Months passed by like a blink— isang araw binuburo ko ang ulo ko sa aralin sunod ay naging busy na para sa application sa colleges. February pa lang ay pabalik-balik na ako sa Davao, nakumbinsi ni Maverick si Papa na doon ako paaralin sa parehong University kung saan siya.
Kasama ko si Cassidy sa application, sa Davao rin siya samantalang si Dorothy sa Manila. Maraming nagbago sa bahay simula nang maging kami ni Maverick, mas natatanggap na ako ni Papa— naging mahinahon na siya sa akin kahit papano. Sa mga Kuya si Lucas lang at Kuya Antonio ang nakikita ko dahil sila ang namamahala ng fish farm, ang ibang Kuya ay sa Manila na talaga. Nakalimutan ko na ang issue kay Auntie Yvanka at sa isa sa mga kuya dahil wala na rin namang nake-kwento si Maverick.
Maayos ang relasyon naming dalawa. Mabuting boyfriend siya, hindi siya nakakalimut sa espesyal na okasyon— ganoon pa rin siya at panay dalaw sa akin sa GenSan. Malaki ang pasalamat ko sa kanya dahil na rin sa siya ang nakakakumbinsi kay Papa sa maraming bagay gaya nalang sa pakikipagkaibigan ko kay Cassidy.
I enroll for Environmental Science— tutol si Papa, gusto niya ituloy ko ang Home Economics pero nakisuyo ako kay Maverick kaya pumayag na rin talaga siya. Binantaan lang ako ni Papa na huwag sasayangin ang tuition fee na babayaran niya, kahit naman boto siya kay Maverick ayaw niyang mapahiya sa buong GenSan kung mabuntis ako ng maaga.
"I'm sorry, Nana. Finals kasi, hindi ako makakapunta."
I'm happy rather than disappointed hearing Maverick said he can't make it to my graduation tomorrow. Hindi sa naiirita ako pero nauumay ako minsan sa kanya kapag pumupunta sa St. Mary's. Ilang beses na niya akong nadalaw sa eskwelahan, he is a calm boyfriend pero naiiba kapag sa St. Mary's niya ako dinadalaw.
He thinks someone will snatch me any minute. Pumayat na ako, may kaonting baby fats pa rin kapag lang may araw na nakakaligtaan kong tumakbo sa umaga. Pero ganoon pa rin ang itsura ko, tinutukso pa rin akong badjao.
"Okay lang. Naiintindihan ko."
"Dito nalang ba tayo magkikita next week sa Davao o susunduin kita diyan?"
Napahugot ako ng malalim na paghinga. Buong taon kong inabangan ang pagbalik sa Fuerteventura pero ngayon hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Naging maganda ang bakasyon ko noong nakaraan taon dahil sa magpipinsang San Jose, hindi sa sinasawalang bahala ko si Maverick pero iyon talaga ang nagpakulay ng bakasyon ko at hindi naging boring. Pero gaya ng ibang pagkakaibigan na binuo ko nitong taon ay nagkalayo rin ang loob namin nina Talia, Harper at lalo na si Ascari.
Si Talia nagkakausap pa naman kami pero madalang lang at sobrang bilis, si Harper simula nang maging official sa Facebook ang status namin ni Maverick parang umiiwas na siya, sumasagot sa pangungumusta pero ilag talaga— si Ascari matapos ang huling tawag niya ay hindi na talaga, kahit nang magpasalamat ako sa pagpapadala niya ng jacket isang malamig na your welcome lang ang reply niya.
"Sabay kami ni Dorothy, sa Fuerteventura nalang tayo magkita."
Dadalaw sa Fuerteventura ang pamilya ni Dorothy, may pag-uusapan yatang negosyo kasama si Uncle Luis kaya nagpasya ang babae na sumama para magbakasyon na rin. Mainam iyon sa akin na may makakasama ako sa bakasyon maliban kay Maverick, hindi ko naman nasisiguro kung makakagala pa ba ako kasama ang mga San Jose, wala rin namang balita kung magbabakasyon sila.
Dahil sa maraming dahilan, kasama na ang hindi naman ako ganoon kahalaga, hindi nakapunta si Papa sa graduation ko— si Yaya Lottie ang umakyat sa stage para samahan ako at ipasuot ang medal na nakuha ko.
Nagsikap ako ngayong taon ng higit sa nakaraan, hindi man ako pinalad na maging Valedictorian ng batch namin ay isa pa rin ako sa may mataas na parangal— nakakuha rin ako ng karagdagang medal para sa research at training ko.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
