19.

92 2 0
                                    

Buong oras kong pinag-isipan ang bagong pakiramdam. I asked Joven a while ago and what he said made my confused heart, more confused.

"Ngayon mo lang ba naramdaman 'yan?" tanong niya matapos makabawi sa gulat. Nag-iwas ako ng tingin bago tumango. Joven sighed and tapped my chair twice to make me look at him.

"Malakas ang kabog ng dibdib mo kapag nandiyan si Leisarus? Si Sarus na matagal mo nang kaibigan, pinapatibok ng ganiyan kabilis ang puso mo? Ngayon mo lang 'yan naramdaman?" sunod-sunod na tanong niya pero, iisa lang ang naging sagot ko—ang pagtango.

"Normal pa ba 'yon?" tanong kong muli.

Joven suddenly chuckled amusingly. "Possible pala talaga 'yon, grabe..." bulong niya sa sarili bago tumingin sa akin. "May hinuha ako sa kung bakit ka nagkakaganyan pero, isa lang ang masasabi ko..." aniya at ngumisi.

"Hindi ka nag-iisa diyan."

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Joven matapos no'n. Iniwan niya akong nalilito at kahit anong pilit kong alamin kung anong ibig niyang sabihin, hindi niya sinasabi. Anong iniisip niya tungkol sa sinabi ko? Bakit siya, nakuha kaagad kung bakit ako nagkakaganito? Anong ibig sabihin niya sa hindi ako nag-iisa dito?

"Huy, tama na kakaisip mo. Tawag ka ni Sarus." Kinalabit ako ni Joven kaya nanumbalik ako sa reyalidad. Nang lingunin ko si Joven, nakita ko ang pagngisi niya bago itinuro ang pinto.

"Hanap ka ni Sarus," aniya bago lumabas ng classroom. Tumayo ako at kinuha ang wallet ko bago sumunod kay Joven. Paglabas ko ng classroom ay si Sarus ang bumungad sa akin na mukhang gulat dahil sa bigla kong paglabas.

"Sarus..." bulong ko. "Kanina ka pa?" Umayos ako ng tayo bago siya hinarap. Humakbang din ako pagilid para hindi ako humarang sa pinto kapag may lalabas na mga kaklase.

I flinched when I felt a soft touch on my hair. Nang ibalik ko ang tingin kay Sarus ay naabutan ko ang seryosong ekspresyon ng mukha niya habang inaayos ang buhok kong nagulo dahil sa pagmamadali. Bakit nga ba kasi ako nagmadali?

His eyes caught mine, he smiled, and... what the hell. 'Yong puso ko, bakit nagkakaganito na? Hindi naman ito ganito no'n, ah! Bakit may ganito?

"Tara, libre kita," aniya at hinila na ako patungo sa canteen. "Anong gusto mo?" tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa mga paninda. Nilingon niya ako at maya-maya ay natawa siya.

"Pili na, Lara. Lilibre kita ngayon..." he flashed me a soft smile. "Pambawi ko," dagdag niya.

"Huh? Pambawi saan?"

Sarus sighed and looked at my eyes. "Pili ka na tapos, mamaya tayo mag-usap. Maraming naghihintay sa likod. Go, Lara," sabi niya kaya tumango na lang ako at tinuro ang biscuit na paborito ko at isang softdrinks na nasa bote.

Lumabas kami sa canteen at naupo sa bakanteng upuan na nakalagay sa may hallway. Inilapag ni Leisarus ang binili niyang pagkain, ang biscuit na libre niya sa akin, at ang inumin. Inilagay niya sa tapat ko ang dalawang biscuit at nginitian ako.

"Ayan, kainin mo 'yan. Dalawa na 'yong binili ko para kapag nagutom ka mamaya, may makain ka," sabi niya bago kumagat sa binili niyang sandwich.

"Ano pala 'yong pambawi na sinasabi mo kanina?" tanong ko sa kaniya nang maalala 'yon.

Sarus drank from his coke before answering me. "Ang tagal nating hindi nakapag-usap dahil sa nangyari no'n. Matagal tayong hindi nagkasama kaya ngayon, bumabawi ako. Alam kong kaligayahan mo ang panlilibre ko sa 'yo," natatawang sabi niya.

"Siyempre! Sinong hindi matutuwa kapag nililibre?" sagot ko. Pabirong sumimangot si Sarus pero, hindi rin nagtagal ay sabay na kaming tumatawa.

"Sarus..." I called him.

"Hm?"

Huminga ako nang malalim at naglakas-loob na magtanong. "Hindi ka na kinakausap ng mga kaibigan mo?" tanong ko sa kaniya. Natigilan si Sarus at akala ko ay magagalit siya pero, umiling lang siya.

"Hindi na. Hindi na rin naman ako lumalapit sa kanila. After knowing that they're just using me, I don't have any plans to involve myself with them again," sabi niya at nagulat na lang ako nang iangat niya ang kamay niya at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw lang ang lagi kong sasamahan magmula ngayon," aniya.

Natapos ang breaktime namin at dala-dala ko ang biscuit at natirang softdrinks na nilibre ni Sarus. Bago pumasok sa classroom ay nagpasalamat ako sa kaniya. Naabutan ko naman si Joven na nasa upuan na niya at naka-earphones. Hindi ko na siya ginulo at tumungo na lang ako sa upuan ko. Itinago ko ang pagkain sa bag ko at ininom ang matitirang softdrinks.

"Kumusta ang date?" I choke in my drink because of the shock. Agad kong tinakpan ang inumin ko at umubo nang sunod-sunod. Joven panicked and tapped my back.

"Hala, gagi! Sorry!" aniya. Ilang beses pa akong naubo bago ako nahimasmasan. Muli akong uminom at sinamaan ng tingin si Joven.

"Ang sama ng ugali mo," sabi ko. Napakamot siya sa ulo bago ngumiti nang alanganin at nag-peace sign pa.

"Hehe, sorry na. 'Wag ka nang magalit... uwu?" he stated, making me glare more at him. Muli siyang natawa at umiling. "'Di, sorry na. Seryoso na, hindi ko naman alam na magugulat ka nang gano'n. Pasensya na po, Lara May," aniya.

"Grabe! Nag-flashback na 'yong mga happy memories ko sa ilang segundo na 'yon," pagdadrama ko sa kaniya.

"Luh, grabe ka naman," komento niya. "Anyway, kumusta ang date?" nakangising tanong niya at dumekwatro pa.

"Anong date?"

Joven smirked. "Date niyo ni Sarus. Nandoon kayo kanina sa may hallway, tama? Nagngingitian pa kayo," aniya bago pabirong tinuro ako. "Ang yayabang niyo!" aniya kaya nahampas ko ang kamay niya.

"Hindi naman date 'yon! Para kang... para kang gago!" Napaiwas ako ng tingin dahil sa hindi inaasahang pag-iinit ng pisngi ko. Hala, bakit nag-iinit ang pisngi ko?

Joven leaned closer. "Crush mo si Leisarus, 'no?"

That's when it hit me. Crush? Ako, crush si Sarus? 'Yon ba ang dahilan kaya ko nararamdaman ang mga hindi maipaliwanag na pakiramdam nitong nakaraang araw? Crush ko ba si Leisarus?

"Sabi mo, ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nandiyan siya, baka crush mo nga o 'di kaya... may gusto ka na sa kaniya," bulong ni Joven bago umayos ng upo.

Natulala ako at agad dumako ang tingin ko sa biscuit na nasa bag ko. 'Yong biscuit na galing kay Sarus. My heart thumped loudly as I think more of him.

What the hell? So, crush ko nga si Leisarus?

"Pag-isipan mo, Lara." That was Joven's words before our teacher came. Sinubukan kong mag-focus sa lessons namin. I shake the thoughts of Sarus for a while and I was doing it successfully until someone knocked at the door. Binuksan 'yon ng kaklase kong nakaupo sa unahan.

"Ma'am, sa guidance office raw po, need kayo," a familliar student from Sarus' class entered.

"Excuse for a while, class," our instructor said and went to the door. "Anong mayroon, 'nak? Bakit daw?"

Hindi ako gano'n kalayo sa pinto kaya naririnig ko ang usapan. Ayaw ko mang makinig pero, parang may nagtutulak sa aking makinig.

"May nag-aaway po sa classroom, Ma'am. Hindi po namin maawat kaya tinawag na po namin kayo," I heard Sarus' classmate said.

"Okay, sandali! Class, wait for a while!" Our instructor who's Sarus' adviser went to the classroom across. Hindi ko maialis ang tingin ko sa pinto at namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatayo para makalabas ng classroom.

I need to pee.

Hindi pa man ako nakakahakbang patungo sa banyo, nagbukas ang pinto ng classroom nila Sarus at lumabas doon ang adviser nila at apat na estudyante.

"To the guidance office, now."

I shivered at the stoic voice of the adviser but, the moment those students faced my way, coldness ran through my veins as I saw their faces, wounded.

Sarus is one of them.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon