Mabilis ang pagdaan ng mga araw at parang kumurap lang ako, February na kaagad. Second semester na at iba na rin ang schedule namin. Kung dati ay half-day ang pasok, ngayon ay 12 hours na. 7am to 7pm na ang klase namin ngayong second sem.
Tulad ng nakagawian, si Sarus ang kasama ko mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi. Ayon kay Leisarus, hindi p'wedeng may uuwi sa aming mag-isa. Tinanong ko siya kung bakit pero, ang sabi niya ay ayaw na niyang hayaan akong umuwi mag-isa lalo pa't gabi na ang uwi namin at hilig ko raw ang sumakay sa unahan ng jeep.
It was already the first week of February and I could already see some decorations for the Month Of Love. Napapailing na lang ako nang makita ang pusong nakakabit sa pinto ng bawat classroom. May nasilip pa ako na may nakasabit na kupido sa kisame sa loob ng classroom nila.
Typical Valentine's decoration.
"Uy, may mini program yata sa Valentine's day," I heard Joven said when he arrived. Inilapag niya ang bag niya at humarap sa akin. "May mga foods sa H.E department, photobooth sa art club, tapos..." aniya bago nag-angat ng tingin sa akin.
"Lara, may confession booth," sabi niya.
Tumaas naman ang kilay ko. "Ano gagawin ko?"
Joven just shook his head but, he has a mischievous smile on his lips. Hindi ko na inusisa ang kung anong nasa isip niya at nagpatuloy ako sa ginagawa kong Valentine's card. I know, it will sound childish for others but, I still make Valentine's card in my age. Taon-taon kong binibigyan ng card ang mga taong malapit sa akin. Ang mga bibigyan ko ngayong taon ay ang parents ko, si Sarus, parents ni Sarus, si Ate Vanessa, ang ilang classmate ko at pati na rin si Joven.
Itinago ko lang ang ginagawa ko nang may dumating nang mga teachers. It's our practical research teacher. Hindi ko pinalagpas ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng teacher ko dahil inaamin kong naguguluhan pa rin ako sa subject na 'yon. Aaminin kong wala akong kaalam-alam sa research at unang beses ko itong mararanasan. Second semester na kaya nagsimula na ang kalbaryo na nagngangalang Research.
"Mayroon tayong Characteristics of Research na kailangamg tandaan kapag gagawa na ng research paper niyo," I readied my pen to list down the details. "Number one, ang research paper ay dapat Realistic. Siyempre, hindi ka p'wedeng gumawa ng research mo kung nag-iimbento ka lang. Dapat makatotohanan. Number two, Cyclical. May continous process ang research..." as our teacher goes on with the characteristics, my hands didn't stop writing.
Buong oras ng subject ay hindi ko hinayaan ang kahit anong distraksyon. Kahit pa natanaw ko si Leisarus na dumaan at sumilip, hindi ko muna pinansin.
"Magsisimula tayo sa paggawa ng Chapter 1 next week kaya ngayon pa lang, mag-list down na kayo ng possible titles ng gagawin nitong research. Dapat ang research niyo dito lang sa school. Alamin niyo kung anong mga problema sa loob ng school at p'wede niyong gawing topic 'yon. Next week, magkakaroon tayo ng Title Defense bago mag-proceed sa Chapter 1, okay? Goodbye, class."
It was a draining day. Nag-iba na ang subject namin ngayong second semester kaya naga-adjust na naman ako. Nang dumating ang breaktime ay lumabas ako at naabutan kaagad si Sarus na palabas din ng classroom niya.
"Uy, kaya pa?" natatawang tanong niya bago umakbay sa akin.
"Shuta, wala pa sa kalahati ang araw, pagod na ako agad," reklamo ko at napakamot sa ulo ko. Natawa naman si Sarus bago ako inayang tumungo sa canteen. Nagkuwentuhan kami ni Sarus habang kumakain at nang madako ang usapan namin sa darating na Valentine's day, hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana.
"Panigurado, maraming magbibigay sa 'yo," sabi ko at nakasimangot na kumagat sa bagong tindang burger sa canteen.
Sarus scoffed. "As if. Wala nga akong masiyadong kilala dito sa school. Kilala ko lang sila sa pangalan," sagot naman niya.
"Hindi mo sila kilala pero, ikaw kilala ka nila. Naglaro ka no'ng intrams, 'di ba?"
"Ilang minuto lang 'yon! Napilayan ako, eh. Kumbaga sa palabas, nag-cameo lang ako," sabi niya bago tumawa. Ang kaninang pagsimangot ko ay napalitan ng pagtawa. Nakakahawa ang tawa ni Sarus, nako!
"Malay mo sa 'yo, may magbigay. Chocolates tapos flowers," sabi niya bago nagtaas-baba ang kilay. Napanguso ako bago umiling.
"Bakit may magbibigay? Hindi naman ako gano'ng kilala dito sa school," sabi ko. Sarus just shrugged and sipped his drink.
Bumalik na rin kami sa classroom nang matapos kaming kumain. Nagpatuloy ang klase hanggang sa mag-alas said y medya na. Kaunting minuto na lang at makakauwi na ako kaya hindi ko maiwasang hindi bantayan ang orasan.
Nakinig lang ako sa discussion sa Personal Development habang ang mata ko ay pabalik-balik sa orasan.
"Limang minuto..." bulong ko.
Habang hinihintay na matapos ang limang minuto, panay lang ako tango sa sinasabi ng teacher ko. Puro ako pagsang-ayon para hindi mahalata ang pagkaantok ko.
"That's all for today. Mag-iingat sa pag-uwi!"
That's my cue. Kinuha ko kaagad ang bag ko at nagpaalam sa last teacher namin bago ako lumabas ng classroom. Dahil sabay-sabay lumalabas ang mga estudyante, hindi ako makahinto sa paglalakad dahil kapag huminto ako, mahaharangan ang mga nasa likod. Nagdesisyon akong bumaba at doon na lang hintayin si Leisarus.
Paglabas ko ng building, hinintay ko si Leisarus. Nag-chat na ako sa kaniya at sabi niyang pababa na siya kaya naghintay ako. Natanaw ko si Joven sa hindi kalayuan na may kaharao na babaeng hindi naka-uniporme.
"Hindi siya dito nag-aaral," bulong ko habang pinapanood si Joven na mukhang umiiwas sa babae. Ang babae namang kaharap niya ay sinusubukang hawakan ang braso niya pero, umiling si Joven bago siya naglakad palayo. Walang pagdadalawang-isip na sumunod ang babae.
Natulala ako. What K-Drama is that?
"Huy," someone tapped my back. Paglingon ko ay nakita ko si Sarus na nakangiti sa akin matapos akong tapikin. "Tara, uwi na tayo. Kanina ka pa inaantok, 'di ba?" tanong niya at hinawakan ang dalawang balikat ko mula sa likod. Tinapik niya ako nang dalawang beses bilang senyales na maglakad na ako kaya maglakad ako patungo sa tawiran habang siya ay nasa likod ko at nakahawak sa magkabilang balikat ko.
Nang tumapat kami sa pedestrian lane, umalis si Sarus sa likod ko at nagpunta sa gilid ko. Bumaba naman ang tingin ko nang iharang niya ang braso niya sa harapan ko na parang pinipigilan ako kung sakaling tatawid ako.
"Sandali lang po," I heard Sarus said and then, I felt his hand on my arm. Tumawid kami patungo sa kabila habang si Sarus ay nakahawak pa rin sa braso ko.
"May paparating na jeep, dadaan ng Pacita pero, puno," komento ni Sarus. Napatingin naman ako sa paparating na jeep na puno nga ang loob. Umiling ako dahilan para umalis ang jeep. Naghintay pa kami ng paparating pang jeep pero, dalawang jeep na ang dumaan at lahat puno.
"Sa bayan kasi galing 'yang mga jeep kaya puno," komento ko at tumingin sa oras sa cellphone ko. "Baka gabihin tayo kapag maghintay pa tayo sa maluwag na jeep," sabi ko.
"Hindi 'yan, may dadaan 'yan. Ayaw mo sa punuan kaya maghihintay tayo ng jeep na walang masiyadong sakay," sabi niya at hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko nang namura si Sarus sa isip ko dahil sa pagpapatibok nang mabilis sa puso ko pero... shuta talaga si Sarus! Bakit siya ganiyan? Bakit ako ganito?
Shuta talaga, lalo akong nahuhulog.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (SCS #2)
RomanceSoaring Courage Series #2 - It was Junior highschool when Lara May Novales and Leisarus Vincent Anderson met and became friends. Obstacles arose in the way of their friendship, and like a normal friendship, they would quarrel and hurt each other wit...