"It's an opportunity to have you back, Miss Alzate— or should I call you Doctor Alzate now?"
Natawa ako sa sinabi ni Miss Honey. After so many years nakauwi na rin ako sa wakas sa Pilipinas. They were requesting for me for over two years now, they want me to facilitate with the ecological restoration project na gaya ng great green wall project ko noon sa Cape Town. Dumaan pa ako sa Brazil para sa isang research kaya natagalan ang pagdulog ko sa request ng organization.
"Nana nalang Miss Honey."
"Naku, Ma'am Honey, hanggang ngayon mahiyain itong si Nana..." Natatawang sali ni Miss Grace sa usapan. Sila ni Miss Honey ang dahilan kung bakit nagawa kong hindi lang matapos sa bachelor's degree ko sa Cape Town kundi mapursue ang Doctorate ko Australia. Their continues support was one of my inspiration for my success.
"Kaya ba wala pang boyfriend hanggang ngayon?" Biro ni Miss Honey.
"Wala lang oras, Miss Honey," dahilan ko.
"Baka walang pumasa na foreigner. Ipakilala na ba kita sa mga pinoy, Nana?"
Natawa nalang ako kay Miss Honey. Wala sa isip ko ang magkaroon ng karelasyon. Sa loob ng mahabang panahon nasanay akong mag-isa— tama nga sila nang sabihin nakaka-adik kapag nasanay ng single, parang wala ka ng balak magkaroon ng sakit sa ulong lalaki.
"May tutuluyan ka na ba, Nana? May extra room ako sa bahay. Kung gusto mo sa akin ka na muna?"
Inilingan ko si Miss Grace. Mga isang taon lang naman ako rito sa Pinas, balak kong bumalik ng Brazil para ituloy ang nasimulang research doon. Ang contract namin ni Miss Honey tutulong lang ako sa facilitation ng restoration project, magtuturo na rin ako sa University. Nakapag-usap kami ni Tanya, nagtuturo na rin siya sa isang prestigious University sa Manila kaya nagkasundo kami na sa condo na niya ako. Siya lang naman mag-isa, hindi na kasi siya nagbago at papalit palit pa rin ng boyfriend.
"Umm Miss Honey, Miss Grace mauna na ako," paalam ko sa kanilang dalawa matapos ang mahabang usapan.
Galing airport ay dumeretso na ako sa office nila. Talagang nagcheck lang ako ng laboratory nila at kung kailan sisimulan ang project. Wala akong masyadong pahinga sa eroplano dahil sa walang humpay na turbulence kaya hinahatak na ako ng antok.
"May susundo sa 'yo?"
"Nakapagbook na po ako ng Uber."
"Ah, sige. See you next week, Nana."
Bumeso ako sa kanilang dalawa at lumabas na. Naghihintay na ang sasakyan ko. Tinulongan ako ng guard na maisakay ang dalawang maleta ko.
I so miss the Philippines. Minus the pollution.
Habang nasa byahe nagbabasa ako ng messages. Mga galing kay Tanya pati kay Julie at Fritz na nagtatampo dahil late na akong nakapagsabi, hindi sila makapagfile ng leave para makipagkita sa akin— pareho silang nagtatrabaho DENR sa Davao kaya tight schedule silang dalawa.
Napangisi ako nang may pumasok na message galing kay Maverick. Ilang beses kaming nagkita sa ibang bansa pero heto na naman at gustong kumain kami sa labas. We remain friends, walang malisya, matagal ko ng nilinaw sa kanya kung hanggang saan lang kaming dalawa.
Naalala ko ang nangyari sa mga pamilya namin. Nakakalungkot pero hindi na iyon mababago pa. Naging maayos ang relasyon ni Maverick kay Uncle Luis, siya ang napagkakatiwalaan sa plantation nila. Si Lucas at Kuya Antonio pareho pa ring nakakulong. Si Kuya Angelo ang namamahala ng naiwang negosyo ni Papa, hindi na ganoon ka laki pero atleast hindi naman tuluyang naisara.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
