After the troubles with Sarus' ex-friends, he was finally able to fully kick them out of his life. Mula nang ma-guidance sila ay hindi na rin namin nakita sa school kahit pa tapos na ang suspension nila. Hindi na namin inusisa, ang mahalaga ay maayos na ulit si Sarus. Nalaman nila Tita Sheen ang nangyari pero, hindi namin alam kung anong ginawa nila.
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula no'n at sa ilang linggong 'yon, mas lalo kong napapagtanto kung ano talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong nagiging klaro. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang iwasan.
Malapit na ang holiday break namin pero, ito kami ngayon at may homeworks pa rin. Ang daming binigay na gawain kaya hindi maalis ang pagsimangot ko kahit nasa jeep na kami pauwi.
"Paano ako kakain ng salad nang mapayapa kung may school works akong iisipin?" pagdadrama ko kay Sarus. Sumandal ako sa balikat niya at pabirong umiyak kahit ang totoo ay tsumatsansing lang ako- biro lang.
"Hindi ka nag-iisa. Hindi rin ako makakakain ng spaghetti nang masaya at payapa dahil sa tambak na school works," aniya.
Sa nagdaang araw ay inabala ko ang sarili ko sa mga gawain. Bago ang year-end party namin ay may tinapos na ako sa mga gawain para kaunti na lang ang iisipin ko sa mga susunod pang araw.
Sarus and I have been helping each other. Pareho naman kami ng teachers sa halos lahat ng subject kaya nagtulong na kami. Madalas ay tumatawag pa si Joven para magpatulong kaya ang ending, ka-video call namin si Joven habang nagawa ng school works.
Nang dumating ang year-end party namin, hinayaan kong mag-enjoy ang sarili ko. Mula sa pag-host ng mga kaklase ko ng mga laro, sa pagkanta ng ilang kaklase, at ang mga activities, lahat 'yon in-enjoy ko. Binusog ko rin ang sarili ko dahil 'yon ang bilin ni mama. Magpakabusog daw ako kaya 'yon ang ginawa ko.
Nang magpalitan kami ng regalo, malawak ang ngisi ko nang matanggap ko ang nasa wishlist ko. Tatlong stuffed toy 'yon na matagal ko nang gustong bilhin.
"See you next year, guys!"
Nagpaalam na kami nang matapos ang party. Alas dos na ng tanghali nang matapos kami. Yakap ko ang tatlong stuffed toy na inalis ko na sa pagkakabalot. Nang makita ko ang kaklaseng nagregalo sa akin ay muli ko siyang pinasalamatan.
"Sinong hinihintay mo?" tanong ni Joven nang maabutan ako sa may hagdan. Bitbit na niya ang bag niya at mukhang pauwi na.
"Si Sarus," sabi ko sa kaniya at muli ay gumuhit ang ngiti sa labi niya kaya napairap ako. "Napaka-eme mo, Joven."
"Sus, kinikilig ka lang eh! Ang harot-harot, Lara," aniya kaya hindi ko napigilan ang pagtawa. "Ang cute naman niyang stuffed toys na 'yan. Ayan ang nasa wishlist mo?"
"Yes! Ang tagal ko na kasing nakikita ito sa news feed ko. Gusto ko sanang bumili pero, broke na broke ako kaya hindi ako makabili. Ang cute nila, 'no?" sabi ko at inangat ang tatlong stuffed toy na nasa braso ko.
"Mas cute kung hindi kayo nakaharang sa daan."
Sabay kaming napalingon ni Joven at nakita si Sarus na nasa tabi na pala namin. Nakatingin ito sa akin at nang ngitian ko ay agad niyang sinuklian ang ngiti ko pero, tipid lang bago siya bumaling kay Joven.
"Uy, p're! Tapos na party niyo?" Joven asked.
"Tapos na kaya uuwi na kami," sagot ni Sarus bago lumingon sa akin. "Uuwi na ako, sasabay ka?" tanong niya. Mabilis akong tumango at lumapit sa kaniya.
"Sige na, mauuna na rin ako. Mag-iingat kayo, ha? See you next year!" ani Joven at bumaba na ng hagdan habang kumakaway. Bago siya tuluyang makalabas ng school ay nagsalita pa siya.
""Wag nang jelly, Sarus! Hindi ka aagawan!" sabi ni Joven bago lumabas ng building na tumatawa pa.
"Siraulo," natatawa ring bulong ni Sarus bago ako nilingon. "Ang dami mo namang stuffed toy," aniya at nagsimulang bumaba kaya sumunod ako.
"Ito 'yong natanggap ko. Ito kasi 'yong nasa wishlist ko," sagot ko. "Ikaw? Anong natanggap mo?" tanong ko. Lumingon sa akin si Leisarus at ngumisi.
"Kiss."
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya. "Huh?" Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. "Anong natanggap mo?"
Sarus chuckled. "Sabi ko, kiss. Halik ang nasa wishlist ko," aniya bago ngumisi at tinaas-baba oa ang kilay.
"Sarus, gago ka ba?"
He seems shocked with my curse but, he couldn't stop his laughter later on. Nakakunot lang ang noo ko habang tumatawa siya. Maya-maya pa ay kinuha niya sa akin ang dalawang stuffed toy at inilagay niya sa isang braso niya. Paano nagkasya 'yon doon? Ang bakanteng kamay niya ay hinawak niya sa isang kamay ko.
"Tara, tawid na tayo," sabi niya habang may natatago pa ring ngisi sa labi. Hanggang sa makasakay kami sa jeep ay masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Anong kiss ang sinasabi niya? Wishlist niya, halik? Sino namang humalik sa kaniya? Bakit parang tuwang-tuwa siya?
"Bakit ka ngumingiti? Nagustuhan mo 'yong halik?" masungit na tanong ko nang mapansin na may ngisi siya sa labi. Dumako ang tingin niya sa akin bago siya umiling.
"Hindi ah," sabi niya.
"Sarus, seryoso ka ba? Kiss talaga ang nasa wishlist mo?" tanong ko. Sarus stated at me with an amused smile. Ang lalaking ito! Humaharot na!
"Oo," aniya at halatang nanloloko na siya kaya nahampas ko ang braso niya. Tinawanan lang ako ng loko.
Inis na inis ako sa nalaman ko. May nararamdaman ako para kay Sarus at nang marinig ko ang sinabi niya, hindi ko rin maiwasang hindi malungkot. Naiinis ako pero, wala naman akong karapatang magreklamo dahil sa gano'n ang gusto niya. Hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya.
Hanggang sa makababa kami ay tahimik ako. Maging si Sarus ay hindi na rin nang-aasar pero, bitbit pa rin niya ang stuffed toy ko. Nilakad na lang namin pauwi imbis na sumakay dahil maaga pa naman. Hindi ko kinausap si Leisarus hanggang sa makauwi.
Nang malapit na ang bahay namin ay humarap ako kay Sarus at sinubukang kunin ang stuffed toy ko pero, nakatingin lang siya.
"Akin na, ayan na 'yong bahay namin," sabi ko sa kaniya. Sarus gave my stuffed toy to me and he stuffed his hands on his pocket.
"Galit ka?" tanong niya bigla kaya natigilan ako. Nag-aabang siya ng reaksyon ko kaya sinubukan kong pigilan ang gulat ko.
"Hindi, bakit ako magagalit?" tanong ko at mas niyakap ang mga stuffed toy na dala ko.
Sarus sighed and smiled before he messes my hair. "Binibiro lang kita kanina..." sabi niya at tumitig sa mga mata ko.
"Hindi ako magpapahalik sa iba. Naka-reserve ang halik ko para sa first love ko."
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...