16

235 10 17
                                        

"Are you sure you are comfortable with this? Pwede naman akong kumuha ng isang pa na kwarto."

Inilingan ko si Ascari. Dalawang kwarto sana ang kukunin niya pero ako ang nagsabing isa nalang. Ayaw kong gumastos siya ng malaki. Pareho kaming estudyante. Mayaman sila, oo— hindi ko masabing ako rin kasi hindi naman ako kasali sa yaman ni Papa— pero kahit ganoon pera ng magulang niya 'yon.

"Shower ka na tapos matulog," utos ko.

"We're sleeping on the same bed, Nana. Sigurado kang—

"Oo nga. Sige na. Maglinis ka na ng katawan."

Nang pumasok siya sa banyo ay inayos ko ang higaan. Nilagyan ko ng unan sa pagitan namin. Unang beses ko na makasama ang lalaki sa kwarto na kami lang, nandiyan ang temtasyon pero pwede naman pigilan.

Nauna na akong nakapaglinis ng katawan sa kanya kanina kaya nahiga na ako. Nakatulala ako sa kisame nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya. Kakacharge ko lang n'on dahil hindi ko namalayang lowbat na pala siya ng ilang araw.

Nilingon ko ang banyo, maingay pa rin ang tunog ng shower. Nagdadalawang isip ako kung sisilipin ko ang cellphone niya pero kalaunan ay tinalo ako ng kuryusidad. Inabot ko iyon mula sa night stand at tinignan.

Si Talia ang tumatawag. Nag-isip na naman ako kung sasagutin ko ba. Baka importante. Pikit-mata kong sinagot ang FaceTime. Muntik kong mabitawan ang cellphone na makitang hindi lang si Talia kundi kasama ang halos buong pamilya nila sa harap ng screen.

Kung ano ang gulat ko ay ganoon din yata ang gulat nila na makita ako. Nakaupo ang Tita Paris sa sofa kasama ang mommy ni Talia, sa likuran nila ang mga asawa na may hawak na kopita. Sa lapag nakaupo si Talia katabi ang isang babaeng ngayon ko lang nakita habang may kalong na batang lalaki.

Nakukuha silang lahat ng camera, sa hula ko nakalapag ang cellphone ni Talia sa mesa. Napaupo ako ng tuwid, inayos ko ang buhok kong nakatirintas pa rin naman ng malinis.

"Nana?" hindi makapaniwalang tanong ni Talia. Lumapit pa sa screen at muling bumalik sa pagkakaupo.

"Hello, Talia..." Napalunok ako ng marahas.

"Good evening po," bati ko sa ibang kasama nila.

"That's Nana?" tanong ng bagong mukha kay Talia.

Nagkausap sila na parang hindi ako nakikinig. Tumigil lang silang dalawa nang suwayin ni Tita Paris.

"Nana, you're with Ascari?" malambing na tanong ni Tita Paris.

"Umm..." I don't know what to say. Sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako? Pero para saan naman ang pagsisinungaling? Baka malaman niya at maging masama ako sa mata niya.

"Nasa shower pa po siya, tita."

Nakita ko kung paano silang lahat magulat na parang hindi inasahan ang sinabi ko. Pinaabot ni Tita Paris ang cellphone kay Talia hanggang sa  siya nalang ang kaharap ko.

"Nasaan kayo ni Ascari, Nana?"

Tinutupok na talaga ako ng hiya sa loob ko. Alam ko ang iniisip niya— nila, pero hindi ko alam paano lilinisin ang pangalan namin ni Ascari.

"Sa ano po—

Naputol ang sasabihin ko nang lumabas si Ascari mula sa banyo. Nakabihis na siya at tinutuyo nalang ng tuwalya ang buhok. Mabilis akong tumalon mula sa kama, nagulat pa siya nang sumulpot ako sa harap niya.

"Why?"

"Mommy mo," sabi ko sabay bigay ng cellphone sa kanya.

Kunot noo niya itong kinuha. Nang iharap niya ang sarili sa cellphone ay kaagad siyang napakamot ng kilay. Tinapunan niya ako ng tingin tsaka naglakad papunta sa balcony. Nakanguso akong bumalik sa higaan.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon