25

264 10 1
                                        

Sinisipat ko ang bawat galaw ni Ascari habang nagluluto. He's not wearing any on the top aside from a pink apron. Nakakapanghina ang braso niya sa totoo lang. Hindi naman ako mahalay, pero hindi rin ganoon ka pure ang utak ko.


Nahila niya ako kagabi pauwi ng San Jose. He'll be staying for a week in Davao— totoo ang design competition niya pero sa lunes pa naman magsisimula. He was so furious with Maverick last night, ang isa rin kasing 'yon hindi makakuha ng signal, bumalik pa kasi at humihingi na naman ng pasensya. He seriously needs therapy.

"Babalik ako after lunch sa city, ha," paalam ko sa kanya. "May trabaho ako sa cafe mamayang gabing."

"Take the night off, baby. I'll pay you to date me," walang lingong salita niya. Sa seryoso niyang mukha at umiigting na panga alam kong magtatalo kami kapag hindi ako pumayag.

I miss him. I guess tsaka na ako ma-mroblema sa pera kapag wala na siya ulit dito.

"Next week is your exam. Already paid your tuition?" He gave me a quick glance before focusing back with frying the eggs.

"Umm Sa ano, sa monday na." I can't lie to him but I can't also tell him na kulang pa ang pambayad ko. Papatayin ko na talaga hiya ko at mangungutang na ako sa mommy ni Tanya.

"May pambayad ka? Bayaran ko na balance—

"Ascari, kaya ko." Kahit mahirap. Kakayanin.

"Alright."

Tinukod ko ang siko sa mesa at pinahiga ang pisngi sa nakakuyom na palad. Ilang beses akong napabuntong hininga. Ascari is perfect. This moment is perfect. I hope we could stay like this forever.

Naalis ang tingin ko kay Ascari nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Umayos ako ng upo at tinignan iyon. Napatikhim ako nang makita ang hindi kilalang numero.

Unknown Number:

Sorry about last night, Nana. Gusto sana kitang makita, may sasabihin lang ako. Please, Nana. I'm desperate.

"Who texted?" Asacari asked, suspicious.

"Wala. Random number. Nan-ti-trip."

Ofcourse I have an idea who it is but it doesn't matter. Wala akong balak makipagkita, o makipag-usap. I don't have to ruin my moment with Ascari.

Tahimik ako buong umagahan. He's talking with someone over the phone. They're talking about an art festival, kung sino man ang kinakausap niya ay pinipilit siyang maging bahagi niyon. But he's consistent with saying he is sorry because he's very busy.

"Sorry about that. Ang kukulit," buntong hingang sabi niya matapos ibaba ang tawag. Inabot niya ang pitcher at nilagyan ng juice ang baso ko na nangalahati.

"They're desperate of you," natatawang sabi ko.

"Nah, they want funds that's why they're inviting me."

Napataas ang kilay ko. Siya lang ba mabenta para siya talaga gusto nilang hatakin? I know he's an art himself but I couldn't imagine displaying him for funds. Mga loko 'yong mga organizer, ah.


"They want donations from the family, Nana," paglilinaw niya sa iniisip ko. "You know Auntie Irene is a philanthropist. They want me to be part of the event to give the invitation to her. Kasi kahit nagpapaulan ng donation si Auntie, mapili 'yon sa organization. Mabusisi."

Tumango-tango lang ako. Nakilala ko na ang sinasabi niyang auntie, she's Talia's mom— kapag tinatabi silang dalawa hindi mo akalain na mag-ina. Miss Irene is timid, very demure while Talia is... Well, she's Talia.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon