Nag-aya si Ascari ng overnight kasama ang mga volunteers para makasama ako ng isa pang araw. Everyone is asking for tea pero pareho kaming ngiti lang ang sagot sa mga tanong nila.
"Ito nalang, may nangyari ba? Nasuko na ba ang pantalan ng GenSan?" Si Tanya na ayaw akong tigilan, hanggang sa pagpasok ko sa banyo nakasunod pa rin.
"Walang ganoon. Ang bata pa naming dalawa."
Kahit nasa labas siya ng banyo at nasa loob ako alam ko na napairap siya.
"Nakita ko post niya sa instagram—
Nagmadali akong magpunas ng wipes at itaas ang pantalon sa sinabi niya. Binuksan ko kaagad ang pinto. "Anong post?" Baka makita iyon ni Maverick at makarating kay Papa bago ko pa maayos lahat.
"Don't worry, maganda ka naman."
"Ano ngang post?"
"Hay nako, Nana. Saan ka bang kweba nakatira? Ayan sinasabi ko sa 'yo na gumawa ka ng instagram mo tsaka buksan mo rin minsan ang facebook mo..." Kinalikot niya ang cellphone sabay bigay sa akin.
"Ang sweet ni Handsome Archi, hindi halatang mahal na mahal ka, 'no?"
Napanganga ako sa mga post ni Ascari. Mula sa Kinadapawan hanggang sa Manila may picture bilang post niya tungkol sa akin. Ang pinaka-una niyang post ay kasama ko ang mga bata sa Kinadapawan at gumagawa ng water filter, may ilan pang kasunod niyon— nahigit ko ang paghinga ko sa post niya nang nasa Siargao kami. I am on my bikini, nakaupo sa pool side at nakatalikod.
Hague Ascari: I'm jealous with the sun, it has the privilege to kiss every inch of you.
May mga post din siya ng picture namin kasama ang mga magulang niya pati ang kami lang ni tita Paris.
Hague Ascari: My mom with the mom of my future kids.
Kahit ang pagturo niya sa akin na magmaneho hindi nakalagpas sa post— he put it on his instagram highlight. Dati panay tungkol sa art ang post niya pero bigla naisali ang mukha ko. Wala na— pareho na kaming hulong na hulog sa isa't isa.
"Sabihin mong hindi ka kinikilig," bulong ni Tanya sa akin na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Binalik ko ang cellphone niya tsaka pinuntahan si Ascari. Kausap niya si Miss Grace pero nang makita niyang seryoso ang tingin ko ay umahon siya mula sa upuan.
Walang sabi siyang sumunod sa akin. Tumigil lang ako sa paglalakad nang makalayo na kami ng tuluyan sa mga kasama namin.
"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Nakikita ba ni Maverick ang instagram mo? Ascari, kailangan ko munang tapusin ang sa amin bago mo—
"I'm not dumb, Nana. I blocked him," sagot niya sabay talikod at iwan sa akin.
I made him upset. Hinabol ko siya, hinila ko sa braso para tumigil sa paglalakad.
"Don't ruin the mood, baby. I am proud of you kaya kita nilagay sa feed ko. If you don't like it, fine bubura—
Hindi ko siya pinatapos. Hinila ko ang kwelyo niya para hatakin siya pababa at halikan. Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa bewang ko, napadaing ako nang isandal niya ako sa puno ng niyog.
"Sorry. Nag-alala lang ako."
Pinagdikit niya ang noo namin, kiniskis ang mga ilong. "I know my place in your life when I posted those pictures. Pero kapag hiwalay na talaga kayo, I'll unblock him and I will make my profile public again. I'm proud of you, Nana. So, so proud."
Muli niyang nilapat ang labi sa labi ko. Malalim ang paghinga niya nang napunta ang labi niya sa leeg ko. "Tatlong taon ka pa sa college. Ngalay na ngalay na ako."
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomansaA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
