Inuwi ako ni Ascari sa condo. Nanginig ang paa ko sa bawat hakbang papasok sa unit. Seryosong bagay na itong nilalaro naming dalawa. Wala akong ideya kung saan sa maynila sina Maverick pero kanina ko pa sa byahe iniisip na baka biglang mag-krus ang landas namin.
"Sa 'yo 'to?" nagsimula akong magtanong para maalis sa isip ko ang kaba.
Binaba niya sa sofa ang gamit namin. Nagtanggal siya ng sapatos bago siya lumuhod para tanggalin din ang suot ko. Hinayaan ko lang siya at sinundan ang galaw niya nang ilagay sa shoe organizer ang mga sapatos namin.
"Ikaw may-ari ng unit?" pag-iba ko ng tanong na hindi niya nasagot.
Hinigit niya ako sa bewang sabay upo dahilan para bumagsak kaming dalawa sa sofa. Sumandal siya, pinilig ang ulo— sinisilip ang mukha ko mula sa gilid ng braso ko.
"Nagandahan ka?"
Inirapan ko siya. Alam ko na mga tanong niyang ganyan. Alam ko na rin paano sasagotin para makaiwas sa hindi kailangang regalo niya.
"Nagtatanong lang ako kasi curious ako."
"Nagandahan ka nga?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Maganda pero ayaw kong tumira sa ganito," mariin at klaro na sambit ko.
"Saan mo pala gustong tumira? Anong klaseng bahay? Modern ba? Glass house? Wood?"
Sinubukan kong umalis sa binti niya pero hinigpitan niya lang ang hawak sa bewang ko. "Tell me, baby. May ginagawa na akong plan para sa bahay natin sa San Jose pero kailangan ko ng opinion mo."
"Ascari simple lang din ng tanong ko, ang dami mo na kaagad sinabi diyan."
Pagod siyang napabuntong hininga. "Kapatid ko may-ari, regalo ni Uncle Seb at Auntie Irene sa kanya noong debut niya." Hinawi niya ang buhok ko papunta sa kabilang balikat. "So, answer me too, Nana. Anong bahay gusto mo?"
Bumuntong hinga rin ako. Gusto kong mangarap kasama niya, magplano ng bagay sa hinaharap pero mas masakit lang bumitaw kapag ganoon.
"Malagkit na ako at inaantok. Pwede bukas nalang?"
Dismayado siyang tumango. "Okay, bukas."
Sa kwarto ng kapatid niya ako pinatulog habang sa kabila naman siya. Nakailang palit na ako ng posisyon pero hindi ako makatulog. Naninibago yata ako na malaki ang kama pero walang katabi.
Lumabas ako para makainom ng tubig, inabutan ko si Ascari na may kausap sa cellphone habang nasa kusina. Nakapatay ang lahat ng ilaw maliban sa mismong kusina kaya kung hindi niya lang aaninagin ay hindi niya ako makikita. Ilang beses na rin naman siyang may kausap sa tawag nang nasa Siargao kami, kung hindi magulang niya ay pinsan ang tumatawag, palagi rin akong nasa tabi niya at nakikinig. Pero ngayon may kung ano sa akin na ayaw magpakita sa kanya.
"Idadaan ko muna sa mabuting usapan, syempre." mahabang katahimikan mula sa kanya. "Let them believe it will happen."
Malalim siyang natawa. Wala akong ideya kung sino ang kausap niya o kung tungkol saan. Nanatili lang akong nakikinig.
"I have the evidence with me pero hindi ko ilalabas unless kailangan." Kumuha siya ng tubig at uminom. "I'll be busy for my thesis and all, pero kaya ko namang pagsabayin. Gusto ko na ngang huwag ng ibalik sa GenSan..."
I understand now what he's talking about me. Nanatili pa rin akong nakikinig. Gusto kong busogin ang puso ko sa mga sasabihin niya.
"I love her, Mils. Sobra. Uuwian ko 'to linggo-linggo sa Davao kapag pasokan na. Ilang oras na byahe wala lang 'yan. I have enough savings for a plane ticket in 10 months before the next vacation. Lahat gagawin ko para sa kanya."

BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.