39

428 12 18
                                        

"Enough with tormenting my wife..."

Pabirong kinurot ni Ascari si Milan sa pisngi bago niya ilapag sa harap ko ang tubig na hiningi ko.

"I'm not tormenting her. Naiinis lang ako. Hindi nakinig. She deserves more than a lousy online wedding, you know?" Milan reason out. Gumanti rin ng kurot kay Ascari.

Ang two weeks namin naging dalawang buwan na sa San Jose. Sumakit ang ulo ni Miss Valderrama sa short notice ko pero nagawan din ng paraan ang online teaching. I recommend another scientist na pwedeng maging head ng laboratory nila and everything turn up well. I have so many research backlogs pero pwede ko namang balikan 'yon anytime. It's not a priority as of the moment.

Unang dumating ang parents ni Ascari para kumustahin kami, sunod ay si Milan at ang pamilya niya. Maaga pa siyang dumalaw sa bahay para lang ipaintindi sa akin na dapat hindi ako pumayag sa kung paano kami kinasal ni Ascari.

Hindi ko na ma-imagine kung anong reaction ng mga kaibigan ko. Mamayang hapon lang ay dadalaw rin sila. Wala pang mga ideya na kasal na ako.

"Can you please stop?" Umupo si Ascari sa arm rest ng single sofa na inuupuan ko. Hinimas niya ang tiyan ko na hindi pa naman masyadong halata. "You're stressing our baby."

Napairap na naman si Milan. "Legal ba 'yong kasal niyo? It's on video call for goodness sake. Paano ang papers?"

Inabot niya rin ang tiyan ko pero tinulak iyon ni Ascari palayo. Ang kulit nilang dalawa. Sa inisan nila napapakita ang pagmamahal sa isa't isa.

"She's using my last name on all her legal documents now. So, if you're smart enough, you know that our marriage is legal."

"It's a yes or no question, get it? Dami mong dada." Milan tsked. "Itago ko kaya si Nana para manahimik na naman 'yang bibig mo."

"You try. Papasabugin ko bahay niyo."

"Hey! That's too much! Papatayin ka ng asawa ko kapag may nangyaring masama sa mga anak namin."

"Bakit, takot ba ako sa kanya?"

Napahilot nalang ako sa noo ko. Ngayon pa lang sumasakit na ulo ko— paano pa kaya kapag lumabas na ang anak namin ni Ascari? Huwag naman sana kasing gulo nilang magkapatid.

Magulo ang bahay buong araw. Pinapunta ni Ascari sa bahay ang mga katulong na nasa ancestral house ng San Jose, may ilang mga tauhan din sa plantation ang tumulong para sa maliit na salo-salo— kung maliit ba talaga dahil buong San Jose yata ang imbitado. Hindi ko nga alam kung anong okasyon ba meron kami, matagal naman na natapos ang kasal namin— iyong pinagbubuntis ko napag-usapan naming pamilya lang ang makakaalam muna at mga malalapit na kaibigan.

"Pasalamat ka buntis ka. Kundi tatadyakan kita pababa ng bundok na 'to. Ang tagal niyo na pala rito hindi ka manlang nagsasabi!"

Nalaki ang butas ng ilong ni Julie sa pagsasalita. Inambahan niya ako ng sabunot pero sa huli ay niyakap lang din ako. Nakisali si Fritz at Tanya sa amin. Sila ni Fritz may mga asawa na pero walang mga anak, si Tanya nalang hindi nagsasawa sa buhay dalaga.

"Ano natanong mo kung bakit sila naghalikan ng bruha na 'yon noon?" Hindi nakakalimot na usisa niya.

"Tigilan mo nga 'yan. Na-stress si Nana."

Hinila ni Fritz ang buhok ni Julie ng mahina. "Matagal na, eh, nakipaghalikan pa rin."

"Wala na sila n'on. Karapatan ni Ascari 'yon," si Tanya na hinihimas ang tiyan ko, nakikiramdam pa kung may gumagalaw.

"Sus. Porket niregalohan ka ng bag?" Umirap si Julie.

Araw-araw akong nililigawan ni Ascari, minsan nadadamay pa ang mga tao sa paligid ko. Tinulongan niya nga ang apo ni Yaya Lottie na maging scholar sa University ni Miss Valderrama, hindi biro 'yon. At syempre si Tanya kaonting parinig nakakatanggap din ng regalo.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon