I didn't need to text the San Jose cousins to come visit us— kakaakyat pa lang ng araw nasa Fuerteventura na silang tatlo. Si Harper at Talia lang ang pumasok, si Ascari nasa loob ng kotse at may kinakausap pa raw sa tawag.
Maybe it's the woman he likes.
"Umuwi pala kasama niyo ang parents ni Ascari? How are they?"
Napalabi ako sa sinabi ni Auntie Yvanka, huwag niyang sabihin na pati sa tatay ni Ascari interesado pa siya. That man is stiff— nakakakita ba 'yon ng ibang tao maliban sa asawa niya?
"Opo, hinatid lang kami. But they'll be flying to Singapore next week. Bibisita kay ate Milan," si Harper ang sumagot.
Kanina pa naghahalukipkip si Talia na parang ayaw niya ang maupo sa sala at makipagkwentohan. She's a wild, adventurous spirit— mas gusto niya sigurong gumala.
"Bakit pala hindi umuuwi si Milan? Is she pregnant?"
I know it should be a joke but that doesn't feel right to the San Jose's and even to me. Si Auntie Yvanka lang pati si Cassidy at Dorothy ang natawa.
"I heard she has a crazy rich boyfriend in Manila. Her parents must be thrilled."
"I don't think it's necessary to talk about my sister."
Nawala ang ngisi sa mukha ni Auntie Yvanka nang biglang sumulpot si Ascari. He walks towards us like he owns the place— his teeth are greeted and I can tell he is pissed. Napausog ako palapit kay Talia na naupo ng matino.
"Hindi ko naman sinisiraan—
"In any way you shouldn't talk about my sister. She's not here, she can't answer you. Why the obsession?"
Napalunok ako. Ascari is nothing but has respect on his every word. Parang bigla siyang ng ibang tao.
"O—okay, I'm sorry," tugon nalang ni auntie.
"Ofcourse you are," tila sarkastikong sabi ni Ascari. Bumaling siya sa gawi ng mga pinsan. "Let's go. May emergency sa bahay."
Mabilis na tumayo ang dalawa. Mukhang kung saan sana ang lakad namin ay hindi na matutuloy pa. Nasa bukana na silang tatlo, tumigil si Ascari at pinaunang lumabas ang dalawa. Nilingon niya kung saan kami. Napahilot siya sa sintido niya na parang problemado.
"Nana, aren't you going to come?" mahinahon na ang boses niya.
Napaawang ang labi ko. Tinignan ko si Dorothy at Cassidy na tila gaya ko hindi rin alam kung bakit biglang nainis si Ascari na marinig na pinag-uusapan ang kapatid.
"Nana," tawag niya ulit sa akin. "Are you—
"Pwede ko ba silang isama?"
Tinuro ko ang dalawang kaibigan. Malalim na huminga si Ascari sabay tango. Nag-unahan ang dalawa sa pagtayo. Binalingan ko muna si Auntie na mukhang hindi nakabawi sa pagkabigla mula sa inis ni Ascari sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na ayan ang napapala ng tsismosa pero naawa na ako.
"Aalis na po kami, auntie. We'll be back later."
Sobrang bigat sa pakiramdam nang pumasok kaming lahat sa kotse. Nasa likuran ako pero abot sa pang-amoy ko ang inis ni Ascari. Sa sobrang nakakatakot siya ay kahit si Talia hindi nagsasalita. Ganoon pa rin magmaneho si Ascari, walang pagmamadali. Nasulyapan ko nga lang na halos pumutok ang ugat sa braso niya sa pagkakahawak sa manibela.
Napasuklay siya sa buhok niya at may sinabi pero sa sobrang hina ay hindi ko na narinig pa. Hanggang sa dumating kami sa bahay nila ay wala talagang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
