Maybe, it's the adrenaline or maybe, it's just me worrying for him that made me jump out off my seat and run towards him despite the crowd surrounding him. My heart dropped at the sight of Leisarus clutching his legs in pain.
"Sarus!" my voice accidentally raised because of the rushing flow of worry. Lumapit ako at humawak sa braso niya. Ang coach nila ay hindi ako sinita at laking pasasalamat ko dahil hinayaan lang nila ako.
"Sarus! Saan masakit?" natatarantang tanong ko. Sarus groaned and moved to place his head on my lap. Walang pag-aatubili kong hinaplos ang buhok niya.
"Sandali, pakialalayan si Anderson!" utos ng coach nila na agad sinunod. Inakay nila si Sarus patungo sa isang gilid kung saan inasikaso agad siya ng medics na naroon.
The game resumed but, my attention wasn't on that anymore. Nakatabi lang ako kay Sarus habang inaasikaso ang binti niyang namimilipit sa sakit. He would hold my hand tightly when the nurse would pressed his skin. He's really hurt.
"Medyo masama ang pagkakabagsak mo, hijo. Hindi ito p'wedeng basta galawin dahil baka mas lumala. Kailangan na dito ng doctor," sabi ng nurse na tumingin sa binti ni Sarus.
Despite the game on going, their coach would constantly came back, looking so worried. Nakita kong kinausap na ng coach ang nurse kaya natuon ang atensyon ko kay Sarus na nakasandal at patuloy sa paghinga nang malalim. Bumaba ang tingin ko at nakitang nagsisimula nang mamaga ang binti niya.
"Mag-iingat ka kasi," mahinang sermon ko. "Kapag nalaman ni Tita Sheen ang nangyari, siguradong mapagsasabihan ka," dagdag ko.
Sarus responded with a squeeze in my hand. He took a deep breath and spoke. "I'm sorry. Pinag-alala ba kita?" tanong niya kaya napalingon ako at nasalubong ang mga mata niya.
Honestly, Sarus' eyes are always mesmerizing. Namana niya sa tatay niya ang mata niya at gustong-gusto ko kapag tinititigan ang mga mata niya. It's capable of showing multiple emotions and that's why I love it.
Right now, his eyes are gazing softly. Halata ang pagod sa mga mata niya pero, nanatili roon ang pagiging malambing at marahan.
"Sorry, Lara. I'm sorry."
Napakagat na lang ako ng labi dahil sa pagkabog ng dibdib ko. I know, he's apologizing for making me worry but, why do I feel like it has a second meaning?
Before I could speak, their coach came.
"Leisarus, kailangan mong madala sa hospital para maagapan 'yang binti mo. Kailangang doctor ang tumingin niyan," sabi ng coach nila. Ang ilang teammate ni Sarus na hindi naglalaro ay inalalayan na siya palabas ng court. I immediately stood up and followed when someone pulled my arm.
"Gamit mo," it was Joven who's holding my bag. Kinuha ko 'yon at kaagad nagpasalamat sa kaniya bago ako tuluyang sumunod. Naabutan ko silang nagpara ng tricycle at agad isinakay si Sarus sa loob.
"Coach, kailangan mong bumalik doon. Hindi ka p'wedeng umalis," narinig kong pakikipagtalo ni Sarus. Napabuntonghininga naman ang coach nila na mukhang problemado.
"Tama si Leisarus, coach. Kailangan ka rin ng team dito. Kung gusto mo, kami na lang-"
"'Wag na, si Lara na lang ang sasama sa akin," Leisarus cut them off while glancing at me. Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-alinlangan pang lumapit sa kanila.
"Sigurado kayo?" the coach asked, unsure.
Humarap ako agad sa coach nila. "Ako po ang sasama kay Sarus, coach. Tama po sila, hindi po kayo dapat umalis dito," sabi ko. Their coach sighed and nodded, signalling me to go in so, I did. The ride started after a while.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomansaSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...