24

268 11 6
                                        

Ako mismo ang naghatid kay Ascari sa airport kinabukasan. Wala na akong nagawa sa kanya nang iwan niya ang kotse niya sa akin. I don't feel lonely seeing him go, alam ko rin naman kasing babalik siya.

Sa aming dalawa siya ang hirap na lumayo, he's considering na magtransfer. Ofcourse, inaway ko. Baliw ba siya? It's his last year in college. He is running for latin honor, itatapon niya 'yon lahat? Para kanino? Sa akin? I can't let him.

Sabay kami ni Tanya na naglalakad sa hallway ng University, nakapag-enroll na siya pero sinamahan niya rin ako. Nagpumilit si Julie at Fritz na sumama rin pero tumutol na ako. Nakwento sa kanila ni Tanya ang ginawa namin ni Ascari sa kotse kagabi, hindi ko kakayanin ang pangungulit nila.

"50 thousand pa," buntong hingang sabi ko habang tinitignan ang papel sa kamay ko. Nakakapanghina. Kung mabayaran ko man 'to may isa pa akong semester na problema.

"Gusto mo umutang? Sasabihan ko si Mommy," alok ni Tanya.

Natulala ako sa kanya. Nilibre na nga niya ako ngayon ng lunch dahil wala ng natira sa ipon ko dahil sa enrollment fee. Nakitira ako sa kanya ng halos isang buwas, babalik ako ng dorm ngayong pasukan na kahit isang kilong bigas walang naiambag sa bahay nila. Mamamatay na ako sa hiya kung mangungutang pa ako.

"Ang dami mo ng tulong."

Umirap siya. "Magkaibigan tayo, Nana. Kung hahayaan mo lang kami nina Julie...."

Nabitin ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone ko. Lumabas ang pangalan ni Ascari sa screen. He is requesting for FaceTime. Napanguso ako. Tinignan ko 'yon ng matagal, nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba.

"Tanya!" histerya ko nang sagutin niya bigla ang cellphone. Nagkibit balikat lang siya at bumalik sa pagkain. Dinampot ko ang cellphone at tinutok sa mukha ko, sinikap kong ngumiti na hindi nahahalatang problemado.

"Hi, baby," bati kaagad ni Ascari. Napanguso ako lalo, maingay sa background niya at maraming tao akong nakikita. He's at his University.

"Hi," bati ko pabalik na hindi alam kung ano pa bang sasabihin.

"How's the enrollment?"

Kinagat ko ang dila ko. I wanted to vent out about my money problem but choose not to. Hindi na niya problema 'yon. Kaya ko pa naman.

"Okay naman. Ikaw? Kumusta diyan?"

Napatingin siya sa likuran niya. Nilayo niya ng kaonti ang cellphone sa mukha niya. He's in like a cafeteria, but a very fancy one. May mga long eating tables at buffet table sa gilid. Para siyang nasa party. And those girls at his back that obviously checking him out— ang gagara. 

"Kakatapos ko lang magpasa ng resume for my training. Nasa University ako. Kakain lang and I'll enroll." 

"Cafeteria niyo 'yan?" hindi ko napigilang itanong.

He cockily smile. "Yeah. Fancy, right? Gusto mo rito?"

Umirap ako. He's trying to convince me again. I am enrolled at a one of the most prestigious University not only in Davao but sa whole region but comparing to how their cafeteria looks, paniguradong walang-wala ang University ko sa kung saan siya nag-aaral.

"I can show you around the University after ko kumain. You will like it here, baby."

Hinayaan ko siya sa pantasya niyang madadala niya ako sa Maynila at pag-aralin. Nag-uusap kami habang kumakain. Ilang beses may lumapit sa kanya at bumati, lahat ng 'yon ay pinakilala niya ako— mapalalaki o babae. Pagkatapos kumain ay pinakita niya sa akin ang University nila— he only tour me around their college, sa department pa lang nila nalula na ako.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon