Hindi ko alam sa kung paanong hindi ako nabaliw sa sunod-sunod na hirap mula sa mga nangyari. Dinala ng pamilya niya si Kuya Aidan sa Manila, doon siya nilibing. Si Kuya Luther ay ni hindi kinayang bisitahin ng asawa at mga anak niya dahil sa kataksilan niya— pinalibing nalang din namin siya. Si Kuya Antonio at Lucas ay nahuli na ng mga pulis. Si Lucas at Kuya Antonio nahuli na, hindi ko alam kung anong mga kaso ang mga haharapin nila. Si Kuya Angelo na ang nag-asikaso.
Nasa Manila ako at inaayos ang requirements ko para sa pag-alis papuntang Cape Town. Nagpaalam na ako kina Tanya kahit na hindi pa sigurado— gusto kong puntahan si Ascari pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami.
"Okay na, Miss Alzate. We will going to book your flight to Cape Town. The University is expecting you to be there by the end of the week. Kaya kung gusto mo umuwi ka muna sa inyo para makapagpaalam ka sa pamilya mo at maayos mo na rin ang mga gamit na dadalhin." Nakangiting inabot ni Miss Honey ang papeles ko sa akin.
"Thank you po, Miss."
"No problem, Miss Alzate. Marami kaming narinig na maganda tungkol sa 'yo. We hope na kapag natapos ang project mo doon ay umuwi ka rito at dito naman tumulong sa atin."
Kinamayan niya ako bago ihatid palabas ng opisina niya. Nang makabalik ako sa hotel ay nag-iwan ako ng message kay Maverick. Nagkausap kami noong nakaraan sa lagay ng Papa niya at mabuti maayos na. Nag-aalala siya sa kapatid niya dahil sa hindi na rin naman mahagilap si Yvanka. Isang trahedya ang nangyari sa mga pamilya namin, pareho kaming nalagay sa gitna pero magkaibigan pa rin naman kaming dalawa.
"Nasa manila kami, na-transfer si Papa. Gusto mo bang magkita tayo?" Tumawag siya kesa magreply sa text ko.
"Sinong kasama ni Uncle sa hospital tsaka si Mikaela?"
"Si Tita kasama ni Papa, si Mikaela sa bahay rin nina Tita. Pwede naman ako kahit isang oras lang."
"Okay. Saan?"
Nagkita kami ni Maverick sa mall sa tapat lang ng hotel na nakacheck-in ako. Nagmeryenda kaming dalawa at naglakad-lakad sa mall pagkatapos. Pinag-usapan namin ang mga nangyari sa GenSan.
"Nag-usap na ba kayo ni Ascari?"
Napatingin ako sa paa ko sa tanong niya. Ilang linggo na 'yon, huling usap namin nang lasing siya. Hindi ko nga alam kung makakapag-usap pa kami bago ako umalis, o kung may dapat pa ba kaming pag-usapan. Para kasing wala na kaming relasyon, parang naputol na.
"Ang sabi ni Papa iniwan lang sa opisina niya ang mga pictures ni Luther tsaka ni Yvanka. Kung si Ascari talaga 'yon I know he's suffering with his conscience by now. Gago siya pero hindi naman walang puso."
Marahas akong napabuntong hinga. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Una, binabalewala ni Ascari ang relasyon namin. At ito, ilang pamilya ang apektado. Mali ang ginawa nina Kuya at Yvanka pero wala sa lugar si Ascari para gawin 'yon, para ibulgar ng ganoon ang lahat.
"Pupuntahan ko siya mamaya. Kakausapin ko."
"And what will you gonna do kung sabihin niyang siya talaga 'yon? Anong mararamdaman mo, Nana?"
Napunta ang tingin ko sa mukha niya. Seryoso ang mga tingin niya. Nabuhay man ang Papa niya, alam kong apektado si Maverick kung gaano rin ako kaapektado. Nagdadalaga si Mikaela, at kahit sabihing alam niya na hindi niya kapatid ang anak ni Yvanka kay Kuya alam kong tinuring ni Maverick na kapatid ang bata.
"I don't know, Mav. Hindi ko alam," tapat kong sabi.
Napabuntong hinga rin siya. "I can't push you to do anything about it. Kahit batas hindi naman mahahabol si Ascari. Pero sana isipin mo rin ang mga naapektohan, Nana. You told me to keep the secret to myself, ginawa ko. Sana lang masabi mo sa kanya lahat ng mali niya."
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
Roman d'amourA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.