyari na naman. Kay Leisarus na.

The moment a doctor came out, my eyes imemdiately followed his movements. Nakipag-usap siya sa nurse at ang kausap na nurse ay tumango. Seconds later, four nurses came running towards the emergency room.

Hindi napigilan ang pagtayo ko anng makitang may inilabas sila mula sa emergency room. My heart thumped in nervousness seeing Sarus' familiar face, lying on the bed they're pulling.

"Si Leisarus..." sabi ko at agad napatingin doon sina Tita. A doctor came to us but, my eyes remained on the bed where Sarus is. Nawala na 'yon sa paningin ko pero, nakatulala pa rin ako sa direksyong 'yon.

"Dadalhin na po ang pasyente sa kwarto niya at kapag naayos na po ng mga nurse, p'wede niyo na siyang bisitahin pero, bago niyo bisitahin ang pasyente, may gusto akong ipaalam sa inyo..." Lumingon ako sa doktor at nakita ang seryosong ekspresyon sa mukha ng doktor. Tiningnan kami nito isa-isa bago siya huminga nang malalim.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon