Nangangalay na ang leeg ko sa pagtingin sa bintana, iniiwasan kong gumalaw at tumingin sa gawi ni Ascari pero hindi nakakatulong ang heavy tint ng van dahil nakikita ko ang reflection niya sa bintana. Wala siyang hiya sa katawan na nakatingin sa akin buong byahe. Sumandal pa talaga siya sa bintana para maging komportable.
Ano bang problema niya? Sa pagkaalala ko hindi siya ganito. Tsaka ano na namang ginagawa niya rito? Kung gusto niyang makatulong sa kalikasan ang lawak ng lupain nila, taniman niya ng puno.
"Sasakit leeg mo, Nana."
"Please huwag mo akong kausapin."
Ayan na naman ang tawa niyang tila giliw na giliw. Napahinga siya ng malalim na parang nawalan ng mabigat na pasanin.
"Gusto kitang makausap, Nana. Gaya ng dati."
Hinarap ko siya. Tinapunan ko ng masamang tingin. Maverick is still jealous of him, sa mga away namin nasasali pa rin siya kung minsan. Wala man ang boyfriend ko rito ay ayaw ko pa ring gawin ang bagay na alam kong hindi niya magugustohan.
"Pwede ba, Ascari?" inis na turan ko.
Napanguso siya. "Ang sabi ko maging confident. Bakit biglang suplada?" bulong niya sa sarili pero narinig ko pa rin.
Inirapan ko siya— napaawang ang labi niya na parang hindi makapaniwala. Napahawak pa sa dibdib. Ano na namang problema niya?
"Tigilan mo ako, please."
Dahan-dahan siyang tumango. Nasa mukha niya pa rin ang gulat nang umayos siya ng upo— namumula ang leeg niya pati ang tenga. Sumandal siya sa upuan na parang biglang nanghina. Malala na talaga siya. Mukhang may sakit bakit sumama pa?
Tumigil kami sa kainan nang abutan kami ng tanghalian sa daan. Nagsibaba na ang mga kasama ko sa van, sumenyas sa akin si Tanya na lumabas na, sinabihan kong mauna na at hanapin nalang sina Fritz.
Nakanguso akong tumingin kay Ascari. Nakatulog siya sa haba ng byahe. Bahagyang nakaawang ang labi niya, ang lakas ng aircon pero pinagpawisan pa talaga ang noo niya. Pwede ko naman siyang pabayaan pero hindi naman ako gan'on ka walang puso.
Umusog ako palapit sa kanya. Mahina kong tinapik ang balikat niya, nang hindi pa nagising ay niyugyog ko na.
"Ascari, gising. Kakain—
Naudlot ang sasabihin ko nang nagmulat na siya. Tipid siyang ngumiti. Nang umatras ako ay inabot niya ang tumbler na nakasabit sa bag niya. Binuksan niya iyon at uminom siya.
"Sama tayo, Nana."
"May mga kasama ako, Ascari."
Iniwan ko siyang nakanganga sa loob ng van. Dala ang wallet at cellphone ko ay hinanap ko sa loob ng kainan sina Tanya. Marami ang kumakain sa loob ng kainan na ibang volunteers. Ang dalawang bus ay sa ibang bayan dumeretso— mabuti nalang talaga at isang destination kami nina Fritz. Masakit lang sa ulo dahil mukhang kasa-kasama namin sina Ascari.
"Anong sa 'yo? Hindi pa kami um-order," si Julie.
"Ano bang masarap?"
Sinipat namin ang menu na nakapaskil sa dingding ng kainan. Napairap ako nang nawala ang ingay ng usapan sa paligid dahil sa pagpasok ni Ascari. Ayan na naman kasi siya, agaw atensyon na naman. Nakakainis siya sa totoo lang. Para kasing nag-iba. Parang naging mahangin?
Dumeretso sa casher si Ascari wala pa man din siyang order. Nakita ko kung paano mamulahan ng mukha ang may edad ng kahera. Ano 'yan, fan service para mauna sa pila?

BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.