28

161 9 5
                                    

Sa daming nangyayari sa buhay ko hindi ko namalayan na tapos na ang finals at academic break na. Natuwa akong isipin na baka lang magkaroon na ng oras si Ascari at makauwi siya ng Davao kahit papano. Nakakapag-usap kami pero wala pa ring pagbabago sa ugali niyang parang palaging may hinahabol na oras, na parang may iba siyang pinagkakaabalahan.

Umuusbong ang selos ko kay Patricia Quintanilla dahil sa mga nakikita kong pictures nilang dalawa na magkasama pero nang tanungin ko si Ascari nang minsan tungkol sa kanya ay sinabi niyang magkaibigan sila. Walang assurance na huwag akong magselos, o sabihin platonic lang ang relasyon nila.

Hapon na pero kakagising ko lang. Umaga na ako nakatulog kagabi sa movie marathon na pinapanuod ko. Mabuti nalang at may sarili na akong apartment hindi ko na problema kung saan uuwi. Balak kong dalawin na naman si Papa pero hindi rin ako magtatagal. Nagpapang-abot lang kami ng mga kuya. Mas problemado na ngayon sa negosyo kaya mas pinipilit din ako ni Lucas at Kuya Antonio kay Maverick.

Nag-aya na lumabas sina Tanya pero kinailangan kong tumanggi. Tumawag si Miss Grace at gustong makipagkita sa akin. Tungkol yata sa scholarship sa Cape Town kaya hindi ko pwedeng ipagpaliban. Sa cafe kami magkikita kaya hindi na rin ako kumain bago umalis.

Nauna ako sa kanya at natapos nang kumain nang dumating siya. Nag-order ako ng inumin para sa aming dalawa. May kasama siyang lalaki, na sa hula ko kung hindi asawa ay boyfriend niya— pinaupo niya ito sa isang mesa katabi ng sa amin, mukhang hindi siya magtatagal.

May nilagay siyang brown envelope sa taas ng mesa. "Nana, hindi na ako magtatagal, may pupuntahan pa kasi kami. Ibibigay ko lang talaga 'to sa 'yo."

"Ano po 'to?" tanong ko habang binubuksan ang envelope.

"Requirements mo 'yan, Nana. Gusto ka nilang mas mapaaga. Complete mo lang 'yang requirements then lumipad ka ng Manila. May contact number diyan tsaka address ng pupuntahan mo kung sino mag-aayos ng mga papers mo."

Binasa ko ang nakalagay sa harap ko. Una kong naisip si Ascari, hindi namin napag-usapan 'to. Pareho kaming nasa Pinas pero lumalabo kaming dalawa, paano nalang kung sobrang layo na? Kakayanin pa ba? Sabi niya noon sasama siya, ganoon pa rin ba ngayon?

"They're so excited of you, Nana. Gusto nilang marinig ang Great Green Wall project mo pero hindi rin sila maghihintay kung hindi ka aalis ngayong taon. Baka ibigay nila sa iba ang scholarship..." hinawakan ni Miss Grace ang kamay ko. "Huwag mong palagpasin ang opportunity, Nana. Matayog ang mapupuntahan mo. Pinagsikapan mo rin ito. Kaya sana makapagdesisyon ka bago sila mainip."

Nang makauwi ako sa apartment ay nagkikipagtalo ako sa sarili ko, kung tatawagan ko ba si Ascari para sabihin sa kanya ang sinabi ni Miss Grace o hihintayin ko ang text niya na gusto niya akong makausap. Panay ang isip ko ng gagawin nang tumunog ang cellphone ko. Napaawang ang labi ko nang makita ang pangalan ni Ascari. It's the first time since forever, palaging ako ang tatawag pagkatapos niyang akong utusan.

Nakangiti pa ako nang sagutin ko ang FaceTime request niya. Napawi lang nang makita ko kung saan siya at kung sino ang mga kasama niya. He's at someone's place, alam na alam ko dahil hindi naman pink ang pintura sa condo niya o kahit sa bahay nila.

"Hi, baby." Dapat ay sasaya ako lalo at sa wakas tinawag niya ako sa endearment niya sa akin makalipas ang ilang buwan.

"Nasaan ka?" tanong ko nang sumilip si Patricia Quintanilla sa likuran niya at napanguso. Nagpipigil lang akong magmura.

They're together... Yes, they have company pero bakit sila ang magkatabi?

"Pat's place," walang paliwanag na sagot ni Ascari. Tumayo siya at naglakad, lumabas ng balcony. "How's my favorite girl?" Malambing niyang sabi pero galit ang humaplos sa puso ko.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon