Tahimik ang laboratory at equipment lang ang maririnig. May undergraduates na nagconduct ng observation nila sa insect behavior experiment ni Joan at Mabel. Si Philip ay ginagawa ang soil examination na inutos ko sa kanya. Nasa harap ako ng laptop at nagbabasa nang progress sa research namin na naiwan ko sa Brazil nang makaramdam ako ng gutom.
Bawal kumain sa loob ng laboratory kaya lumabas ako. Muntik akong mapatalon nang sa gilid mismo ng pinto nakasandal si Ascari habang nakakrus ang braso niya. May dala siyang paper bag, at nang makita niya ako ay mula sa isang linya nagkaroon ng ngiti ang labi niya.
"Akala ko hindi ka na lalabas."
Kinunotan ko siya ng noo nang ilahad niya sa akin ang paperbag. "Wala ka bang trabaho?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Well, I have a project near the University. Naisip kong idaan sa 'yo ang earrings mo."
"Sana iniwan mo nalang kagabi sa receptionist ng condo."
"I want to see you wearing it..." Napatikhim siya. Umayos ng tayo. "Like you know.. Back in Samal? When you wear..." he trailed.
"Ang kay Tanya lang ang kukunin ko," deretsahang sabi ko. I don't know what's his deal but I refuse to be part of it.
"But..."
Kinuha ko ang paperbag sa kanya. Kinalkal ko iyon at nang makuha ko ang diamond earring ko ay binalik ko ulit sa kanya ang bag. "Thank you sa paghatid. Have a nice day, Architect San Jose."
Narinig ko ang mahina niyang mura nang lagpasan ko siya. Tuloy ako sa paglalakad kahit na kulang nalang mamaos siya kakatawag sa akin. Humabol siya at hinarang ang daan ko. Akmang hahawakan niya ako nang iiwas ko ang sarili sa kanya.
"Nana..."
"I said you call me Ana."
"Fine, Ana!" he sound so frustrated. "Binili ko kagabi para sa 'yo. Bakit ayaw mong tanggapin."
I look at him alienated. Nawalan ba 'to ng kakayahan na umintindi ng sitwasyon naming dalawa?
"I don't see any reason to accept your present, Architect. First, walang occasion. It's not my birthday, it's not Christmas. Second, we're not even friends to begin with. Third, kung hindi pa halata sa 'yo it's inappropriate to receive a just because gift from someone who is taken. Whatever you're playing, please spare me from it. Thank you."
His lips parted but only manage to gasp. Napailing nalang ako bago siya lagpasan.
Sinong tanga ngayon, Hague Ascari? Akala mo nakalimutan kong tinawag mo akong tanga rati? Well, between us you look like the stupid one.
Umuusbong ang inis ko kay Ascari sa tuwing nakikita ko siya sa University. Wala man siyang ginagawa na hakbang para lumapit sa akin sapat na ang presensya niya para sirain ang araw ko. I know he's an Alumni of the University pero hindi ko makuha kung bakit pakalat-kalat siya. At talagang malapit pa sa college ng tinuturuan ko.
"Miss Ana, may nagpapabigay po."
Napatingin ako sa yellow tulips na nilapag ni Joan sa podium na nasa harap ko. Dumeretso na sa upuan niya si Joan at nagsipasokan na ang ibang estudyante kaya wala na akong pagkakataon na magtanong kung kanino galing. Naghanap ako ng card pero wala naman. Tinabi ko ang bulaklak at nagsimula sa discussion ko.
Pagkatapos ng klase ay dumaan ako sa laboratory. Si Philip lang ang inabutan ko at ilang undergraduates. Tahimik kong kinuha ang laptop ko at lumabas ulit. Napamura ako sa isip ko nang sumulpot na naman si Ascari.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
