6

276 9 27
                                        

I can't look at Ascari. I can't also look at Maverick. Nag-iinit ang mukha ko kapag nagagawi ang mata ko kay Ascari, kay Maverick naman nakakaramdam ako ng konsensya.

Nag-aya silang mamasyal pero ngayon sa boundary lang ng San Jose at Fuerteventura— nangabayo at tumambay sa gilid ng ilog. Kay Talia ako nakisakay kanina dahil sa hindi naman ako marunong mangabayo, ayaw ko kay Maverick dahil baka may masabi akong makakapagpabago ng lahat.

Nakaupo ako sa picnic blanket habang si Talia nakahiga sa tabi ko, si Harper pinapakain ang kabayo niya. Ang dalawang lalaki nag-iihaw ng barbecue. Pinikit ko ang mata ko.

Peace. I hope to have this everyday.

"Nana, natural ba 'tong kulay mo?"

Napababa ang tingin ko nang haplusin ni Talia ang braso ko. Nilayo ko ang kamay ko sa hiya. Baka iniisip niyang madumi tignan ang balat ko.

"Ah, a—ano.. Oo, natural."

Umahon siya sa pagkakahiga. Tinabingi niya ang ulo sabay hagod ng tingin sa braso ko, hindi niya yata nakuha ang pagkailang ko dahil hinaplos niya ulit ang braso ko. Bahagya pang nakahiwalay ang labi niya.

Isa sa biggest insecurity ko ang balat ko, sunod ay ang katawan ko— pangatlo lang ang mukha ko. May mga oras din kasi minsan na kapag nananalamin ako nakikita kong hindi ako ganoon ka pangit.

"Ang ganda ng balat mo," kumento niya na ikinagulat ko. Sa kanya talaga galing 'yon? Pero perpekto ng kulay niya, light tan— pareho sila ni Harper, hindi maitim, hindi maputla.

"Harper!" tawag niya sa pinsan. Sinenyasan pa ito na lumapit sa amin. "Natural daw kulay niya."

"Oh?" hindi makapaniwalang sabi ni Harper. Umupo siya sa kabilang gilid ko. Ginaya niya ang ginagawa ni Talia na paghagod sa balat ko.

"Ang lambot ng balat mo. Kahit ba nagkulong ka sa kwarto hindi nagbabago 'to?"

Umiling ako. Inintay ko ang insulto pero walang dumating. Inamoy pa nila ang balat ko. Hindi ako makapaniwala na sa kanilang dalawa na wala akong makitang maipintas ay nagandahan sa kulay ko— ang parehong katangian ko na tinatawanan ng iba.

"Kuya, tignan mo—" tinaas ni Talia ang kamay ko. "Natural daw kulay ni Nana, oh. Pareho sila ni Mama ng kulay, 'di ba? Ang lambot ni Nana."

Nataranta ako nang lumapit si Ascari. Gusto ko biglang tumayo at tumakbo palayo. Nahigit ko ang paghinga ko nang lumuhod siya sa harap ko. Nilapit niya ang mukha sa braso ko, nanliit ang mga mata niya.

"Yeah, same with Auntie Irene." Umangat ang tingin niya at nagsalubong ang tingin namin. Nakalimutan ko na yatang huminga ng tama, para akong aatakehin sa puso sa tingin niya.

Sinuway ko kaagad ang sarili ko. Red flag 'yan, Nana. Matanda na 'yan, gwapo at alam na alam ang sinasabi at ginagawa. Alalahanin mo kung sino ang gustong lalaki ng Papa mo para sa 'yo.

"Also gorgeous eyes. Dark but innocent," walang pasintabi niyang puna.

Napaatras siya nang mag-unahan si Harper at Talia sa pagsilip sa mukha ko. Paniguradong pulang-pula ako sa kahihiyan. Sobrang lapit nila sa akin. May isang tigyawat pa naman ako sa pisngi ngayon dahil sa regla ko.

"Oh wow, ang haba ng lashes mo, Nana."

Ayaw paawat ni Talia. Inabot pa talaga ang pilik-mata ko at hinaplos haplos. Napaatras pa ako nang pati ang kilay ko ay punahin nila ni Harper.

"Mas maganda naman kayong dalawa," nakangusong sabi ko nang ayaw nilang tigilan na sabihing maganda ako. Pinapagaan lang yata nila ang loob ko para hindi ako tumigil kakasama sa kanila.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon