I'm so proud of Ascari when he immediately went to his dad and say sorry after we step in the vip room. He hug him and even pouted his lips like he's a kid.
Nakikita ko kung gaano kalayo ang agwat ng kung paano kami pinalaki. Pinalaki siya ng puno ng pagmamahal, mahinahong pagdidisiplina at may kalinga mula sa magulang. Habang ako... hindi ko alam, si Yaya Lottie ang nagpalaki sa akin, mabuti siyang ina pero may pamilya siyang kanya kaya sa natural ay iyon ang inuuna niya.
"Come here, baby. Join the family hug."
Minuwestra ni Ascari na lumapit ako sa kanila. Nakaakbay siya kay tito na napapailing ngunit may maliit na ngiti sa labi habang si tita ay nakayakap ang braso sa katawan ni Ascari— kinumpas niya rin ang kamay na lumapit na ako.
My heart suddenly became full when I join them. I never had a family but with them— even after what happened a while ago, I feel like I belong somewhere.
"Baby, sabihin mo nga sa mga magulang ko kung sinong pinipili mo?" tunog nagyayabang na tanong ni Ascari nang makaupo na kaming lahat.
"Ascari, nakakahiya," mahinang sabi ko.
Tinukod niya ang siko sa mesa tsaka pinilig ang ulo sa nakakuyom na palad. Ngumuso siya habang nagpapaawa ang mata. "Please? For my parents peace of mind, Langga?"
Napakagat labi ako. "Ikaw, ikaw ang pinipili ko," nahihiyang sabi ko na sa kanya pa rin ang titig.
Tumingkad lalo ang mukha niya. Umayos siya ng upo. Binuksan niya ang mga braso sabay pahinga ng mga 'yon sa sandalan ng kinauupuan naming dalawa.
"Narinig niyo na mommy and daddy? So please stop worrying. Ako pipiliin ng magandang 'to." Kinurot niya ang pisngi ko tsaka hinalikan.
"Nana, I know it's complicated now but I want to ask when will you gonna break up with Maverick?"
"Mom—
Hinawakan ko ang tuhod ni Ascari, his parents deserves an answer from me. Inalagaan nila si Ascari, binagay lahat ng gusto at kailangan— hindi karapatdapat sa kanya na maging isa lang sa mga boyfriend ko. He deserves more than that— he deserves to be the only man in my life.
"I will need time, tita," I honestly responded. "Kapag nagkita na kami ni Maverick kakausapin ko siya, sunod si Papa. Pagkatapos po n'on..." huminga ako ng malalim. Habang sinasabi ko lahat naiisip ko kung gaano pala kahirap, pero nandito na 'to, kinakaya ni Ascari kaya kakayanin ko rin.
"Pagkatapos po..."
"It's okay, Nana." Inabot ni tita ang kamay ko sa mesa. "Okay na ako sa alam kong may plano ka ng tapusin ang sa inyo ni Maverick."
Nakangiti niyang binalingan ang anak tsaka inabot din ang kamay nito. "Ascari love you the very first time he sees you—
"Mommy, hindi niya alam!"
Umirap si tita. "Well, atleast now alam na niya."
Sinilip ko ang mukha ni Ascari, namumula ang leeg at tenga niya. Pabiro kong binunggo ang braso niya. "Crush mo pala ako, ha."
"Hindi lang crush, Nana," si tita. "Mahal ka na raw niya. He called me one night after you met each other. Gustong umuwi ng Manila kasi raw biglang hindi makahinga. Imagine how scared I was..." tumawa si tita ganoon din si tito.
"Nagpadala kami ng doctor sa bahay sa San Jose. It turns out he's having a panic attack because he promised you a pair of earring pero what he have is pretty ugly for his taste."
"Mom, it sounded worst kapag ikaw nagke-kwento. I didn't had a panic attack."
"You asked to go home because you can't breath for worrying."
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
