36

351 12 26
                                        

"Wala kang sinabi kung anong klaseng bahay ba gusto mo kaya sinunod ko nalang ang instinct ko. Sana nagustohan mo."

Nakayakap si Ascari sa likuran ko habang nakatingin kami sa bahay na pinatayo niya matapos naming maghiwalay. Tinutuo niya talaga na sa pinakataas na peak ng San Jose siya magtatayo ng bahay. Kahit saan ako lumingon wala akong makitang mas mataas sa kinatatayuan namin. May ilang ulap pa nga akong nakikita na abot kamay kaming dalawa. I can see the stream that separates the San Jose and Fuerteventura. Nakikita ko rin ang lambak papunta sa tagpuan naming dalawa noon— even the river where we had picnic with his cousins and Maverick before.

I so love the house, it's like those rustic country houses I saw when I was in Arizona for a University talk— with a chimney and big glass window. It's not that big or small, it's enough for a family.

May mga puno ng prutas sa paligid, may maliit na garden ng bulaklak. There's also a tree house and a swing under it. A water pump and a small pool or a jacuzzi? I'm not sure.

"May gusto ka bang baguhin o alisin?" malambing na bulong niya.

"Nothing, Ascari. I love it."

"Really? So titira ka rito?"

Natawa ako. He will never change with his scheme. May tinuro siya na small capsule cottage, mukhang hindi pa tapos.

"That's your laboratory and green house for your research. But no chemicals allowed in that. Titibagin ko talaga kapag sinubukan mong maglagay."

"Anong ilalagay ko diyan kung bawal? Research laboratory nga, eh."

"Insects, plants or whatever. Basta hindi harmful."

"Iyong insekto na inaaral ko mas harmful pa sa ibang chemicals sa laboratory."

"Ah basta..."  Nagmaktol na. Kumalas na sa yakap niya sa akin. Binalikan ang bagahe naming dalawa. "Pasok na tayo, kukunin ko pinangako mo sa sasakyan kanina."

Napalunok ako sa sinabi niya. Shit. Ito na yata 'yon. Dapat yata nakinig ako kay Tanya na bumili ng pain reliever.

I can't come to appreciate the details of the house interior. Alam kong si Ascari lahat ang pumili ng gamit sa loob dahil sa noon pa man ayaw niyang kumuha ng interior designer pero ang utak ko ayaw pumerme sa kung gaano ka artsy ang bahay. Nakatutok ako sa likuran ni Ascari habang paakyat kami sa kwarto. Iniisip ko kung gagawin na ba kaagad namin o maliligo ba kami muna.

Shit. It's been a month since my spa visit. I am clean down there dahil sa regular akong nagpapalaser pero nag-aalala ako kung nakuskos ko ba lahat ng dapat kuskosin. Shit. Wala akong alam sa ganito. Magtanong ba ako kay Tanya?

Nabalik lang ako sa realidad nang buksan ni Ascari ang pinto ng kwarto. Lalo akong napalunok. Malaki ang kama, nakaharap iyon sa malaking bintana na nakabukas dahilan para tangay-tangayin ng hangin ang puting kurtina. Kitang-kita ang magandang tanawin sa baba, malawak na lambak pati plantation. Masarap ang simoy ng hangin.

Okay sana lahat ng 'to, kung hindi ko lang iniisip na magmamantsa talaga ang dugo ko sa puting bedsheet.

May mahabang upuan na gawa sa kahoy na nakadikit mismo sa bintana. Doon tinulak ni Ascari ang bagahe namin. Inikot ko ang tingin sa buong kwarto. Sa isang gawi ay ang mataas at sakop halos ang buong pader na closet. Sa kabila naman ay ang floor to ceiling din na salamin. Diyos ko, ano 'yan, kapag ginawa namin 'yon at nabaling ang tingin ko sa salamin para rin akong manunuod ng live show.

My gaze went to the bed. I swallowed real, real hard. The bed is made of wood and has pillars in each corners. Bakit may paganyan? Itatali niya ako diyan? Dinuduyan din ng hangin ang nakasabit na white see-through curtain sa mga 'yon.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon