Ascari didn't say his goodbye to me. Wala akong ideya na iyon pala ang huli naming pagkikita nitong bakasyon. Nasabi nalang ni Talia nang dalawin nila ako ni Harper para ayain na mamasyal sa siudad.
"Bakit naunang umalis si Ascari?"
Maingat ako sa pagtatanong sa kanilang dalawa, wala akong ideya kung alam ba nila na nagkakataong nagkikita kami ni Ascari sa lambak pero mas gusto ko ring wala na silang alam at baka malagyan pa ng kulay ang hindi sadyang pangyayaring iyon.
Naglalakad kami sa loob ng pasalubong center— bumibili silang dalawa ng mga dadalhin sa pag-uwi nila ng Manila, bumili rin ako ng ilan para kay Dorothy at Cassidy, hindi na ako nag-abala pa kay Papa dahil itatapon niya lang naman 'yon.
"Lilipad ng Singapore. Vacation sila doon."
Tumango lang ako. Nasabi niya noong nakaraan na nandoon ang kapatid niyang babae, baka doon nag-aaral o 'di kaya ay nagtatrabaho. Mabuti talaga at malapit sila ng kapatid niya, hindi ko iyon maranasan sa mga kapatid ko.
"So, Nana, kayo na talaga ni Maverick?" Si Talia ang nagtanong pero naramdaman ko ang biglang paninigas ni Harper sa likuran ko.
I don't want to hurt her but I don't want to lie too.
"Kinikilala lang namin ang isa't isa."
"You mean dating?" Si Talia pa rin na panay lang ang lagay ng kung ano sa basket niya.
"Oo parang ganoon."
"Walang courtship? Don't get offended, ha, but I see you more of getting woo.... rather you know, straight to dating?"
"Ano bang pinagkaiba?"
Nalilito pa rin naman ako. Wala akong karanasan, ang alam ko lang kinikilala namin ni Maverick ang isa't isa. Nagbibigay siya ng regalo, nilalabas niya rin ako, hindi ko lang masabi kung panliligaw rin ba 'yon.
"Well, paano ba? Hmmm" tumingin siya sa taas na parang nag-iisip. Sunod ay sinundot niya sa braso si Harper na natulala na sa durian candy na hawak.
"Ikaw nga magpaliwanag."
"Ako?" tila nataranta si Harper, muntik pa niyang malaglag ang mga hawak. Napakamot siya sa kilay niya sabay buga ng hangin.
"Ano, kapag dating kayo ano... Ummm..." Tila hindi niya mahanap ang dapat na sabihin. Nangangapa siya na maging ako nahihirapan para sa kanya.
"Doon ka na nga. Uminom ka ng tubig, pampakalma," makahulogang sabi ni Talia sabay tulak sa pinsan palayo sa amin.
"So, ayon na nga, Nana. Kapag dating kayo meaning may connection na, may spark na kayo. You like each other already. Gusto niyo lang mas makilala pa ang isa't isa at palalimin pa ang connection. Pero kung nanliligaw naman si Maverick meaning either meron o wala kang feelings para sa kanya. He is building the connection. He is learning about your interest and all. If he is man enough baka maghingi pa ng permiso sa magulang at kapatid mo. So which is which?"
"Hindi ko talaga alam, basta may usapan lang kami na kikilalanin ang isa't isa. Pero nagbibigay rin siya ng regalo. Hindi ko lang alam kung gusto ba talaga niya ako higit sa kaibigan."
Tumaas ang kilay niya. Tinignan niya ako na parang nangingilatis. "Hayaan mo na kung anong feelings niya, pero ikaw ba, Nana.... May gusto ka kay Maverick?"
"Okay lang naman si Maverick."
"How about Kuya Ascari? You like him?"
Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Bakit napunta kay Ascari ang usapan? Wala naman kaming bulgar na interactions na dalawa. Kahit kaming dalawa lang nagkikita wala namang malisya iyon. We talk and act like friends, iyon lang naman, ah.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
