31

203 11 4
                                    

"What the fuck is wrong with you?!"

Ang gulat ko at takot ay dumoble nang padarag na lumabas ng sasakyan ang nagmamaneho. Hindi maipinta ang mukha niya habang tinatahak ang pagitan naming dalawa.

Walang pag-iingat niyang hinablot ang braso ko at kulang nalang idiin ako sa sasakyan niya.

"Are you out of your mind, Miss?" he dangerously asked like he didn't know me at all.

I take a deep breath, trying to take control over my rushing emotions. Hague Ascari San Jose is towering over me, with his sharp eyes that piercing through my soul.

Gago, ah. Bakit galit 'to? Ako muntik niyang masagasaan 'di ba?

Nang makolekta ko na ang sarili mula sa pagkabigla ay hinila ko ang braso mula sa kanya. Napaawang ang labi niya nang umatras ako palayo. Pwede ko siyang sigawan pabalik at tawaging reckless driver pero pareho kaming Professional— at Professor ako sa University na ito. I will not drag my name with disrespect.

"You're on the University grounds, you are supposed to drive under 20kph," mahinahon kong sabi. Iniiwasan kong mapatingin sa mga mata niya at nakaderekta lang sa kunot niyang noo.

Napangisi siya pero may mapanuya sa mga iyon. "Seriously? Are you going to blame me with your mistake?" makahulogan niyang sabi. "Ikaw ang hindi nakatingin."

"Alright. Ako na may mali. I'm sorry. Titingin na ako sa likuran ko sa susunod."

What a waste of time to argue with him. Baka magkapersonalan pa kami. Inayos ko ang bag sa balikat ko. Sinigurado kong wala siyang mabasa sa mukha ko, kung nasusuya ba ako o kinakabahan.

"If you'll excuse me. I have to go."

Narinig ko ang mahina niyang pagmura nang talikuran ko siya. Sige, magmura ka pa, sana mabulok 'yang labi mo kakamura. Sa kaba at pagkabigla ko kanina ay napalis at napalitan ng inis sa kanya. After years sisigawan niya ako ng ganoon sa harap ng mga estudyante? Ang kapal ng apog niya, ah.

Ganoon ba dapat ang trato dahil mag-ex kaming dalawa? Bwisit na lalaking 'yon. Mukhang iba nga talaga pagkakakilala ko sa kanya. Bwisit talaga. Kaya impossible kaming maging magkaibigan pagkatapos ng lahat, kasi lumalabas tunay niyang ugali.

Sobrang asar ako na nagpadala ako sa invitation ni Maverick sa akin na lumabas. Inasahan ko na may ibang kasama dahil sa bar niya ako dinala pero hindi ko inasahan na ang kinaiinisan ko nandoon din. Napairap ako nang lingonin ako ni Maverick.

"Sorry,  hindi ko alam. Alis nalang tayo?"

"Nandito na tayo 'di ba?" asar kong sabi.

Ako pa ang humila sa kanya papunta sa  mesa ng mga kaibigan niya. Binati niya ang lahat at pinakilala pa ako. Hindi ko alam kung ayaw niya lang na makahalata ang iba o nang-iinis siya lalo nang ipakilala pa talaga niya ako sa taong muntik na akong sagasaan kanina.

"That's Ascari and Patricia..." Mabilis ko lang nginitian si Patricia at kinuha ang inumin na binigay sa akin tsaka ininom. Nasilip ko habang umiinom ang paglandas nang kamay ni Patricia sa binti ni Ascari na kaagad gumalaw na parang inaayos ang pag-upo. Napunta sa sandalan ng kinauupuan ni Patricia ang braso niya habang ang isa niyang kamay ay inabot ang baso ng alak.

Nahuli ko ang pagtaas ng kilay niya at pagngisi. Umirap ako. Mabilaukan ka sanang demonyo ka.

Nilapit ni Maverick ang labi sa tenga ko. "Ikalma mo. Malulusaw 'yan sa tingin mo."

Pasimple ko siyang siniko. Nagngitngit ang ngipin ko. Matiim akong bumaling sa kanya. "Lulusawin ko talaga 'yan. Muntik na akong sagasaan sa University kanina."

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon